Dalawang oras lang ang naitulog ko, walang hiyang Trent na 'yan! Ano bang binabalak niya kay Althea? Nakakadilim ng paningin, pati sa panaginip ko silang dalawa ni Althea ang nakikita ko. Hindi ako pwedeng mag aksaya ng oras. Kaya kahit tulog pa si Dr. Jung ay hiniram ko ang ilan sa mga gadgets niya sa kwartong tinutuluyan ni Sayer.
Hindi ko na rin ginising pa si Sayer. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Kahapon lang galit na galit ako sa kanya nang marinig ko na lahat ng katotohanan pero nang umiyak siya sa harap ko, nakita ko kung gaano niya kamahal si Althea parang nawala ang galit ko. Nagmahal lang naman siya, katulad ko.
Ipinagpaliban ko na muna ang alitan namin ni Sayer at mga hindi pagkakaintidihan. Hindi iyon ang sentro ng utak ko ngayon. Kayang-kaya kong hanapin si Althea nang mag-isa.
The list that was given by one of Trent's exes, is the only thing I have to find Althea. Mabuti nalang at nakausap ko ang babaeng 'yun dahil kung hindi hanggang ngayon blangko pa rin kami.
I left the house using my car. All of my sysytem's tracker are on, just in case it gets something, anything about Althea's location. Hindi ako mapapagod kahit gaano pa kalayo ang mga bahay na pupuntahan ko at kahit gaano pa kadelikado.
On my way to the nearest ocean, where one of the house is, my phone rang. I slided the screen's icon to answer it.
"Kuya." Said V. "Nasaan ka?"
"V, they got her. They got Althea." I said calmly.
Narinig ko siyang nagmura at tila nagulat pa sa sinabi ko.
"When? How? Imposible." Natataranta niyang wika.
Nakakapagtaka ang reaksyon niya. "Paano mo nasabing imposible?"
"Kasi kuya, I saw her once, sa ospital. Hindi ko sinabi sa 'yo, sorry talaga kuy–"
I did'nt let him finish. Biglang nag-init ang ulo ko. "Bakit? Alam mo namang hinahanap ko siya 'di ba!"
He paused a little. Alam kong takot si V kapag ganito na ang timpla ko, kilala niya akong magalit. "Nagulat kasi ako nung nakita ko siya, hindi ko nasabi sa 'yo kasi, e-ewan ko, nataranta ako. Sorry kuya."
"Kung sinabi mo agad edi sana napuntahan ko na siya, hindi na sana siya nakuha ni Trent!"
Lahat ng galit ko pinilit ko pakawalan. Nagmamaneho ako at kay Althea ang punta ko, baka dahil sa galit na 'to pareho kaming mapahamak.
"Vito, huwag ka na munang tumawag, marami akong kailangang asikasuhin ngayon." Pinilit kong maging kalmado.
"Hahanapin mo siya? Delikado yang binabalak mo kuya." Rinig ko ang pag-aalala ng kapatid ko.
"Alam ko ang ginagawa ko. Hindi ko na hahayaan na mawala pa siya ulit sa 'kin."
Halos pabulong ko nalang sinabi iyon. Hindi ko kasi alam kung makikita ko ba si Althea sa haba ng listahan na dala ko. Paano nalang kung hindi ko siya mahanap at mapahamak siya? Sa unang pakakataon, pinanghihinaan ako ng loob.
"Mag-ingat ka kuya."
Ibababa ko na sana ang telepono nang may bigla siyang naalala. "Sa journal na nga pala, may nakita ako." Aniya.
"Pagkatapos ng extraction, maaaring mawala ang imprint pero may posibilidad na hindi iyon tuluyang maglaho. 'Yan ang nakasulat sa last page ng journal."
Paano nalaman ni Trent ang tungkol sa imprint. Top secret iyon at sa pagkakaalam ko makasarili si Director Bang kaya sigurado ako na hinding-hindi niya ibabalita ang imprint sa ibang businessman.
"Mahahanap ko siya. Hahanapin ko siya."
"Kung kailangan mo ng tulong kuya tawagan mo lang ako."
Tuluyang kong binaba ang telepono at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho papasok sa express highway. Malayong-malayo na ito sa pinangalingan ko, but I don't care.
Kahit libutin ko pa ang buong mundo gagawin ko, mahanap ko lang siya.
The road seemed endless, I have searched countless houses but I could'nt find her. Madalas walang tao sa mga bahay na napuntahan ko na, ang iba may mga trabahador pero tikom naman ang bibig nila tungkol kay Trent. Tatlong expressway na ang dinaan ko, walang pahinga, walang stop over. Hindi dapat ako magsayang ng oras, dahil sa bawat oras na dumaraan, nababawas ang tyansa kong mabawi si Althea.
Sa huling rest house na pinuntahan ko, mayroong bukas na bar sa hindi kalayuan. Maraming turista ang kumakain at naglalasing. Hindi ko namalayan na ang lugar na pinuntahan ko pala ay isang tourist destination.
Alak lang ang inorder ko, tanging laman ng tiyan ko simula nang umalis ako. Tinatawagan ako ni Sayer at tumatawagan na rin ulit si V, ayoko silang sagutin dahil wala rin naman ang magandang balitang dala. Ayokong isipin nila na wala akong nagagawa para matulungan si Althea.
Halos kainin na ako ng konsensya ko dahil matapos ang halos labing limang oras na pagtutunton sa mga bahay sa listahan ay wala pa rin akong napapala. Nilagok ko ang alak at humingi pa ng pangalawa.
"Mukhang mabigat 'yan ah." Tumingala ako sa bartender mula sa pagkatulala sa halos ubos na alak sa baso. Napailing nalang ako nang makita ko ang titig niyang awang-awa sa itsura ko. "Alam mo, marami events at activities dito na pwede mong puntahan, nang mawala sa isip mo 'yan." Aniya pa.
"Hindi ko pwedeng kalimutan 'to. Hindi ko pa rin nakakalimutan na ako ang puno't dulo nito." Pinatulan ko na rin ang bartender, kailangan ko rin naman ng makakausap.
"Alam mo iho, isa lang naman ang solusyon d'yan." Muli akong tumingin sa kanya, umaasa na may pag-asa akong makukuha sa sasabihin niya.
"Balikan mo ang nakaraan at itama mo ang nagawa mong mali."
It took time before I could finally understand what he just said. Itama ang mali, those words repeatedly lingered in my head and all I can see is her face. Marami na akong sinayang na panahon at malaking pagkakamali na nagdesisyon akong iwan nalang siya.
Now or never.
"Pwede ba akong magtanong sa'yo?"
I don't usually trust random people but now I'm playing the card, just to save her.
Tumango ang bartender and by the looks of it, he knows I mean real business. Lumapit siya sa 'kin para makausap ako nang hindi kami naririnig ng ibang tao.
"Do you know Trent Avalos?"
He changed expression, from friendly to sudden frighten. With just a name nataranta siya nang ganoon.
"You're in deep problem, young man." Pailing-iling pa siya na tila binabalaan ako. "Sorry, 'di kita matutulungan." Aniya.
Just as I thought. Hindi naman nakakapagtakang umiwas ang mga tao kung alam nila delikado ang buhay nila. Nilagok ang natitirang alak sa baso at tuluyang tumayo, leaving money behind.
Pero nang bitawan ko ang pera, naramdaman kong humawak ang bartender sa kamay ko, giving me something.
"Thank you sa tip sir." As soon as he releases my hand, he pretended like nothing happened. Agad ko binulsa ang papel na nilagay niya sa kamay ko at lumabas doon.
Pagbalik ko sa kotse agad ko tinignan ang papel. Doon nakaguhit ang isang tila patusok na buntok at binilugan ang tuktok nito. No words, no nothing else.
Thinking nothing I looked out the car, hoping to find something somewhat similar to the drawing. Pero wala, walang bundok.
Muli kong pinaandar ang sasakayan at itinuloy ang paglalakbay ko. The place is yes indeed pested by tourist, malapit kasi ang lugar sa dagat. Hindi ko makuhang matuwa sa magandang tanawin na nadadaanan lang ng mata ko. Maganda ang lugar na ito kung kasama ko si Althea.
I stopped at the road side para magpahagin. The view of the ocean shines from on the moonlight. A flickering red light caught my attention, a watch tower in the middle of my view of the ocean.
"Althea,"
It has been a long time since I last whispered her name. God, I miss her.
Nakaramdam ako ng pagkatalo. Dama mo ko sa puso ko ang sakit na siya lang, si Althea, ang makakahilom.
I am one of the best when it come to tracing people, finding their location. But why can't I find my Althea.
For the first time in a long time, I felt drops of water coming from my eyes.
I'm defeated.
But not giving up.
Tumingala ako to geta good view of the ocean in front of me. That is when I saw what I was lookingfor. Though it was'nt a mountain, it was an island.