Dumating ang chopper na itinawag ko kay Doctor Jung ilang minuto lang matapos ko siyang makausap. Mabuti na lang at may kakilala siya sa malapit na ospital dito sa isla.
Ayaw ko mang iwang mag isa si Althea ay kailangan kong tulungan si Cason. Maniniwala ako na hindi mapapahamak ang mag ina ko. Hinabilin ko na sila kay Doctor Jung.
Kailangan kong tuparin ang pangako ko sa sarili ko. Ililigtas ko si Cason tulad ng pagligtas niya sa akin.
"Babalik ako, Althea. Pupuntahan ko kayo sa ospital. Hintayin mo ako."
Mahigpit siyang nakahawak sa kamay ko at alam ko ayaw niya iyong bitawan. Ako na mismo ang nag alis sa kamay niya. Masakit man na iwan ko siya ngayon ay kailangan. May utang na loob akong kailangang bayaran.
Hinintay kong makalipad muli ang chopper at makaalis. Panatag na ang loob ko na ligtas na ang mag ina ko.
Kinuha ko ang dala kong bag na naglalaman ng iba't ibang gadget at device na ginawa ko. Nang matapos kong makausap si Theresa ay mabilis akong naghakot ng mga gamit para magawa ang mga device na 'to na makakatulong sa amin ni Cason.
Alam kong matinik si Trent lalo na pagdating sa makina at systems sa puder niya.
Gumawa ako ng mga malilit na device na may sariling buhay. Programmed sila para mag auto connect sa mga system na siyang spinal cord ng security ng puder ni Trent.
Madali ko ng mapapasok iyon at masa-shut down kung ano man ang nakuha na niya sa imprint.
Sa labas palang ay pinakawalan ko na ang mga maliliit na device. Kasing liit lang sila ng karaniwang usb memory pero may paa at pakpak. Sa ganoong paraan ay mabilis nilang mahahanap ang system na kanilang tangging pakay.
Ilang segundo lang ay nagkalat na silang lahat. Nagkakasunod na nag pop up sa screen ng laptop na dala ko ang mga system na napasok na nila.
Agad kong iupload ang kill code para masira lahat ng laman ng security system ni Trent.
Pagdaong palang ng automatic boat na sinakyan ko papunta sa isla ay nakita ko na ang mga security guards ni Trent na wala ng malay. Alam kong napatumba na sila ni Cason. Pero kaunti lamang sila. Malamang ay nasa control room pa ang ilan. Mabuti nalang at wala pa silang alam sa nangyayari.
Madamot na tao si Trent kaya paniguradong walang camera sa pinagdausan ng extraction. Mabuti na lang din at malalaking tanga ang mga nasa security room at hindi napansin na wala ng rumuronda sa paligid ng isla.
Pero hindi dapat ako pakampante. Mahirap ng makasalubong sila. Paniguradong armado sila. Kaya kong lumaban kahit pa paano pero hindi ako kasing haling ni Cason lalo pa't may sugat pa ako at hindi pa iyong magaling.
Kinuha ko ang isa sa mga walang malay na guard at kinuha ang uniporme nito. Kailangan kong mag disguise.
Nang akmang maisuot ko na ang full black gear at head mask at tumunog ang speaker na nasa bulsa nito.
"Nasaan kayo? Wala akong nakikitang rumuronda sa point A at B."
Makalaskas ang signal. Napangiti ako. Gawa na iyon ng mga device at kill code.
Kinuha ko ang speaker saka iyon pinindot. Bago ako nagsalita ay pinindot ko muna ang voice changer na nasa kwelyo ng suot kong damit.
"Nag kape lang. Pabalik na."
Nag iba ang boses ko. Hindi man ako sigurado kung matutunugan nila pero nagbakasakali ako. Baka swertehin.
"Bilisan n'yo. Malilintikan tayo kay Boss."
Swerte. Hindi ako nabulyilyaso.
Hindi na ako sumagot. Nagpanggap akong rumonda sa paligid para masagap nila ako sa mga camera.
Palihim na rin akong naghanap ng mga guards na walang malay para patayin ang mga speaker nila at kunin man kung ano ang meron sila na mapakikinabangan ko.
Nang maikot ko na ang lugar ay pumasok ako sa loob. Sinigurado ko na hindi ako hagit ng camera na nandoon. Binuklat ko ang laptop saka kinopya ang pagronda ko. Ipinamukha kong marami kaming rumuronda, tulad sa bilang ng mga walang malay na guards sa labas. May iilang movements rin akong binago at maging ang tangkad at laki ng katawan ko sa ibang scope ay pinalitan ko para hindi mahalata.
Hindi nagtagal ay natapos ko iyon. Ngayon hindi ko na sila puproblemahin, mas makakagalaw na ako para tulungan si Cason.
Gamit ang ID pass na kinuha ko mula sa isa sa mga tulog na guards, nabuksan ko ang elevator.
Hindi iyon gagana kung wala ang ID pass. Pero nang bumukas iyon ay isang guard ang sumalubong sa akin.
Katulad ko ay nakatakip din ang mukha niya. Hindi ako sigurado kung kalaban na siya o si Cason ito.
Kapwa kami natigil at nagtinginan. Inoobserbahan ang bawat galaw.
Hindi ako kumibo. Ayokong magkamali. Tumanggo siya saka naglakad palabas ng elevator.
Nakahinga ako nang maluwag. Nakalusot ako.
Pero bago bumukas ang elevator ay tumunog ang speaker na dala niya.
Nagbigay ng warning ang nasa kabilang linya.
"May dayo! Hanapin n'yo!"
Agad na bumaling ng tingin pabalik sa akin ang guard. Walang sabi sabi ay bigla na lamang ito tumakbo at sinipa ako sa tiyan.
Napaurong ako at sumadsad ang likod ko sa dingding ng elevator. Ramdam kong natamaan ang mga sugat ko.
Pero hindi ko iyon dapat iinda ngayon. Agad akong tumayo para pigilan ang nakaabant niyang pagsugod.
Nakatutok na ang hand gun niya sa akin na sakto ko lamang napigilan.
Isang kamay lang ang gamit niya sa paghawak ng baril habang ang isa naman ay nasakmal sa leeg ko.
Nawawalan na ako ng hininga dahil sa sobrang higpit. Hindi ko pwedeng bitawan ang pinipigilan kong baril dahil alam kong ipuputok niya iyon sa akin.
Binitwan ko ang kamay ko na pumipigil sa pagsakal niya sa akin saka ko sinubukang hablutin ang pocket knife na nasa belt carrier niya pero nahulog iyon.
Malas!
Buong lakas ko siyang itinulak papunta sa dingding. Sinipa ko siya nang ilang beses pero parang wala lang iyon sa kanya.
Dumulas ang kamay kong nakahawak sa baril dahilan para magawa niya iyong paputukin. Mabuti nalang at mabilis akong nakayuko at ginamit ang ulo ko para maitulak siya patagilid dahilan para sa ibang direksyon tumama ang bala.
Ginamit ko ang pagkakataong iyon para pulutin ang pocket knife at gamitin. Sinaksak ko ang braso niyang may hawak sa baril at paulit ulit na pinukpok sa dingding hanggang sa mabitwan niya ang baril.
Bumulwak ang dugo mula sa braso niya. Mukhang natamaan ko ang kritikal na ugat doon.
Nawala siya sa focus sa paglaban sa akin. Buong lakas ko siyang tinumba. Pero ang inakala kong pagkapanalo ay warm up lang pala.
Ming tumayo ang kalaban saka ako napatumba dahil sa pagsipa niya sa mga paa ko.
Hindi ko alam kung alam ba niya pero madiin niyang inapakan ang tiyan ko, sakto sa mga sugat ko