Chapter 37

1117 Words
Hindi man ako sigurado sa mga nakatalang salita sa kontrata na pinirmahan ko ay wala na akong takas pa. Ginugulo ni Trent ang isip ko at sumasabay pa ang babaeng nagpapakilalang nanay ko. Napaka imposible namang nakakausap ako ng nanay ko. Nanay ko na hindi ko man lang nakita kahit isang beses. Nanay ko na iniwan ako simula nang iluwal niya ako sa mundo. Siguro nga nababaliw na ako. Dala marahil ng stress sa pagkamatay ni Sayer. Paulit ulit mang sabihin no Trent na hindi tunay ang kasal namin. Nagsinungaling man si Sayer sa akin. Ang paglagay niya ng sariling buhay sa kapahamakan para iligtas ako ay maaaring sapat na para patawarin ko siya. Mahal ko sa Sayer. Hindi ko naramdaman na kasinungalingan lang ang lahat. Alam kong tunay ang pagmamahal niya sa akin. Pero gayunpaman, hindi sapat para ibuwis niya ang buhay niya. Mas gugustuhin kong magalit nalang habambuhay sa kanya kaysa sa mawala siya sa mundo nang dahil sa akin. Pero huli na ang lahat. Wala na si Sayer. Pinatay siya ni Trent. Maaaring ang buong akala ni Trent ay nalinlang na niya ako dahil pumirma na ako sa kontrata. Pumayag man akong gawing muling ang extration ay may plano ako. Simula nang maramdaman kong uminit ang imprint sa likod ko. Mayroong pagbabagong nangyari sa katawan ko. May mga nakikita akong mga guhit at numero sa mga mata ko. Parang nagagawa nitong mabigyan ng sugat ang bawat masagap ng paningin ko. Hindi man ako lubusang naniniwala sa boses na naririnig ko ay isa iyong patunay na maaaring tama siya. Maaari kong gamitin ang kung ano mang kakayahang naibibigay ng imprint sa akin para malabanan ko si Trent. Kailangang mahuli sa akto ang lalaking ito. The fact na kayang kaya niya akong dukutin at dalhin sa malayong lugar na ito nang walang militar na namamagitan ay alam kong delikadong tao siya.   Malaki rin ang kumpiyansa kong kilala nila si Trent. Katulad ng sinabi ng boses sa isip ko. Delikadong tao si Trent. Kung ganoon nga siya kadelikado, siguradong minamanmanan na rin siya ng gobryerno.   "All right! Now everything is settled. We will start preparing you for the extraction this afternoon." Ngumiti si Trent habang iniaabot ang kontratany pinirmahan ko lang sa isa sa mga tauhan niya.   "Pero sa ngayon, kumain ka na muna. Mag relax at mag enjoy sa napakagandang tanawin dito."   Tumayo siya para lapitan ako. Bahagya akong kinilabutan nang ilapit niya ang ulo sa kaliwa kong tainga. "Gusto ko ang tapang mo, Althea. Gusto ko lang ipaalala, sa akin ka na simula ngayon. Lahat ng gusto ko, gagawin mo."   Napakapit ako sa palda ko. Nakakikilabot ang timbre ng boses niya. Malayong malayo na sa maamong pamamaraan niya nang pakikipag usap sa akin bago ako pumirma.   "Kung para sa extraction, walang problema. Iyon naman ang gusto mo hindi ba?" Lakas loob kong bwelta sa kanya.   Tumayo siya nang maayos sa likuran ko saka hinawakan ang magkabilang braso ko.   "You're right. Iyon lang naman talaga ang gusto ko." Nakahinga ako nang maluwag sa narinig. "Pero nang makita kita, nagbago ang isip ko. May iba pa pala akong gusto mula sa 'yo."   Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ako manhid para hindi mapunto ang gusto niyang sabihin. Tinapik tapik niya ang mga balikat ko. "Pero saka na natin pag usapan iyon. Wala pa ako sa mood. Masyado pa akong masaya ngayon."   May takot man akong nararamdaman kay Trent ay kailangan kong lakasan ang loob ko. Hindi lang para sa akin ang laban na ito. Para rin ito kay Sayer.   Alam kong ayaw niyang mapunta ako sa puder ni Trent. Alam kong inaalala niya ang kalagayan ko kaya niya itinago sa akin ang lahat. Ito ang paraan ko para hindi masayang ang buhay na ibinuwis niya.   Hindi na ako magiging makasarili pa. Kung anuman itong laman ng imprint, kailangan ko pa ring makakuha ng pakinabang rito kahit pa paano.   Kung paano ko iyon gagawin? Hindi ko pa sigurado.   Matapos akong kumain ay tinawag ko ang matandang lalaki na naghihintay sa akin. Tinanong ko kung may mga gamit ba akong dala sa pagpunta ko rito.   Sa pagkakaalam ko ay nasa bulsa ko ang cellphone ko nang sumama ako kay Trent, pero paggising ko ay wala na iyon.   "Pasensya na po pero ipinatapon na po ni Master lahat ng gamit ninyo. Pero huwag po kayong mabahala, may bagong biling gamit para sa 'yo na nasa silid mo na."   Nauna ko nang naisip na hindi papayag si Trent na magkaroon pa ako ng contact sa labas. Balak ko sanang ipaalam kay Tres ang location ko.   Bilin sa akin ni Sayer na si Tres lang ang mapagkakatiwalaan ko. Wala na rin akong ibang maisip para makatulong ko.   Imposibleng mahingan ko ng tulong si Cason. Hindi ko alam kung nasaan siya. Maaaring wala na rin siyang pakialam sa akin.   Wala na akong ibang magagawa ngayon kundi ang muling kausapin ang boses sa isip ko.   Ang tanong lang ay kung pa paano ko iyon magagawa?   Bumalik ako sa silid ko. Tatlong magkakaibang laking kahon ang nasa kama ko. Unang tingin palang ay alam kong gadgets ang mga iyon. Sa isa sa mga kahon ay may nakapatong na papel.   "Regalo ko para sa 'yo." Binasa ko ang nakasulat.   Kahit pa magagamit ko ito para mag-contact sa labas ay imposibleng hindi malalaman ni Trent. Paniguradong konektado na ang mga ito sa kanya at lahat ng gagawin ko sa mga ito ay malalaman niya.   Hindi na ako nag abalang buksan pa ang mga iyon. Kailangan kong makausap ang babae sa isip ko.   Sinigurado kong sarado ang pinto, maging ang sliding door at kurtina nito. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Mugto pa rin ang mga mata ko. Kahit pa nakatulog ako dahil sa gamot na pinainom ni Trent ay bakas pa rin sa mukha ko ang pagod.   Hindi ko alam pero bigla nalang lumuha ang mga mata ko. Para kasing gumuhit sa paningin ko ang nakangiting mukha ni Sayer.   Gusto kong humingi ng sorry sa kanya. Pinilit ko pang malaman ang nakaraan ko at inilagay ko siya panganib.   Tuluyang tumulo ang mga luha ko. Hindi magawang pigilan. Labis ang pangungulila ko sa kanya. Gusto kong mayakap ang asawa ko.   'Tatagan mo ang loob mo, Anak.'   Nagulat ako nang marinig ko ang boses ng babae sa tainga ko.   'Huwag kang magpahalata na naririnig mo ako. Mayroong camera na nakapaligid sa kwarto mo.'   Nagpanggap ako at pumikit. Posible ang sinasabi niya.   'Kausapin mo ako sa pamamagitan ng isip mo. Maririnig kita.'   Wala na akong dahilan pa para magduda. Siya na lamang ang makakatulong ko.   'Naririnig mo ako?' tanong ko sa kanya na inisip ko lang.   'Oo. Mayroon tayong kakaibang koneksyon dahil sa Imprint na sa 'yo.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD