I checked the time, it was 10:57am halos kadarating ko lang pero feeling ko ang tagal ko ng narito.
Gusto ko na talagang magpalit ng doktor ang kaso ayaw ng asawa ko. Malaki daw ang tiwala niya kay Doctor Jung, pero iba ang pakiramdam ko tungkol sa kanya.
Muling bumukas ang pintuan ngunit ngayon si nurse Nari naman ang pumasok dala ang isang tasa.
"Mag-tsaa ka muna, Althea." Galak niyang alok.
"Salamat Nari, kamusta ka na pala?"
Madalas kong makakwentuhan si Nari kahit noon pa man. Siya ang madalas na kausap ko sa tuwing magpapa-check up ako sa klinika. Malaki ang naging tulong ni nurse Nari sa paggaling ko.
Hindi sinagot ni Nari ang tanong ko. Lumingon ito muli sa pintuan at idinikit ang tainga rito. Nang ilang sandali pa'y agad itong lumapit sa 'kin.
"Buksan mo ito paglabas mo ng subdivision, wala na akong oras para magpaliwanag pa. Basta basahin mo ito at isiping mabuti." Kinuha niya ang sulat mula sa maliit niyang bulsa at agad na ipinatago sa kamay ko.
"Nurse Nari. ."
Mahigpit kong hinawakan ang sulat na bigay niya, gulong-gulo akong pinagmamasdan siya palabas ng opisina. Sinubukan kong sinilipin ang sulat ngunit mabuti nalang at hindi ko na itinuloy dahil muling pumasok si doctor Jung.
"Bibigyan kita ng bagong gamot, mas malakas sa iniinom mo ngayon." Nagpatuloy ang doktor sa pagpapaalam niya tungkol sa bago kong gamot. Hinayaan ko na siyang magsalita, wala sa isip ko ang patungkol sa gamot dahil mas importante sa 'kin na maalis sa lugar na iyon para mabasa ko na ang sulat.
"Ipapahatid nalang kita kay nurse Nari palabas para mapagtawag ka niya ng taxi." Alok niya.
I observed his office, maraming magagandang gamit na kung titignan palang ay alam na mamahalin ang mga iyon. Sa maraming beses kong pagbisita rito tila wala akong nakikitang ibang pasyente. Ngayong unang beses na mag-isa akong nagpunta sa lugar, ngayon ko lang napagtanto na kataka-taka ang ilang detalye patungkol sa doktor at sa klinika niya.
"Nasa labas na ang taxi, Althea." Ani Nari pagbukas niya sa pintuan.
Hindi niya ako tinitignan, sa paglingon ko sa doktor naroon siya't tila inoobserbahan kaming dalawa. Mabigat ang paligid simula nang dumating ako sa lugar na iyon. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko may itinatago sila sa 'kin.
Paglabas ng taxi sa subdivision, nagtanong ito kung saan ba niya ako ihahatid. Base sa plano dapat magkikita kami ni Sayer pero kailangan ko pang mabasa ang sulat nang mag-isa.
"May lugar ba rito na tahimik at walang masyadong tao."
The driver was silent for a few seconds, thinking of a place where he would take me. He drove not so long before we stopped to a place called The Hook Café. Sa unang tingin palang, alam ko ng wala masyadong tao ang nagpupunta roon. It was a café and at the same time a library. It has books showcased in front of the antique looking store.
As I enter inside, bilang lang sa kamay ko ang mga tao roon kabilang na ang mga crew. They greeted me silently leaving a peaceful environment for its customer who are busy reading books.
Naghanap ako ng upuan na malayo at nasa sulok. I found a seat and it was the one I'm looking for. I ordered a creamy coffee and their signature sandwich. Sa pag-alis ng crew, hawak ko pa rin ang papel na bigay ni nurse Nari.
Kanina ko pa gustong basahin iyon, hinihintay ko lang talaga ang tamang tiyempo. Bahagya akong yumuko at tinignan ang kamay ko. Lukot-lukot na ang papel na selyado pa ng sobre. It came to my senses na mukhang importante ang laman dahil selyado pa ito.
Seeing this made me nervous, ito na ba ang sagot sa lahat ng katanungan ko?
My hands were shaking as I try to open the envelope. But as soon as I ripped a piece of it, my phone vibrated inside my bag.
Tinigilan ko muna ang ginagawa ko para masagot ang tawag.
"Babe?" mahinang pagsagot ko.
"Nasaan ka na? Ba't di ka tumawag o nag-text man lang. Ang sabi ni dok tapos na ang check up mo." Sunod-sunod niya tanong. Nagtaka ako.
"Nag-usap kayo ni dok?" Paano niya nalaman na nakaalis na ako ng klinika? " 'Di ba bawal ang phone sa meeting room?" My check up time is exactly his meeting time.
"Ah..kasi.. sumaglit lang ako. Nag-aalala kasi ako sa 'yo e." aniya.
"Ah ganon ba?" I said doubtful. "Naglakad-lakad ako saglit. I'll meet you at your office."
Hindi agad sumagot si Sayer. Alam kong randam niya ang pagkadismaya ko.
"Galit ka ba?"
"Can we just talk about this later?"
Hindi na ako nakapag-paalam pa dahil matapos ang huli niyang salita ay binaba na rin niya ang tawag. We rarely fight but when we do, for sure it will be a silent war. He is a sweet guy pero kapag nag-aaway kami o nagtatampo ako, mahirap siyang amuhin. But this time, with all of this happening baka ako naman ang hindi niya maamo.
I turned off my phone. I need to cool down myself. Near my seat was a ceiling high bookcase. My heart felt a sudden pump which made me suddenly curious. A Déjà vu.
"I think I saw this somewhere." Bulong ko. Pero nawala ang konsentrasyon ko nang may magsalita.
"Here is order ma'am." A waitress approached me bringing my coffee.
Pagtingi ko sa tray hindi lang kape at sandwich ang laman niyon. There was book beside it.
"Anong libro ito?" I asked the waitress habang tinitignan ang libro.
She smiled at me. "We do this to every customer. We pick random books to serve along with your orders. But yours is special."
I looked up to see her face. "Why?"
"It was personally picked by our boss." Bahagyang umusog ang babae para ipakita sa akin ang boss niya.
I saw a man sitting alone in the dark corner across mine. He was busy reading a book. Hindi ko na nakita ang mukha niya dahil natatakpan iyon ng librong hawak niya.
"Oh. Okay, salamat."
Hindi ko na masyadong pinansin pa ang nangyari. She said they do this to every customer so I guess there's no need doubt. I took a sip from my coffee and came back to what was I doing.
I continue to open the letter. Sa loob niyon ay isang maliit na papel at sa likod niyon ay isang malaking papel.
Unang pumukaw ng atensyon ko na sulat kamay ang letra. May kaguluhan ang pagkakasulat tila nagmamadali ang nagsulat nito.
Althea,
Maraming taon ko ng itinatago ang sikretong kailangan mong malaman. Wala ng oras pa para magpaligoy-ligoy. Marami sa alam mo sa buhay mo ngayon ay kasinungalingan lamang. Napaka bait mong tao at ang lokohin ka ay hindi ko maatim pa. Hindi ko alam ang detalye pero kung gusto mo pang alamin ang lahat, pumunta ka sa address na kalakip sa sulat na ito.
Huwag mong kalimutang sunugin ang sulat matapos mong basahin. Ayoko ng madamay sa problema ninyo. Kinakain na ako ng konsensya ko.
Natapos ang sulat nang hindi man lang nakasaad kung sino ba talaga ang gumawa. Pero sa palagay ko si nurse Nari ang may gawa nito, pero hindi pa rin ako pwedeng pakasigurado. Sa pagtingin kong muli sa sobre ay may isa pang maliit na papel na agad kong kinuha.
"Address?"
Nakasulat sa maliit na papel ang isang address na hindi ko man lang alam kung saan. Malaking palaisipan sa 'kin ang mga nangyayari pero malakas ang kutob ko na ito na nga ang sagot sa kulang sa pagkatao ko.
"This doesn't make sense." Tahimik kong giit.
Following this nonsense will make me look silly. And besides, hindi naman ako sigurado kung totoo ang mga nalalaman kong ito.
I crumpled the paper and tossed it back inside my bag. Hinalo ko sandali ang kape ko bago ito inumin. Binura ko isipan ko ang mga kalokohang naiisip ko. Why would this even happened to me? Hindi naman ako artista or such. I do not deserve this kind of mysterious attention.
Kinain ko nalang ang order kong sandwich at inubos ang kape ko. I took my phone and I thought of turning it on but then naisip kong tatawag si Sayer, kaya hindi ko nalang itinuloy. Sa pagtago ko ng cellphone ay may kislap ng liwanag ang tumama sa mata ko. Repleksyon ng kumikinang na cover ng librong dinala ng waitress kasama ang order ko.
Madalim sa kinauupuan ko at tanging lamp light lang sa likuran ko ang nagbibigay ng liwanag para sa 'kin. I scanned my eyes inside the café looking for a clue where that light came from, but I found none.
I took the book and opened it. Wala namang mawawala kung bubuksan ko iyon. The book was a child's fairy tale – The Story of the Lost Cat.
I scanned the drawn pictures inside the book. The title says the story itself but one thing is lost – the ending. Punit ang ending ng story at hindi ko nalaman kung nakauwi ba ang naligaw na pusa.
"Bakit naman ito punit?" una kong naging tanong sa sarili ko. But upon remembering, bakit ito ang ibinigay sa 'kin ng may-ari ng café?
Nilingon ko mesa kung saan nakaupo ang lalaki pero wala na siya roon. Hindi ko man lang napansin ang pag-alis niya.
I checked my watched and it is almost time for lunch. Kailangan ko ng umalis para pumunta sa opisina ni Sayer. Sinara ko ang libro exposing its back cover.
Laking gulat ko nang may maliit na papel na nakadikit at nakasukat doon.
If you want to know the truth. Come to me.