I woke up in the middle of the night. Hindi sanay ang katawan ko na matulog sa ibang bahay.
Hindi gaanong madilim ang makulimlim at dilaw na ilaw na siyang kabuoan ng kwarto. The sheets, pillows even the lighting, all of it, shouts money. Halatang mamahalin lahat ng gamit dito.
But all of this means nothing, I don't even need this. I just want this done and go back to what my life is.
Even if it was all lies.
Mas maayos naman noon, may mga tanong ako, oo. Pero pwede namang ipagpaliban o kalimutan nalang ang mga iyon. Atleast doon, noon walang humahabol sa 'kin. Wala akong atraso sa ibang tao.
Pero huli na ang lahat para magsisi. Narito na ako sa taong hindi ako lubusang sigurado kung tutulungan nga ba ako o isa na namang taong magsisinungaling sa 'kin.
Ngunit lahat ng sikreto nabubunyag. Kung pwede ko lang bawiin lahat nang ginawa ko para lang malaman ang katotohanan kapalit ang buhay ni Sayer, gagawin ko.
Nagsinungaling man siya sa 'kin, malaki pa rin ang utang na loob ko sa kanya.
Hindi ko maitago ang sakit at lungkot sa katotohanang wala na si Sayer sa mundo dahil sa pagprotekta sa 'kin.
Sometimes looking for answer leads to more questions. And sometimes, it is better not knowing anything at all. But still I ended up, regretting.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga, I heard breeze splashing into the sliding glass door. Bahagya akong sumilip sa magandang kurtinang humaharang sa pintuan. Doon ko lang nakita na nasa dagatan pala ako.
Binuksan ko ang pintuan at sumalubong sa 'kin ang malamig at malakas na hangin dala ng alon. Niyakap ko ang sarili habang papalabas ng terasa.
Hindi ko lubusang maisip na ang taong kasama ko sa bahay na ito ay ang kaparehong taong bumaril kay Sayer. Malaking kaguluhan lang pala ang hinanap ko nang pinilit kong malaman ang katotohanan. Kaya pala ganon nalang kung itago ito ni Sayer.
All this time, he was just protecting me.
My core trembles syncing with my thoughts. Tears fell down on my cheeks like a river flowing.
Tumingala ako sa mga bituwin. Hindi ko na matandaan kung kailan ko sila nakita nang ganito karami.
Ang dami ko nga palang hindi matandaan, mga bagay na hindi ko alam, bagay na kulang sa buhay ko.
"Tama ba itong ginagawa ko?" Bulong ko sa sarili.
Hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko. Wala naman akong ibang pwedeng tanungin tungkol dito.
Sayer died protecting me, keeping me away from this man. But why am I here? Hindi ba't pagbabalewala itong ginagawa ko sa buhay na sinakripisyo niya?
But what if this deal brings back my memories? Siguro naman totoo ang sinasabi ni Trent. Hindi naman siya mag aabalang dukutin ako para lang sa wala.
But what if nothing comes back?
Nablangko ang utak ko.
How will I start if I don't even know where I stopped?
I'm considering Trent's deal to give meaning to Sayer's death. Ayoko iyong mabalewala.
Maybe after this, pwede ko nang hanapin at kausapin si Cason. Ramdam ko na may sagot siya sa mga tanong ko.
I feel different just by thinking about him.
The wind splashes like it had grudge on me. Nagdesisyon akong pumasok nalang ulit sa loob.
But then a sudden ache forced me to stop walking. A crucial pain in the head, like it was hammering it into pieces. Then I heard her voice from one ear to another.
"Althea, anak. This is me, your mother."
Sinubukan kong takpan ang dalawa kong tainga pero hindi pa rin nawala ang boses niyang paulit-ulit lamang.
"You've reached this far and you've fought very hard. As your mother, I am proud. . . but this is not yet the end."
Sumandal ako sa pintuan at pinilit itayo ang sarili sa malapit nang pagbigay ng aking katawan. Bawat salita tila umiikot sa buo kong katawan kasabay ang pag-agos ng dugo sa 'king mga ugat.
"Marami kang hindi maalala at dahil iyon sa ginawang extraction sa imprint na itinago ko sa katawan mo. But now it's the time to bring some memories you'll be needing to fight back."
Matapos ang huli niyang salita, biglang uminit ang ibabang parte ng likod ko. Sobrang init na tila ba may baga na dahan-dahang inilalapit sa balat ko. Halos mapasigaw ako dala nito ngunit agad pumasok sa isip ko na hindi dapat ako marinig nino man.
Matapos ang ilang segundo, bahagyang nawala ang init na akala ko tapos na ang pangyayaring hindi ko alam kung gawa-gawa lamang ba nang utak ko o totoo ba.
Ngunit gumuhit muli ang init na binalot ang buo kong tadyang. Nagsalubong ang init sa 'king tiyan na nagmula sa magkabilang tagiliran.
The scorching pain left a mark that is too painful to touch. I rushed to the nearest mirror to see what's going on with my body.
Dahil sa tila baga kitang-kita ko ang guhit na iniwan nito sa balat ko. Parang tattoo na mula sa mga tribo, tattoo na habang tumatagal nawawala ang marka. Nagiging malabo, hanggang sa halos hindi ko iyon makita.
Hinintay ko na muling marinig ang boses pero wala na akong salita na muling narinig mula sa kanya.
"Anak? Is she really my mother? But how?"
Napalunok ako sa mga nangyari. Totoo bang narinig ko siya ngunit mula saan?
Sa ilang minutong tila napunta ako sa mundo ng pantasya, nanuyot ang lalamunan ko't nangatog ang mga paa ko.
Sa pagpasok ko sa loob ng kwarto, tubig ang hinanap ko. Sa harapan ng salamin nakapatong ang isang pitsyel ng tubig at baso sa gilid.
Sa paglagok ko ng malamig na tubig, kahit pa paano'y guminhawa ang pakiramdam ko.
Ang akala ko tapos na ang halusinasyong gumugulo sa isip ko. Ngunit sa pagtingin kong muli sa salamin, iba't ibang imahe ang gumihit sa 'king paningin.
Nakita ko ang sarili ko na nagsasayaw sa harap ng malalaking salamin. Nakita ko na ito noon, sa panaginip.
Sunod kong nakita ang isang matanda na kausap ako sa isang mala palasyong lugar. Ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil nanghina ang katawan ko't umikot ang paningin ko.
Sandaling tumigil ang mga imahe, pero hindi ko alam na ang mga sumunod pala'y mga kasagutan sa mga tanong ko.
Extraction.
Malinaw na malinaw sa tainga ko nang sabihin iyon ng isang doktor. Ramdam ko pa rin ang sakit na mula sa ginagawa nilang eksperimento sa likurang bahagi ng katawan ko.
Kahit hirap ako'y tumalikod ako sa salamin upang makita ang dahilan nang lahat ng ito.
Isang kakaibang marka ang nakita ko na hindi ko alam para saan. Tila alam ng isip ko ang mga katanungan ko, kaya naman iyon ang sumunod nitong sinagot.
"Kailangan nila ang imprint na nakaukit sa likod mo. Kayamanan at pera na gusto nilang mahanap. . . At na sa 'yo ang eksaktong lokasyon ng kinaroroonan ng mga iyon."
Muli kong narinig ang boses ng babaeng nagpakilala bilang nanay ko, napayuko ako dala ng pagkahilo.
May mga paunti-unti pang detalye at imahe ang gumuguhit sa mata ko. Hindi gaanong malinaw, pero may mga pamikyar na mukha akong nakita, ang aking pamilya.
Isang matandang lalaki na kasama ang isang bata ang nakita kong tila ba kasama ko sa isang bahay. Komportable ako sa 'king nakikita na walang pag-aalinlangan akong ngumiti nang makita sila.
Pero bakit ganoon, wala roon ang aking nanay? Wala rin akong maramdaman, na kahit ano nang marinig ko siya.
Hindi ba dapat matuwa ako o kabahan dahil naririnig ko ang boses ng nanay ko? Pero wala akong kakaibang nararamdaman.
"Sumunod ka sa lahat ng sasabihin ko,"
Unti-unti bumabalik ang lakas ko't bumabalik na rin nang normal ang paningin ko.
"Sasamahan kita sa bawat hakbang, kailangan mong makipaglaro sa kalaban."
"Althea are you okay?"
Agad akong napalingon sa pinagmulan ng boses. Bahagyang bukas ang pintuan at doon nakatayo si Trent.
Inayos ko ang tayo ko at humarap sa kanya. "Don't tell him anything about me." Babala nang boses sa 'kin.
"I-I'm okay. I just needed water." Pagmamaang-maangan ko.
"Sigurado ka ba? You look pale."
Lumapit siya sa 'kin at hinawi ang buhok kong humaharang sa mata ko. Confusedly I stepped back, umiwas ako sa kanya.
"Okay lang ako, matutulog na ako ulit."
Dali-dali akong bumalik sa kama't nagkumot. "Don't trust him. Wala siyang ibang gusto kung 'di ang kayamanan."
"If you say so." Ani Trent.
Hinintay kong muli siyang makalabas, hindi mapanatag ang loob ko ngayong naghalu-halo na ang kaalaman ko sa sitwasyon ko.
"Hindi ko 'to kaya." I murmured. "Hindi mo ba kayang magpadala ng message sa computer ni Sayer? Panigurado makikita ito ng iba niyang kasama si. . Sino nga ba iyon? Si Tres! Sabi ni Sayer pwede ko siyang pagkatiwalaan." Kinausap ko ang boses kahit pa hindi ako sigurado kung sasagot ba ito.
"Limitado lang ang mga tanong na maari kong masagot. Naka-program lamang ako para tulungan kang maihatid ang imprint sa tamang lugar."
"Ayoko! Hindi ko 'to gusto! Hindi ko kaya ito nang mag-isa." Halos mangiyak-iyak kong reklamo.
"Sa mundong puno nang panganib, ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. Huwag kang dumepende sa ibang tao."
Bumalikwas ako ng higa sa kama at humarap sa pintuan. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang kalabanin ang kahit na sino. Regular na tao lang ako, I'm don’t fit for the job.
Mamamatay lang ako kung susuungin ko 'to.
I sat upright on the bed. Paniguradong mahihirapan na akong bumalik pa sa pagtulog. I scanned my eyes around in hope to find something, anything para makalimot man lang ako sa mga bagay na gumugulo sa isip ko.
Books.
Sitting at the shelf located at the most corner of the room. Maybe reading will help.
Pero nang tumayo ako sa higaan, isang boses ang muling umalingawngaw sa tenga ko.
"Stay. . ."
Boses nang isang lalake na dahilan upang lumamig ang buo kong katawan.
"You do this things to me. . . which drives me crazy."
Then and there, at that moment, I know who he was. My heart knew who is he. The man I fell in love with, the man I have always loved - Cason.