Isang tawag lang ng boss ko lahat ng sangay ng hinahawakan niyang mga galamay na kakailanganin sa operasyon ay mabilid na kumilos. Ilang minuto lang kaming nanatili sa tabing dagat at sabay sabay na dumating ang tatlong helicopter na lulan ang ilang tauhan niya. Tumigil ang isang helicopter sa itaas namin at sinenyasan ako ni Boss na umakyat. Sumigaw ako ng pasasalamat dahil alam kong delikado ang misyon at maaaaring may mapahamak sa mga tauhan niya. "Huwag ka munang magpasalamat. Iligtas mo muna ang asawa mo!" sigaw niya bago ako sumakay sa binabang telang hagdan mula sa helicopter. Hindi man ako sanay sa mga ganitong harap harapang pakikipag laban ay hindi ko ito uurungan. Ito lang ang tanging paraan para muli kong makasama si Althea. Hindi pa man ako nakaka akyat sa loob ng helicop

