Inaasahan kong sa liblib na lugar ako dadalhin ni V ngunit nang itigil niya ang sasakyan ay pagtingin ko sa labas ng bintana ay sa isang maliit na bahay sa gitna ng siyudad niya ako dinala. Sandali siyang bumaba para buksan ang kinakalawang na gate para maipasok niya ang sasakyan. Napakaraming tao sa daan na tumatambay lang doon kasama ang mga bata na kahit gabi na ay nasa labas pa rin ay naglalaro. Nang muling maisara ni V ang gate ay pinuntahan niya ako para alalayang makalabas. "Ang daming tao. Sigurado ka bang dito tayo magtatago?" "Oo naman. Mas mabuti ng maraming tao. Hindi iisipin ng kalaban na dito ka nakatira." May pag aalinlangan man ako ay kumapit na lang ako sa leeg ni V nang buhatin niya ako. Bahagya akong sumilip sa mga tao sa labas ng gate. Parang sanay na sila na may

