Chapter 50

1205 Words
Tangina Sayer gumising ka! Paulit ulit kong isinigaw sa isip ko habang hinihila ko ang walang malay na si Sayer papunta sa itaas ng dagat. Kailangan kong makalangoy pa nang mas malayo para maiwasan ang mga debris at para maiwasan na rin na makita kami ng mga taga Special Forces. Hawak ko pa rin sa kamay ko ang iniabot ni Sayer na isang external memory. Unang tingin pa lang ay alam kong siya ang may gawa noon dahil minsan ko na iyong nakita na gamit niya noong magkasama pa kami sa misyon. Hindi ko man narinig ang sinabi ni Sayer pero alam ko na sa pagbigay niya sa external memory sa akin ay mahalaga iyon. Nang maramdaman kong nakalayo na kami at ligtas na para umahon ay agad akong naghanap ng malapit na isla o kahit ano pa mang pwede kong mapuntahan para maiahon si Sayer. Kailangan kong malaman kung tumitibok pa ang puso niya. Hindi siya pwedeng sumuko. Siraulo talaga! Hindi ba niya naisip na kailangan siya ng pamilya niya? Kailangan siya ni Althea at ng magiging anak nila. Nagagalit ako dahil parang naghabilin na sa akin ang gago! Ma swerteng may malapit na isla sa paligid kung saan ako umahon. Wala mang maayos na dalampasigan ay may maliit na espasyo na kung saan ko pwedeng iahon si Sayer. Agad kong inalis ang back pack na suot niya. Kahit kailan talaga hindi niya maiwan ang mga devices niya. Pinulsuhan ko siya. Mahina na ang pagtibok pero may pag asa pa. Kinuha ko ang laptop mula sa bag. Alam kong water proof yon. Imposibleng hindi pa natuto si Sayer sa nangyari noon. Agad kong tinawagan si V nang bumukas ang laptop. Kinuha ko na rin ang cellphone ko at kumontak na ako kay Doctong Jung. Kailangan namin ng saklolo. Kailangang madala si Sayer sa ospital. Alam kong labis na sumaya si Althea sa piling ni Sayer kahit pa may pagkukunwari sa naging relasyon nila. Kitang kita at nadama ko iyon sa bawat larawan na nakita ko mula sa cellphone niya. Nakakapanghina, oo. Mahal ko si Althea. Pero tanggap kong mahal na niya si Sayer ngayon. "V! Padalhan mo kami ng rescue sa location namin ngayon. Kailangang madala sa ospital si Sayer. Hindi sumasagot si Doctor Jung." "Siguradong abala 'yon sa pagasikaso kay Althea. Location detected na Kuya. Nagpadala na ako ng rescue opt sa malapit na coast guard mula sa mga contacts mo." Isinaksak ko ang external memory na bigay ni Sayer sa akin. Mas mabuti ng sa computer niya mismo ko iyon makita. Siguradong walang magle-leak na impormasyon. Laking gulat ko nang makita ko ang file name. Imprint Data. Siraulo talaga! Hindi niya dapat kinuha 'to! Nagdadalawang isip ako na buksan iyon. Mas mabuti ng wala akong makita. Mas mabuti ng wala akong malaman. Pero kating kati ang mga kamay kong buksan iyon. Si Althea ang pinag uusapan pagdating sa Imprint. Maaaring naisip din ito ni Sayer. Malakas ang kutob ko na kinuha niya ito para makita kung may maitutulong ba siya. Ngunit bago ko iyon buksan ay may pumasok na message. Pangalan pa lang ang nakita ko ay kumabog na ang dibdib ko. Theresa. Siya ang nag-hire sa amin noon para bantayan si Althea. Alam ko na noon na ang Imprint ay na kay Althea pero hindi pa ako nakakakuha ng ebidensya kaya hindi ko pa noon mapunto kung totoo. Hindi ako naging sang ayon kay Theresa nang malaman ko ang lahat. Paano niya nagawa iyon kay Althea? Ganoon na lang ba kahalaga ang trabaho niya na pati ang walang musmos niyang anak ay idadamay pa niya. Nasira ang buhay ni Althea simula nang malaman ng mga kalaban na nasa kanya nga ang Imprint. Ni hindi man nagawa ni Theresa na harapin ang anak. Kami ang inutusan niyang gumawa noon. Nagtatago siya sa likod ng gobyerno. Na sa tingin ko mas mahalaga para sa kanya. Ilang beses niya akong sinabihan noon na trabaho lamang ang atupagin ko. Sa loob ng tatlong taon noon ay napansin niya ang pagiging malapit namin ni Althea. Nangamba siya na baka masira ang plano niya. Pinigilan ko ang sarili ko na tuluyang maminin sa sarili ko na talagang nahuhulog na ang loob ko sa anak niya. Kaya ako umanib sa kalaban. Galawang tanga. Lalo ko lang nilagay sa panganib si Althea. Kaya nga wala na akong mukhang ihaharap sa kanya matapos ang insidente sa unang extraction. Tinanggap ko na si Sayer ang mas makakapag alaga sa kanya. Pero nang malaman kong nagsisinungaling si Sayer, bumalik ang lahat sa akin. Ginusto kong muli siyang mapa sa akin. Pero kanina, bago ko mapasok ang facility. Nalaman kong nagdadalang tao si Althea. Nasaktan ako. Nawalan ako ng pag asa. Hindi ko naisip na bumubuo na pala sila ng pamilya. Anong karapatan kong manghimasok? Wala. Noon pa man ay wala na akong karapatan kay Althea, lalo na nang ihatid ko siya mismo kay Director Bang. Sinira ko ang tiwala niya. Tinalikuran ko siya. Tinalikuran ko ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya. Napayuko ako habang nilalapatan ko ang sugat ni Sayer. Kung hindi lang nasa panganib ang buhay niya ay talagang nakatikim na 'to ng suntok sa akin. "Tumayo ka d'yan!" Nararamdaman kong namamasa ang mga mata ko. Alam kong labis na masasaktan si Althea kapag nawala si Sayer. Mawawalan ng ama ang anak nila. "Kailangan ka ni Althea, Sayer. Piliin mong lumaban. Pilitin mong mabuhay para sa pamilya mo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasuntok ko ang dibdib niya. Hindi man iyon ganoon kalakas ay nagawa niyon na magising si Sayer kahit pa paano. Umubo si Sayer nang ilang ulit bago niya nabuksan ang mga mata niya. "S-Siraulo ka talaga. Namamatay na nga ako, ido-doble kill mo pa." Napangiti ako nang bahagya siyang ngumiti. "Tarantando. Huwag kang pipikit. May rescue ng darating. Dadalhin kita sa ospital." Nagpabaling baling ang ulo ni Sayer na para bang may hinahanap. "Ito ba?" Kinuha ko ang laptop kung saan konektado pa ang external memory na bigay niya. "Nakita mo na?" Sa mata pa lang niya ay alam ko na ang tinutukoy niya.  Umiling ako. "Nagdadalawang isip akong buksan. Bakit mo ba kinopya 'to? Hahabulin ka ni Theresa." Nanghihina man ay kinuha niya ang kamay ko. "Itago mo rito lahat ng gamit ko. Patayin mo lahat. Ibaon mo sa lupa. Hindi ko pa napag aralan ang laman ng folder pero alam kong may magagawa tayo para maalis ang imprint sa katawan ni Althea." "Ibigay mo na lang kay Theresa. Nag message na siya. Hindi ko binasa--" "Huwag." Muli siyang umubo. "Hindi ko kayang pagkatiwalaan si Theresa ngayon. May iba akong nararamdaman." Matalinong tao si Sayer. Hindi ko man lubusang maintindihan kung bakit niya nasabi 'yon ay pinili kong tumango sa gusto niya. Nagtitiwala ako kau Sayer pagdating sa pagbasa ng tao. Bago dumating ang rescue boat ay naibaon ko na ang mga gamit niya sa ilalim ng puno. Sa request pa lang niyang iyon ay alam kong mahirap ng pagkatiwalaan si Theresa. Hindi ko man alam kung ano ang naging dahilan ni Sayer para pagdudahan siya ngayon ay magtitiwala ako. Aalamin ko ang lahat sa sarili kong paraan. At habang nagpapagaling sina Sayer at Althea. Ako na muna ang gagawa ng plano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD