Chapter 38

1177 Words
Kahit pa nakapikit ako ay ramdam ko ang pagtulo ng mga luha sa mga pisngi ko. Umagos hindi lang ang luha kundi ang galit sa puso ko.   "Sinabi mong ikaw ang nanay ko?"   Hindi agad siya sumagot sa isip ko. "Oo, Anak. Ako nga--"   "Umalis ka isip ko. Ayokong marinig ang boses mo! Ano klase kang ina? Masaya ka ba na nakikita akong nagdurusa? Anong karapatan mong gawin ito sa akin?"   Napayuko ako sa sahig at namaluktot sa labis na higpati.   Katulad ng sinabi ni Trent, ang nanay ko ang dahilan kung bakit nasa akin ang Imprint.   "Anak, makinig ka muna sa akin. Huwag mong hayaang pangunahan ka ng emosyon mo."   "Huwag mo akong utusan sa dapat kong gawin at dapat kong maramdaman! Buong buhay ko wala ka. Hindi ako nagtanong kahit pa gustung gusto kong malaman ang tungkol sa 'yo pero eto ba ang paraan ng pagpapakilala mo sa akin? Ang Imprint? Sinira nito ang buhay ko!"   "Anak, please, let me explain."   Agad akong tumayo. Nilakad ko ang mga mata ko para maghanap ng isang bagay na magagamit ko. Nakita ko ang babasaging baso sa mesa. Agad ko itong kinuha at binasag.   "Wala na akong gusto pang marinig mula sa 'yo. Umalis ka sa isip ko kung hindi magpapakamatay ako!" Hinablot ko ang matalim na bubog mula sa binasag kong baso.   Nananatiling tikom ang bibig ko at tangging sa isip lamang ako nakikipag usap sa kanya.   Patuloy na umagos ang mga luha ko. Hindi nagtagal bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Trent.   "What the hell are you doing?" Natataranta niyang bungad sa akin nang lumuhod siya para hawakan ang mga kamay ko.   Buong lakas ko siyang sinipa at nagawa kong mapaupo siya sa hindi kalayuan dahil doon.   "Huwag kang lumapit sa 'kin!"   Nagalusan ko man si Trent ay hindi naging sapat iyon para mapigilan ko siya.   "Okay, fine. But please, listen to me. Hindi mo kailangan masaktan para matapos na itong paghihirap mo."   Sinubukan niyang gumapang papalapit sa akin pero lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa bubog. Tumigil siya.   "May napagkasunduan na tayo, Althea. The extraction will be painless. As soon as matapos ang operasyon, matatapos na rin ang paghihirap mo."   Alam ko na iyon. Ilang beses na niyang ipinukpok sa ulo ko na hindi magiging masakit ang extraction. Hindi ko kayang maniwala lalo na't bumalik sa mga alaala ko ang nangyaring extraction noon.   Lalo kong idiniin ang bubog sa leeg ko. "Leave me alone, Trent," babala ko sa kanya.   Sandaling pumikit si Trent at sa pagdilat muli ng kanyang mga mata ay nakaramdam ako ng takot. Nanlilisik ang mga iyon na tila ba nagbibigay ng babala sa akin.   "I don't have the patience for this, Althea. Kung ayaw mong madaan sa dahas ng mga kamay ko, bitawan mo iyang nasa kamay mo."   Kampate akong hindi ako sasaktan ni Trent dahil nakasalalay sa akin ang Imprint na gustong gusto noyang makuha. Hindi ako nagpatinag sa babala niya.   Nang bigla na lamang siyang lumudag sa akin. Sa sobrang bilis ay hindi ko na nakita kung paano niya nagawang mahawakan ang kamay kong nakadiin sa leeg ko at maitaas iyon sa ulo ko.   Napasigaw ako nang dumagan siya sa katawan ko at tuluyan akong mahiga sa sahig.   "Binalaa na kita, Althea. Kung dahas pala ang gusto mo, kayang kaya ko 'yang ibigay sa 'yo."   Sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko ay wala akong nagawa kundi ang bitawan ang bubog. Ramdam ko ang pag agos ng dugo mula roon. Hindi ko namalayan na malalim na pala ang sugat.   Huminga nang malalim si Trent. "You got me so mad, Althea. Alam mo ba ang ibig sabihin nito?"   Napalunok na lamang ako. Hindi ko magawang makasagot. Binabalot ako ng takot sa ekpresyon ng mga mata niyang direktang nakatuon sa akin.   "That only means you don't really know me. Dalawa lang ang kaya kong gawin kapag ganitong galit ako. Mananakit o magpapasarap." Para akong binubusan ng malamig na tubig. Ramdam ko ang pagkawala ng kulay ng mukha ko at parang lalabas na mula sa dibdib ang puso ko.   Gamit ang isa pang kamay ni Trent ay hinaplos niya ang mukha ko. Nanginginig ako sa takot na hindi ko man lang magawang sumigaw.   Ngunit bigla na lamang niyang marahas na pununit ang suot kong damit dahilan upang humiwalay iyon sa katawan ko.   Mabilis na dumako ang mga mata ni Trent sa dibdib ko.   Sa pagkakataong iyon ay sa wakas, nagawa kong sumigaw. Nagpumiglas ako pero sadyang malakas si Trent.   Walang salita ay sumubsob si Trent sa dibdib ko. Ramdam ko mapangahas niyang paghalik sa bawat dampi ng kanyang labi sa katawan ko.   Halos magmakaawa akong tigilan niya ang ginagawa pero tila ba sarado ang mga tainga niya at nagpatuloy lang sa ginagawa.   Sa pagbitaw niya sa duguan kong kamay ay agad na dumapo iyon sa aking binti. Mahapdi man ang sugat ay hindi ko iyon ininda at pinilit ko siyang itinulak palayo sa akin.   Sandali siyang tumigil at umupo. Nanatili siyang nakadagan sa akin. Mariin siyang tumigin sa hubad kong katawan.   "T-Trent, please. Huwag." Nanginginig maging ang boses ko.   Ngunit imbes na makinig ay tinanggal niya ang suot na tshirt at muling bumalik sa maghalik at paglakad ng kamay niya sa buo kong katawan.   Bigla akong nawalan ng kontrol sa mga kamay ko. Tuluyang bumagsak ang mga iyon sa sahig na sandaling nagpatigil kay Trent sa ginagawa.   Nakita kong ngumisi siya na para bang panalo na siya. Naging malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mga ito.   Pakiramdam ko sumuko ang katawan ko. Pero hindi ko ito gusto. Hindi pwedeng maangkin ni Trent ang katawan ko.   Si Sayer lang ang nagmamay ari sa akin. Ang asawa ko lang at wala ng iba.   "Initiating... Protection Protocol."   May narinig akong boses sa isip ko. Iba ang boses parang computer ang nagsasalita.   Hindi nagtagal bigla na lamang umilaw ang paligid ko. Nakaramdam ako ng pressure na tila ba nanggaling sa akin na bigla nalang sumabog.   Ilang segundo pa ang lumipas at tuluyang nawala ang liwanag.   Hindi ko na maramdaman ang bigat ni Trent na nakadagan sa katawan ko. Hindi ko na siya makita.   Sinubukan kong makatayo o kahit makaupo man lang. Nakita ko si Trent sa may pader, namimilipit sa sakit.   Anong nangyari?   Nang magawa ni Trent na makaupo nang maayos ay dumako agad ang tingin niya sa akin.   Hindi galit ang nakita ko. Hindi katulad ng tingin niya kani-kanina lang.   Gulat ang nakikita kong reaksyong bumabalot sa mga mata niya.   Pinilit ni Trent na makatayo sa pamamagitan ng paghawak sa pader. Lalapit dapat siya sa akin ngunit dumating ang dalawang tauhan niya at pinigilan siya.   Nananatiling bingi ang mga tainga ko. Matinis na tunog lamang ang naririnig ko. Nakikita kong sumisigaw siya pero hindi ko marinig ang sinasabi niya.   Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Mabuti na lamang at nagawang mailayo ng dalawang lalaki si Trent at matagumpay na mailabas mula sa kwarto.   Niyakap ko ang dalawang tuhod ko. Humahagulgol na parang bata.   Sa unti-unting pagbalik ng pandinig ko ay narinig ko ang sakit ng pagtangis ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD