Tanging paghinga ko lang ang naririnig ko sa maliit at madilim na espasyo kung saan ako iniwan ni Cason. Ayoko na sanang umalis siya pero alam kong kailangan niya iyong gawin. Hinahabol na kami ng mga kalaban at ang pag alis niya ay siya namang paglayo sa akin para nahanap ako. Malaking bagay ang sakripisyong ginawa ni Cason para mailayo ako sa ospital. Hindi ko na siya nagawang mapasalamatan kanina dahil nanghihina ako sa dami ng gamot na naitarak sa katawan ko. Magpahanggang ngayon ay bingi pa rin ang mga tainga ko. Sa palagay ko ay dahil iyon sa malalakas na gamot na ipinasok sa katawan ko. Hindi ko na alam kung ilang oras na ba ako rito. Lumalamig na ang katawan ko at hindi ko alam kung bakit. Mabuti na lamang at balot ang katawan ko ng puting kumot. Gayunpaman ay tila ba ang l

