Agad na inasikaso si Sayer pagdating namin sa ospital. Maging ako ay nilinis at inalis na rin ang bala sa natamo kong sugat.
Nakapagtatakang wala man lang tanong ang mga medical staff sa nangyari sa amin. Kadalasan nag uusisa sila lalo na nabaril ako at malala ang lagay ni Sayer.
Kinukutuban ako na may ginawa na si Theresa.
Maaaring under surveillance na ang ospital at maging kami.
Delikado 'to. Bilin sa akin ni Sayer na huwag ipapaalam kay Theresa ang location ni Althea.
Hindi na rin ako nagtaka kung paano niya nalaman ang location ng anak niya.
Malaki ang impluwensya ng Special Forces lalo na't under ito sa gobyerno. Walang makaka hindi sa kanila. Hawak nila ang lahat sa leeg.
Pinagmasdan ko ang mga taong nasa loob ng emergency room. Wala akong nakitang may kakaibang galaw.
"Maayos na po ang sugat n'yo. Nalinis na at nakuha na po ang bala. Maghintay po muna kayo rito para sa reseta ng mga gamot ninyo."
Hindi man ako magawang tignan ng nurse sa mata. Iyon pa lang ay alam ko na. Tiyak na naabisuhan na ang ospital na ito sa nangyari at mangyayari pa.
Pero hindi pa ako pwedeng gumawa ng aksyon.
Nandito pa si Althea at kailangan pa ng operasyon ni Sayer.
Tumayo ako at lumabas sa de kurtinang espasyo na pinaglagyan sa akin. Kailangan kong makita ang mga kalaban.
Nakita ako ng nurse na umasikaso sa akin pero hindi niya ako sinita. Kapansin pansin ang takot sa kanyang mga mata maging na rin sa mga kasamahan niya.
Sinundan ko ang isa sa kanila na tumingin sa pintuan na papasok sa mismong ospital.
Hindi ko man nakita nang maayos ay malakas ang kutob kong mayroon ng bantay roon.
Bahagya pa akong sumilip. Hindi nga ako nagkamali. May dalawang lalaking nakatayo sa dalawang gilid ng pintuan. Malalaki ang kanilang mga katawan. Na sa unang tingin palang talaga ay katatakutan na.
Tinungo ko ang nurse's station para magtanong tungkol sa kalagayan ni Sayer.
"Nasaan 'yong kasama ko?"
Nagulat pa ang mga nurses nang magtanong ako.
"N-nasa operating na po."
"Gaano katagal bago matapos ang operasyon?"
Bahagyang lumingon ang nurse na nagsalita sa pinto. Sumilip din ang isa sa mga nagbabantay roon.
Hindi na sumagot ang nurse. Patago na lamamg niyang itinuro ang file sa akin kung saan nakasulat ang lahat.
Isang oras ang estima bago matapos ang operasyon ni Sayer.
Muli akong tumingin sa kanila. "Naka admit pa ang isa kong kaibigan dito. Althea Luna ang pangalan niya."
Agad na ipinatong ng isa pang nurse ang file ni Althea na para bang alam na nila na magtatanong ako.
Nasa pribadong silid na si Althea at nakasulat sa file niya na maayos na ang kalagayan niya.
Una kong tinignan ang room number. Kailangan ko siyang makausap at nang mabalaan sa mga nangyayari.
Alam kong hindi ako ang inaasahan niyang makita pero hindi pa iyon magagawa ni Sayer ngayon.
Misyon kong maialis sila sa lugar na ito sa lalong madaling panahon.
Wala pa akong kongkretong plano pero gagawa ako ng paraan.
Kailangan kong makagawa ng paraan.
Nagmasid ako sa palagid. Hindi ako makakalabas sa pinto kung saan may bantay. Alam kong ako ang binabantayan ng dalawang iyon.
Mayroon pang dalawang pintuan. Isa palabas sa mismong ospital at isa na pinto para sa mga staff.
Malakas ang kutob ko na maging sa main entrance ay may bantay na. Imposibleng wala pa. Malakas din ang loob ko na lahat ng entry at exit point ay may bantay na.
Wala na akong choice kundi gamitin ang staff door. Wala mang kasiguraduhan kung saan ako dadalhin ng lugar na iyon pero magbabakasakali ako.
Hindi ko magagamit ang mga devices ko dahil iniwan ko ang mga iyon sa isla kasama ang mga gamit ni Sayer.
Tama ang naging desisyon ni Sayer na iwan lahat ng mga gamit doon.
Bumalik ako sa de kurtinang silid at nakita ko sa gilid ng mga mata kong sinilip ako ng mga bantay.
Pero bago ako tuluyang pumasok ay sinabayan ko ang isang staff na nagdadala ng de gulong na lalagyan kung saan may nakita akong uniporme.
Agad ko iyong kinuha nang hindi ako nahahalata ng mga bantay at maging na rin ng nagtutulak ng lalagyan na iyon.
Naging maingat ako sa pagbihis. Bago pa ang sugat ko at kahit na may gamot na ay hindi pa rin nawawala ang hapdi nito.
Nagsuot na rin ako ng face mask at binago ko ang estilo ng buhok ko.
Maswertent may nakapatong na salamin sa kalapit na mesa, na sa palagay ko ay pagmamay ari ng pasyenteng katabi ko.
Maayos na ang disguise ko pero hindi ako pwedeng basta basta na lang lumabas nang ganito. Kailangan ko ng tamang tiyempo.
Habang naghihintay ay nag isip ako ng plano. Makaalis lang ako rito ay madali ko ng mapupuntahan si Althea.
Mapanigudong makaka access ako sa mga lugar dito na may computer. Mako contact ko si V para humingi ng back up.
Sa oras na matapos ang operasyon ni Sayer ay ididiretso ko na siya sa getaway vehicle.
Mukhang simple ang plano at alam kong makakaya kong magawa ang lahat ng iyon. Huwag lang mabigyan ng malalang aberya.
Nakarinig ako ng malakas na pagbukas na pinto. Sunod sa mga nag iiyakan mga tao.
Tiyansa ko na ito para makalusot sa mga bantay. Sumilip ako sa likod ng kurtina at hinintay ang pagpasok ng pasyente.
Sandali muna akong tumingin sa mga bantay na halos kakasilip lang din.
Tama lang tiyempo. Nakalabas ako at magpanggap na isa sa mga tumutulak sa papasok na pasyente.
Nang marating ko ang lugar kung saan malapit ang staff door ay lumuhis ako ng daan para pumasok doon.
Mabuti na lang at walang tao. Sa loob ng staff room ay may mapa ng emergency exit plan.
Hindi gaanong malayo ang kailangan kong lakarin para mapuntahan ang hagdan.
Hindi na ako mangangahas gamitin ang elevator. Alam kong tiyak na may nakamasid na rin sa mga iyon.
Hindi na ako nagsayang ng oras at agad na tinungo ang pakay ko.
Nasa third floor ang private room ni Althea. Siya muna ang pupuntahan ko nang masabihan ko siya sa plano ng pagtakas.
Nakakapagtakang walang tao sa mga floor na nadaanan ko. Kung meron man ay iilan lang at halos mga medical staff lang.
Hindi maganda ang kutob ko rito. Kailangan ko ng magmadali.
Akmang nasa third floor na ako at sa pagsilip ko sa pinto palabas mula sa hagdanan ay sakto namam sa nurses station na kung saan walang tao.
Mayroong computer doon na magagamit ko para kontakin si V.
Agad ko iyong tinungo.
Nanindig ang balahibo ko sa nakita. Dahil pangalan ko ang nakalagay bilang screen saver photo.
Peste!
Alam ni Theresa ang gagawin ko.
Mayroong nag iisang text file roon na kung saan nakalagay na 'open me' bilang file name.
"Huwag mo ng ituloy ang balak mo, Cason. Alam mong ikakapahamak mo ang gagawin mong pagpuslit sa anak ko.
Hindi ko sasaktan si Althea. Nagdadalang tao ang anak ko. Mahalaga man ang imprint sa akin ay hindi ko ipapahamak ang pamilya ko."
Napakuyom na lamang ako ng mga kamay. Paano na lang ang bilin ni Sayer?
Hindi ko pwedeng baliwalain iyon.
Ano na ang gagawin ko?