Naghintay ako ng ilang minuto para sa reply ni Sayer o ni V kung sakali mang mag reply sila. Ngunit nang matapos ang limang minuto ay wala pa rin. Nagdesisyon na akong alisin na ang device at lumabas na mula sa sasakyan. Laking gulat ko nang magkakasunod na pagkasa ng baril ang narinig ko. Maraming baril ang nakatutok sa akin. Pinapalibutan na ang buong sasakyan na hindi ko napansin dahil nagtago sila. Pinangungunahan sila ni Theresa na sadyang ikinagulat ko lalo nang makita kong nakatayo siyang mag isa. Walang gamot na nakaturok sa kanyang katawan at tila wala siyang iniindang sakit. "Hindi ko inaasahan na sa kabila ng panloloko sa 'yo ay tutulungan mo pa silang dalawa." Hindi na rin malat ang boses niya at walang bakas ng paghihirap sa kanyang paghinga, hindi tulad nang una ko siyang

