>
Manghang mangha kami ni Mama habang papasok ang sasakyan namin sa Amore Mio Resort. Sobrang laki ng development sa resort na ito. Siguro naman after 16 years ano ba ang inaakala mo siyempre ipanagaganda pa, lalo na ang dalampasigan halatang inaalagaan talaga ang lugar. Ang dating mga cottages na naroon napalitan na ng mga villa na nagdagdag sa magandang view sa mga turistang mapadpad dito.
“Anak parang napadpad tayo sa ibang lugar, ibang-iba na ang dating Deluna Beach Resort na ito. Pero tingnan mo ang dating cottage na tinitithan natin ngayon nandiyan pa rin Mama!” sabay turo ko dito.
Natigilan ako saglit sa nakitang pangalan na nakaukit sa pintuan nito “Amore Mio Mini house”. Bigla akong napakamot sa aking ulo parang pinaglalaruan ba ako ng tadhana sa ngayon. Halos lahat na nagyayari sa nakaraan ay biglang bumabalik sa aking alaala.
“Anak halika na at alamin na natin ang room natin para makapagpahinga tayo saglit. Napagod ako sa biyahe natin!
Nang magtanong kami sa reception area kaagad naman naituro sa amin ang aking nakuhang room. Overviewing ito sa tabing dagat kaya langhap na langhap mo ang hangin at init na dala ng tubig dagat. Habang natutulog si Mama inaksaya ko talaga ang pagkakataon na maglakad sa dating lugar na may malaking bakas sa aking nakaraan. Una kung sinuyod ang dalampasigan hanggang sa pinakadulo nito. Siguro may gusto lang ako patunayan sa pagbabalik ko dito. Kung ipinangalan ang resort na ito sa tawagan naming ni Mitoy noon at maging ang cottage na tinutuluyan namin dati, ang gusto ko tingnan kung ang puno ng mangga naroon pa kinatitirikan nito.
Lakad takbo ang ginagawa ko para makarating kaagad doon. malayo pa nakita ko na ang malaking puno ng mangga, sobrang taas at hitik sa bunga. “No trespassing” ang nakalagay sa isang signage na naroon. Bakit ang damot naman ng may-ari kahit lumapit hindi pa pinapayagan.
“Ate bawal po ang pumasok sa loo bhindi po pinapayagan ng may-ari!” sigaw ng binatilyong lalaki.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Bakit anong masama kung magmamasid lang naman at saka hindi ko kukunin ang bunga ng mangga mo!
“Bawal po kasi eh baka mahuli po kayo ng guwardiya na palaging paikot ikot diyan, sigurado malalagot ka!”
“Ganoon ba? Kilala mo ang guwardiya di ba?
“Opo!
“So bantayan mo rito pag may paparating senyasan mo ako, saglit lang naman ako may nais lang ako tingnan sa punong iyan, hayaan mo pag makabalik ako kaagad may regalo ka sa akin!” himok ko sa kanya.
Mabuti nga lang at tumango ito at sumenyas na magmadali daw ako.
May kalapitan din naman mula sa kinatatayuan namin kaya mabilis din akong nakalapit doon. Sobrang laki na ng puno hindi katulad noon na kayang kaya mo pang yakapin. Kaagad akung umikot sa likurang bahagi paharap sa dagat. Nagulat ako sa aking nakita nandoon pa rin ang bakas ng inukit naming pangalan at mababasa pa ng mga mata ko ang salitang “Amore Mio, Marry Me Someday!”. Tumulo ang luha ko na hindi ko mapipigilan sabay haplos sa puno.
“Ikaw pa rin ang saksi ng pangako namin ni Mitoy noon, pero ang daya niya iniwan niya ako at hindi na nagpakita sa akin hanggang ngayon!” kung maririnig lang ako ng punong mangga baka pagtawanan pa niya ako sa kabaliwan ko hanggang ngayon.
“Ate..Ate..mahinang boses ng binatilyo na nagbibigay ng warning sa akin.
Kaagad akong nagmadaling lisanin ang puno sapat na sa akin na nakita ang minsang alaala ng aking nakaraan. Sana sa pagtatakip ng isang lingo naming rito makapag-moveon na ako at hayaan ko na ang nakaraan at mamuhay na sa kasalukuyan.
“Ate bakit umiiyak po kayo habang hinahaplos ang puno ng mangga? Nakita ko po kayo kanina!” sinundan pa rin ako ng binatilyo kahit binigyan ko na siya ng pera para pagpapasalamat.
“Nakita mo ba ang may-ari ng Resort na ito?
“Hindi po katiwala lang po ang nadidito at tumatawag lang kung may kailangan! Hanggang ngayon po hindi ko pa nakikita ang may-ari! Basta sabi ni Nanay mayaman ang may-ari nito..!
Tama naman ang bata, alam ko mayaman ang magulang ni Mitoy sa pagkakaalam ko noon.
Naratnan ko si Mama na naglalakad sa dalampasigan pagbalik ko. Malungkot ang mukha habang nakatanaw sa mga alon.
“Mama, okay lang po ba kayo? Tilang hindi yata ako naririnig dahil napakalalim ng iniisip niya. Nang hawakan ko itp sa balikat saka ako napansin na nakasunod sa kanya.
”Anak saan ka ba nanggaling, pagkagising ko wala ka na?
“Namasyal saglit Mama..tiningnan ko kung nandoon pa rin ang dating tagpuan naming ni Mitoy noon!
“At nakita mo pa ba? Anak sobrang tagal na iyon!
“Ma nagkamali po kayo lahat ng alaala naming nandoon pa rin, Mama! Umaasa akong babalik si Mitoy at tuparin niya nag pangako niya sa akin!
Napangiti si Mama at ginulo ang buhok ko hanggang ngayon tingin niya sa akin baby pa rin niya.
“Alam mo itong lugar na ito ang huling bakasyon namin ng ama mo kaya hindi ko ito makakalimutan! At dito ako kinabahan ng husto noon dahil sa pagkalunod mo, mabuti nga lang mabilis ang kaibigan mo na iyon at nailigtas ka niya!
Tama naman si Mama paano mo makalimutan ang isang lugar na maraming alaala itong dala lalo na’t dito kami ngayon nagbabakasyon.
Nang lumangoy si Mama ako naman nanatili lang nakamasid sa tabing dagat. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan pagluson ko pa lang sa tubig. Siguro dala ito ngaksidenteng nangyari noon. Sa loob ng 16 years hindi ko pa naranasang lumangoy sa dagat.
Tumunog ang telepono ko at laking gulat ko nang makita ang ang nakaregister na caller ko, it was Tyron.
“Hello!
“Kathlene…! Dumadagundong na boses nito na tilang galit. “Bakit hindi mo sinabi na magbabakasyon ka!
Natahimik ako sa kanyang sinabi. Ano naman kung hindi ako nagpapaala, its my privilege to file a leave.
“Saan ka ngayon?” naiirita na sa hindi ko pagasagot agad.
“Tyron nasa bakasyon kami ng Mama ko, pwede ba wala munang disturbance ngayon!
“Give me your exact address at sasamahan kita riyan!” nagpupumilit ang boses nito.
Napabuntong hininga lamang ako sa kakulitan ng lalaking ito. Kung wala sanang Mitoy na hinihintay ko masasabi kung inlove na ako dito. Sobrang sarap niya humalik na halos makapanglilimot sa buo kung pagkatao.
“Please Tyron..I want a break at gusto kung mapag-isa na walang asungot!
Naririnig ko nag pagbuga nito ng hangin na tilang galit na.
“In that case keep me updated with your activity! Keep in touch with me always..just send a picture kung kinakailangan!
“What, ano akala mo sa akin isip bata? Tyron pwede ba may sarili akong buhay at hindi ko kailangan ng tagabantay pa!
“That’s my order and that’s final!” sabay end call nito.
Minsan masarap isipin na may pagtingin sa akin ang boss ko pero minsan naisip ko pinaglalaruan lang niya ako dahil parang hindi naman seryoso sa amga sinasabi.
“Sino ba ang kaaway mo sa telepono mo, namumula ang mukha mo at panay ang kusot mo nang mata mo!” nakita yata ako ni Mama.
Kakalabas ko pa lang ng banyo nang may tumawag naman. Tyron is calling once again in my messenger. Gusto talaga ako nito subukan at idadaan pa yata sa video call.
“Ano ba na naman Sir?” nakaligtaan ko na nakatapis lang pala ako ng tuwalya habang nakaharap sa telepono ko.
Tumikhim ito at kitang kita ko ang paglunok nito habang nakatingin sa mukha ko.
“Are you seducing me on screen, Sweetie? Gusto mo bang halughugin ko ang lahat ng lugar para mapuntahan kita riyan kaagad?