Pinilit akong ihiga sa surgery table at dahil sa pagpupumiglas ko ay itinaling muli ang mga kamay at paa ko.
Magkakaibang aparato ang ikinabit sa akin. Ramdam ko ang bawat tusok ng karayom na idinugtong sa mga ugat sa dalawa kong kamay.
Nang may ipasok na gamot ang babaeng nars ay unti unti ako nakaramdam ng pagod. Hindi ko na nagawang manlaban.
Gising man ang diwa ko ay lanta naman ang katawan ko. Gusto kong sigawan ang doktor nang gupitin niya ang suot kong damit. Pero kahit ibuka man lang ang bibig ko ay hindi ko magawa. May mga idinikit ding aparto sa dibdib ko. Hindi nagtagal ay narinig kong gumawa ang mga makinang nakapalibot sa amin.
The feelings suddenly came back. Bumalik ako sa panahon noong naganap ang extraction. Alam ko na ang kasunod nito. Alam kong masasaktan ako sa gagawing extraction.
Mali ako nang isipin kong malalamangan ko si Trent. Akala ko kaya kong labanan siya dahil nandito ako sa teritoryo niya. Akala ko may magagawa ako para tulungan ang sarili ko.
Nakakabinging tunog mula sa mga aparato ang umalingawngaw sa buong lugar.
Nakita kong nataranta ang doktor na umaasikaso sa akin. Bumaling ako ng tingin sa maingay na makina.
Hindi man ako nars o doktor ay alam kong puso ko ang dahilan kung bakit nag iingay ang makina.
Ramdam ko maging sa katawan ko ang labis na pagtibok ng puso ko.
"Dok, tumataas ang blood pressure niya."
Tinignan ako nang masuri ng doktor. "Nagpapanik siya. Tutukan mo siya ng sedative."
"Pero naiturok ko na kanina ang pampakalma. Maaari siyang ma-overdose!"
Pilit ko mang pakalmahin ang sarili ko ay lalo lamang bumibilis ang t***k ng puso ko. Ang kaninang lanta kong katawan ay nanginig. Nakaramdam ako ng malamig na hangin dahil sa walang tigil na pagtulo ng pawis ko.
Napakapit ako sa kamay ng nara nang hindi ako makahinga.
Nakita kong kahit na diskumpyado ang doktor ay kinuha niya ang gamot na pampakalma sa nars saka niya iyon itinurok sa injector na konektado nakaturok sa kamay ko.
Ilang segundo lang naramdaman kong bumagal ang pagtibok ng puso ko. Nasagap din iyon ng makinang nakakonekta sa puso ko.
Kahit pa paano ay umayos ang pakiramdam ko pero hindi ko pa rin magawang maigalaw ang katawan ko. Alam kong may mali. Nararamdaman kong may mali.
Gusto kong sabihin sa kanila pero iumpisahan na nila ang extraction sa utos ni Trent.
Boses lang ang naririnig ko mula kay Trent. Hindi ko na siya makita sa paligid. Gayunpaman, iba ang takot ng dalawa kong kasama.
Itinagilid ng nars ang katawan ko saka tuluyang tinanggal ang suot kong damit. Nakaramdam ako ng kaunting pagtulak mula sa ibabang parte ng likod ko. Hindi ko gaanong maramdaman kung ano iyon.
Hindi nagtagal ay bumukas ang isang monitor na nagpapakita ng letters at numbers na para bang naglo-loading.
Narinig kong humalakhak si Trent. "Huwag kayong magmadali. Gusto kong makuha n'yo nang maayos ang codes."
Ilang segundo lang ang lumipas ay inilapit ng nars ang mukha niya sa akin. Inilawan pa ang mga mata ko.
"Dok, may hindi tama. Hindi ba dapat namimilipit siya sa sakit? Bakit wala siyang reaksyon?"
Nang hindi sumagot ang doktor ay muli siyang kinwesyon ng nars. "Posibleng epekto ito ng overdose ng sedative."
"Pampakalma lang iyon, hindi morphine."
"Pero paanong wala siyang nararamdaman?"
"Mas mabuti na iyon. Mas madali nating magagawa 'to."
Napangiti ako. Ginagawa na ang extraction pero wala akong maramdamang sakit. Ilang sandali na lang at matatapos na itong kalbaryo sa buhay ko.
Wala na akong pakialam kung ano man ang gustong gawin ni Trent sa bagay na `to na nasa likod ko.
Mabuhay man ako matapos nito o hindi. Ang mahalaga ay matatapos na ang paghihirap ko.
a pagkakataong iyon ay tuluyang bumagsak ang katawan ko. Alam kong natataranta na naman ang dalawang kasama ko pero hindi ko na magawang imulat ang mga mata ko.
It was like my body protected me from the pain that it shut down on its own.
Rinig kong muli na namang nagsitunungan ang mga makina sa palibot ko. Nang bigla nalang mayroong sumabog.
"Dok! Anong nangyayari?"
"Tumigil ang extraction. Sumabog ang makina."
May mga narinig akong kalabog na tila ba mga paa na mabilis na lumalapit papunta sa amin.
"Anong ginagawa ninyo? Hindi n`yo ba alam na milyon-milyon ang extraction machine na `yan!"
"W-wala kaming ginawang mali. Baka nag-overheat lang ang makina at--"
"Imposibleng mag overheat `yan! Ang data? Nasaan ang mga nakuha nating data?"
"Boss, burado lahat."
Tarantang-taranta si Trent sa nangyayari. Alam ko dahil narinig kong isa-isang kumalampag ang mga makina na tila ba tinumba niya dala ng galit.
Hanggang sa maramdaman ko nalang ang mga balikat ko na sinakmal niya.
"Gumising ka! Anong ginawa mo? Ilabas mo ang laman ng imprint!"
Sa lakas ng pagyugyog niya sa katawan ko ay nagawa kong maimulat ang mga mata ko. Kahit konti lang ay naaninag ko ang galit sa mga mata niya.
Kusang bumagsak ang mga mata ko nang bigla na lang nanlamig ang buo kong katawan.
Muli na namang tumunog ang mga makina na nakadikit pa rin sa katawan ko.
"Dok!"
Naramdaman ko ang malamig na kamay ng doktor nang itagilid niya ang katawan ko.
"Seizure! Nurse! Turukan mo siya nang gamot."
Hindi ko alam kung kusa akong binitawan ni Trent o pinaalis siya ng nurse.
I was conscious but barely.
Ang ilang segundong panginginig ng katawan ko ay naging masasakit na daing ng katawan ko. Hindi dahil sa mga gamot o test na ginawa sa akin. Hindi sa likod ko nangagaling ang sakit kundi sa tiyan ko.
"Nurse! Ibigay mo na ang gamot!"
Bahagyang tumahimik. Hindi ako sigurado sa mga nangyayari.
"Dok, dinudugo siya."
"Dok! Huwag mong ituloy ang extraction!"
Nakarinig ako ng boses ng babae ngunit iba sa boses ng nurse na kasama ko.
"Anong nakita mo?" usisa ng doktor.
"Positive siya, Dok. Buntis po ang pasyente."
Malabo man sa pandinig ko pero umalingawngaw ang salitang buntis sa tainga ko.
'Buntis ako?'
Kusang bumalik sa isip ko ang mga alaala namin ni Sayer. Mga panahon na masaya kaming nagsasama. Mga panahon na ipinaramdam niya sa akin ang pagmamahal niya.
'Darating ang araw na mapupuno ang bahay na `to ng tawa ng magiging anak natin.'
Narinig ko si Sayer sa isip ko. Lumapad ang ngiti niyang nakakaloko. Binibiro niya ako noong mga panahong nalulungkot ako dahil sa mga tanong na nasa isip ko. Sa tuwing ganoon ako, lagi niya sinasabi na balang araw sasaya ako. Magiging masaya kami lalo na sa oras na magka-anak kaming dalawa.
Naramdaman ko na lang na tumulo ang mga luha ko.
Paano ko haharapin ang buhay ko sa hinaharap? Paano ko ipapaliwanag sa anak namin na wala na ang kanyang ama?
Hindi nagtagal ay tumigil sa panginginig ang katawan ko.
"Push one gram Trenaxa to stop the bleeding. I'll perform an ultrasound."
May kung anong hinilang makina ang doktor at hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng malamig na likido sa tiyan ko.
Pinilit kong mabuksan ang mga mata ko. Kung ultrasound nga ang ginagawa ng doktor sa akin ay makikita ko ang bata sa sinapupunan ko.
Ilang beses pang idiniin ng doktor ang maliit na aparato sa tiyan ko bago niya nakuha ang tamang position para makita ang bata sa sinapupunan ko.
Tuloy-tuloy at malalakas na t***k ng puso ang narinig namin mula sa makina. May kalabuan man ay naaninag ko ang screen ng makina. Hindi ko man maintindihan kung alin doon ang bata ay napangiti ako.
"She is pregnant. Sa tansya ko, isang buwan na siyang nagdadalang tao."
Inalis ng doktor ang maliit na apartong nasa tiyan ko. Ang marinig ang kumpirmasyon ng doktor sa pagdadalang tao ko ay nakagaan sa pakiramdam ko.
"I cannot risk their lives. Hindi ko na itutuloy ang extraction."
Alam kong naglakas loob ang doktor dahil nakita ko ang panginginig ng mga kamay niya nang harapin si Trent.
I didn't expect Trent to give way for our lives. Alam kong ang imprint ang pakay niya. Hindi na ako magtataka kung sasabihin niyang wala siyang pakialam sa buhay namin ng anak ko.
Biglang humalakhak si Trent.
"She's pregnant? Brilliant!"
Hindi ko inasahan na ikatutuwa niya ang balita sa pagbubuntis ko.
"Pinuprotektahan siya ng anak niya mula sa sakit ng extraction! That means the extraction will really be painless!" Muli siyang tumawa.
"I stand by my decision. Hindi sigurado na makukuha ang codes sa extraction. Pwedeng mamatay ang mag-ina bago pa man nakuha ang data," pagmamatigas ng doktor.
Pagkasa ng baril ang sunod kong narinig. Itinutok ni Trent ang baril sa doktor. "Do the damn extraction! Kung ayaw mong mamatay kasama ng pamilya mo." Sunod niyang kinuha ang isang picture mula sa suit na suot niya.
Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon ng mukha ng doktor.
"H-huwag mong saktan ang pamilya ko." Halos mawalan siya ng boses marahil sa pagpipigil ng mga luha.
"Then do the extraction."