Dinala ko sa isang maliit na hotel si Sean. Kumuha ako ng isang room doon para doon ko siya pansamantalang patuluyin. I can't risk bringing him back to where I live. Hindi man ako sigurado pero parang may nakatingin din sa akin kahit pa sa tinutuluyan kong bahay. Nagpa deliver ako ng iba't ibang pagkain at inumin sa kwarto niya. Nagpabili na rin ako ng damit na gagamitin niya at hinabilin ko na rin siya sa staff doon. Bawal ngang iwan ko siya doon dahil minor pa pero nagdahilan na lang ako. Binayaran ko na rin sila para tignan tignan si Sean. I promised him I will be back tomorrow pero marami pa akong dapat ayusin bukas. Now that Sean asked for my help to find Althea. I must fix this chaos in my life. Kailangan ko ng harapin ang pang gigipit sa akin ng presidente. Seeing Sean again be

