>
Hindi ko alam at maiipaliwanag sa aking sarili na ganito ngayon ang nararamdaman at ikinilos ko pagkatapos kung madatnan si Kathlene at Engr. Belmonte sa cafeteria. Napakalaking halaga ang isinakripisyo ko at sa isang iglap lang pinakawalan ko ang perang papasok sana sa kompanya ko dahil lang sa mabilisan kung desisyon. Hindi ko naman maaari pang bawiin ang nabitiwan ko nang salita kaya pinanindigan ko na lang. Hindi ako nagagalit sa desisyon ko pero kabaliktaran sa emosyon ko pagkakita ko kay Kathlene na may kausap na ibang lalaki. Gusto kung umusok sa galit at pagtulakan si Engr. Luke na umalis kaagad.
Mas lalo pa akong nainis nang makita ko ang pagsawalang bahala lang ni Kath sa akin. Kahit tahasan ko pang sinabi na iwasan niya si Luke pero nagmukha pa ako ang mali dito.
“Ako ang nakakaalam kung ano ang tama kaya huwag mo akong diktahan sa mga gagawin ko Sir Tyron! This is my personal life at I will decide for my own good!” buong tapang nitong sagot.
Pagbalik ko sa aking opisina habol hininga ako dahil hindi nasunod ang gusto kung mangyari. Lahat ng gusto ko at nagagawan ko ng paraan. Ang nais kung mangyari, naiisakatuparan ko na walang kahirap hirap pero pagdating ngayon sa babaeng ito tilang hindi papasa ang plano ko.
Masama man ang aking loob binilhan ko pa rin siya ng pagkain niya at kusa ko ito ibinigay pero wala rin akong nakitang magandang reaksyon sa kanya. I hate those woman na sobrang pihikan and pretending na halata ko naman na nagre-response din sa mga halik at yakap ko.
KINAUMAGAHAN..
Inutusan ko si Matilde na magpa-book sa isang mamahaling restaurant after office hours, may gusto ako patunayan sa sarili kung damdamin.
“Ay naku Sir Tyron para saan po ba ang dinner na ito?
“Huwag ka nang maraming tanong pa, do it bago ako magalit sa’yo!” inis kung turan dahi kung minsan lumalampas na din ang sekretarya kung saan lang siya nararapat. Ipinagtataka ko kung bakit tumagal din si Tito Tony dito, napamadaldal at lahat na lang yata ng balita sa buong kumpanya alam nito. At hinala ko mat kutob din siya sa mga pinaggagawa ko kay Kathlene.
“Sige Sir…gagawin ko po ngayon!
“Do it! and…by the way pakitawag kay Kathlene na pumarito sa opisina ko ngayon na!” utos ko rito.
Napabuntong hininga ako sa paglisan ni Matilde para bumalik sa table nito.
“Sir…! Bungad nito ulit. “Naka-file ng leave po si Kathlene sir!” dugtong nito.
Napatuwid ang upo ko sa pagkarinig dito. Biglaan ba na hindi ko alam ang balitang ito.
“Kailan pa? Narito pa siya kahapon sa office.
Kaagad kung tinawagan ang HR department para magtanong dito. At tama nga si Matilde naka-file nga ng leave ang dalaga at isang linggo ang itatagal.
“Alam mo kung ano ang dahilan ng bigla niyang pag-leave?”
“I don’t know Sir but I think you can ask one of her close friends, Mariz!
Ipinakansela ko kay Matilde ang plano kong dinner dahil sa balitang aking nalaman. Kaagad kung ipinatawag si Mariz para kausapin. Magkakaibigan nga sila dahil wala man lang clear thoughts akong makukuha dito.Hindi din nito alam kung bakit nagpahinga saglit sa trabaho ang kaibigan niya.
“Manong bilisan ko pupunta tayo ngayon sa bahay nila Kathlene!” wala ako sa mode ngayong mag-drive kaya tinawagan ko ang personal driver ko para ito ang magmamaneho.
Pero nadatnan naming nakasarado ang gate ng bahay na itinuro sa amin. Halatang wala nang tao sa loob nito. Ibig sabihin umalis sila ni Kath at pamilya nito. Malakas kung naisara ang sasakyan pagkatapos magtanong sa kanilang kapitbahay, madaling araw daw pa na umalis ang mag-ina.
Bagsak balikat akong bumalik ng opisina kahit ang guwardiya napapagalitan ko pa dahil sa mabagal nitong pagbigay ng parking space sa sasakyang papasok.
“Mariz don’t forget to tell me the exact location of Kath pag mabanggit niya sa’yo!”
“Naku Sir hayaan mo pa babanggitin ko sa’yo pag may updates po ako! Ayaw kasi niya ibigay ang paraisong pinuntahan niya…!
“Paraiso kamo?
“Yes, Sir, yun po! Ayaw naman banggitin pero sa pagkaintindi ko doon daw ang naghihintay ang destiny niya!” nakangising sabi ni Mariz na napainit ng aking tainga. Wala akung pakialam kung saan siya pumunta pero pag ganitong balita ang naririning ko tilang napapakulo ng dugo ko.
Nagdadabog akong bumalik ng office ko. Wala na yata akung magawang trabaho lagi dahil lang sa personal na mga bagay. Maybe, kailangan ko nang timbangin ang lahat para hindi maging palaisipan sa akin ang lahat ng ito.
“S_it! nakakainis!” pagkatapos mag-beep ang telepono ko at nakatanggap ako ng messages outside the Philippines. Kasunod noon ang isang tawag.
“Oh..Babe! How are you!” isang malambing na boses ni Cheska ang nasa kabilang linya. Hindi ako kaagad nakapagsalita. Since I left hindi pa ito nakatawag dahil busy ito sa trabaho niya bilang modelo. Siya ang huling girlfriend ko na tumagal dahil pareho ko taga-Pilipinas din ito pero lumaki lang sa Italy. Nag-migrate ang pamilya nito noong 5 years old pa lang siya. Very clingy ni Cheska at hindi ko na mabilang kung ilang beses nang may nangyari sa amin sa kama na kapwa din naming ginusto. We enjoy each other company at nagkakaunawaan kami sa lahat ng bagay, even travel and sports. But hanggang doon lang, no commitment, no assurance and not even talk about settle down.
“Oh, how are you?
“Naiinis na ako sa’yo! You did not even take effort to contact me! Babe, I miss you!” napaka-sweet nitong boses na parang naglalambing.
“I’m busy with my business here in Philippines!
“Yes, I knew and that’s why I call you, Babe! We will be having a vacation there in Philippines and I’m excited to see you soon!
Napakamot ako sa aking noo. Uuwi si Cheska dito sa Pilipinas. Sa ngayon pa lang confuse ako sa aking sarili. Hindi ko mauunawaan ang aking nararamdaman. Sana masaya ako sa balitang iyon pero pinakiramdaman ko ang puso ko wala akong munting sign na excited ako sa bakasyon ni Cheska. Iba ang isinisigaw ng puso ko ang makita si Kathlene.
“So, in that case, see you here! Kailan ba ang dating mo rito?
“This week, kasama ko sila Mom and Dad…and Babe be ready, I really miss you!” lantarang sabi nito.
“See you here..Just message the exact date ang time para mapapasundo ko kayo sa airport!”
“No, Babe everything has been settled, may susundo na sa amin! I will chat you as time we arrive, okay!
Kanina ko pa hinahawakan ang mga papeles na kailangan ng pirma ko pero parang nawawala ako sa aking sarili. Mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon. Uuwi dito si Cheska dapat maging masaya ako sa bakasyon niyang ito pero parang wala kong nararamdaman sa halip iba ang nais ng puso ko. Si Kathlene ang isinisigaw sa kabilang panig nito at gusto kung puntahan kung saan man itong lupalop nagbakasyon. Obsession, challenge or contentment ba ang nais ko, na kahit ako hindi ko masasagot.