Nagising ako sa sigaw at iyak ni Lola Luisa. Mukhang nawalan ako ng malay kanina sa kakahanap sa kwintas ko. Surely I know it was Gio who brought me here. Siya ang huli kong nakita bakit ako nawalan ng malay. "Apo! Anong nangyari sa 'yo? Nasaktan ka ba?" Umiling ako. Sa totoo lang ay masakit ang mga paa ko sa walang tigil na pagtakbo kanina. Nararamdaman ko pa rin ang panlalambot ng katawan ko. Although my heart calmed a little, mabigat pa rin ang dibdib ko. "Sinabi ko naman sa 'yo, Gio na huwag mong pababayaan ang apo ko!" Galit na galit si Lola kay Gio. Ang mapagalitan siya ang gusto kong makita dahil sa mga ginawa niya sa akin. Pero mas nag aalala ako para sa kalagayan ng matanda. Mukhang mahihimatay na siya sa sobrang galit. I held her arms to stop her from hitting Gio. "Lola, a

