Mabilis kong pinihit ang kotseng sinasakyan ko patungo sa kabilang bayan. Alam kong kaunting oras lang ang meron ako para kitain ang boss ko. Hindi man ako lubusang tiwala sa kanila ay mas pipiliin ko ang kunpanyang pinapasukan ko simula nang maging hacker ako kaysa kay Teresa na alam kong masama ang budhi. Nakasalalay ang buhay ng mag ina ko. Nanlalamig at pinagpapawisan ang mga palad ko. Wala akong tiwala kay Teresa. Alam kong nagbigay man siya ng palugit ay hindi siya tutupad sa usapan. Kilala ko na ang pagkatao niyang iyon. Noon pa man ay kasinungalingan na ang lumabas sa bibig niya. Tiwala ako kay Cason na hindi niya hahayaan na mapahamak si Althea. Tiwala ako na gagawa siya ng paraan para makilala ang tunay ba katauhan ni Teresa at kung kanino ito nakikipag transaksyon. Kailan

