Chapter 49

1270 Words
Biglang pumasok ang isang tawag sa system ko nang hindi ko na ito kinakailangang sagutin. Hindi ko siya kilala pero bungad pa lang niya sa akin ay pangalan ko na ang sinabi niya. "Sayer, kailangan kong makausap ang kuya ko." Nag kunot ang mga kilay ko. Una, hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung sinong kuya ang sinasabi niya. Pangalawa, paano niya napasok ang system ko? Bahagyang sumingit si Cason sa monitor para tignan ang kausap ko. "V! Anong nakuha mo?" "Kuya! Kailangan n`yo ng umalis d`yan. Alam kong magse-self destruct ang facility. Nasagap ng system mo ang signal mula d'yan. Pero may isa pang problema. Nagpadala ng location si Trent sa Special Forces at nasa ere na sila. Pasasabugin nila ang location ninyo." Maliwanag sa tainga ko ang mga narinig pero nagtataka ako kung ano ang ginawa ni Cason para makuha lahat ng mga impormasyon. Sandaling bumaling ng tingin sa akin si Cason. "Wala na tayong oras, Sayer." "Teka! Paanong--" "Mamaya na ako magpapaliwanag. V, hanapan mo kami ng exit point." "Copy." Bawat segundong dumaraan ay mahalaga sa pagkakataong ito. Dalawa ang naglalagay ng panganib sa mga buhay namin. "Kuya! May isang exit point papuntang underwater. May nakikita akong diving suits." Nilapag ko ang laptop para muling tignan ang blue print. Hindi ko nakita ang underwater exit na sinasabi niya. "Hindi mo nakita ano?" Bahagya akong nainis sa asta ni V na tumawa pa nang kaunti. Walang nakakalagpas na mahahalagang detalye sa mata ko... ngayon lang. "Mamaya mo na lang isipin kung paano ko nahanap. Ang mahalaga ngayon ay ang makatakas kayo ng kuya ko." "Sayer, mauna ka na sa exit point. Siguradong hindi papayag si Trent na may makatakas rito." Itinulak niya sa akin ang lahat ng gamit ko. "Sabay tayong aalis." Hindi pwedeng ako lang ang aalis rito. Bumalik ako para tulungan siya. Alam kong magpupumilit pa rin siya kaya naghanap ako ng maaring gawin na kukumbinsi sa kanya. "Wala ng bala si Trent kaya siguradong lalabas siya sa lungga niya kapag nakita niyang tatakas tayo. Kunin mo ang atensyon niya. Makakagawa ako ng smoke screen para makatakas tayo. Huwag mo lang kalimutang isuot ito kapag natapos ko na." Iniabot ko sa kanya ang isang full mask na puprotekta sa amin sa makakabulag na kemikal na resulta ng gagawin kong smoke screen. Tumango siya pero bago ako tumayo ay pinigilan niya ako. "Kahit anong mangyari tumakas ka." Hindi na ako binigyan ni Cason ng pagkakataon para makakontra pa. Agad siyang umalis para gawin ang plano. Bahagya akong tumayo at naglakad patungo sa mga chemical na kakailanganin ko para magawa ang smoke screen. Maingat akong hindi makita ni Trent. Mukha mang nababaliw na siya pero alam kong matalino siya at kapag nakita niya akong papunta sa mga kemikal ay baka kung ano pang maisip niyang gawin. "Nasiraan ka na ng ulo dahil hindi mo nakuha ang gusto mo." Narinig ko si Cason. Siraulo talaga! Ang sabi ko kunin lang ang atensyon pero hindi ko sinabing galitin niya si Trent. "Siguradong alam niyo na kung anong ginawa ko. Sabay sabay tayong mamamatay rito. Wala na rin namang makikinabang sa imprint at hindi ako papayag na may makinabang sa inyo kay Althea." Sandali akong natigil sa narinig. Alam kong nagtataka rin si Cason dahil roon. "Hindi n`yo pa ba nalalaman? Akala ko pa naman magagaling kayo. Na extract ko na ang codes mula sa imprint at kasama sa pagsabog ng lugar na ito ang lahat ng data. Magiging kathang isip na lamang ang kayamanang itinatago ng gobyerno!" Tumawa siya nang malakas. "Kawawa nga lang ang Althea ninyo. Pipilitin ng Special Forces na ma extract ang natitirang codes sa katawan niya at kung hindi ninyo alam, doble, ay mali. Triple ang sakit na mararamdaman niya na siguradong ikakamatay niya at ng batang dinadala niya." Napaangat ako ng ulo para tumingin nang marinig kong may mga nahulog. Nakita ko na lang na sumugod na si Cason sa kanya. "Nasasaktan ka para sa kanya? Siraulo ka! Buntis ang babaeng mahal mo sa ibang lalaki! Ginago ka ni Sayer! Nagsinungaling siya para sa sarili niyang kapakanan!" Magkakasunod na suntok ang pinakawalan ni Cason direkta sa mukha ni Trent na hindi na lumalaban pa. "Wala ka na rin namang magagawa kaya tinanggap mo na lang! Pero masakit `di ba? Masakit na lokohin ka ng ahas na itinuring mong kaibigan!" "Manahimik ka!" Pinili kong huwag pansinin ang mga sinasabi ni Trent at nagpatuloy sa dapat kong gawin. Mabilis kong nahanap ang mga kailangan ko at nabuo ang kemikal na gagawa ng smoke screen. Agad kong sinuot ang mask at sinenyasan ko si Cason. Mabibigat ang panghinga niya nang tumayo mula sa pagsuntok kay Trent at nagsuot na ng mask. "Tara na!" Anim na segundo na lang at sasabog na ang lugar. Binuhos ko ang gawa kong chemical na agad nag activate at gumawa ng makapal na usok. Tumakbo ako patungo sa exit point na magdadala sa amin sa underwater passage. Base sa sinabi ng kapatid si Cason ay may diving suits roon. Mabilis na nakasunod si Cason sa akin pero pinapabagal ng mga sugat na kapwa meron kami. Adrenaline man ang gumagana sa katawan namin ay lalo lamang niyong pinabilis ang pagdurugo. Unti-unti ko ng nararamdaman ang panghihina ng katawan at panlalabo ng paningin. Patuloy man ako sa paghakbang ay nakahawak nalang ako sa pader para hindi ako tuluyang matumba. Naramdaman ko nalang na inakay ni Cason ang kamay ko sa kanyang balikat. "Konti nalang. Makalabas lang tayo rito, ligtas na tayo." Bahagya na lang akong nakatango sa kanya. Mas malala ang sugat ko kaysa sa tama ng baril niya. Pero hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan kong makita si Althea. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya. Marami pa dapat akong ihingi ng tawad sa kanya. Si Cason na ang nagsuot ng diving mask sa akin. Wala na kaming oras para sumakay pa sa mga pods na naroon kaya sa pagbukas ni Cason sa pinto ay agad kaming lumabas. Sabay sa paglabas namin ang malakas na pagsabog ng buong facility. Kahit nasa tubig kami ay naramdaman namin ang impact niyon. Wala na akong marinig kundi ang matinis na tunog na umaalingawnaw sa mga tainga ko. Pakiramdam ko pati tainga ko nagdurugo na. Tila ba alam ni Cason na wala na akong lakas para makalangoy pa. Alam niyang kailangan naming makalayo sa lugar dahil malaki ang tiyansa na madadaganan kami ng mga bato at ibang debri mula sa pagsabog. Hinila ni Cason ang kamay ko. May oxygen man ang mask na suot ko ay para akong mawawalan ng hangin at sumisikip na rin ang dibdib ko. Pinisil ko ang kamay ni Cason na sandaling bumaling ng tingin sa akin. Umiling siya. Alam kong sinasabi niyang huwag akong susuko. Na kailangan kong lumaban. Pero kung mawawala man ako ngayon. Si Cason lang ang pinagkakatiwalaan ko. Marami man siyang nagawang mali noon pero alam kong mahal na mahal niya si Althea. Sumenyas ako at gumawa ng mga letra sa kamay ko. Binuo ko ang pangalan ni Althea. Ngumiti ako matapos `yon. Sa huling malalim na paghingang nagawa ko ay natanggap ko na. Hindi na kaya ng katawan ko ang trauma. Alam ko maraming dugo na rin ang nawala sa katawan ko. Kinuha ko mula sa bulsa ko ang external memory kung saan ko nai save ang data na nakuha mula sa imprint. Bahagya kong hinila si Cason. Binitawan ko ang kamay niya kapalit sa paghawak niya sa extenal memory. Sa kanya ko na ipagkakatiwala ang lahat. Wala na akong ibang nasisip pa kundi si Althea bago tuluyang pumikit ang mga mata ko. "Alagaan mo sila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD