“Nakakinis naman ni Sir Tyron! Sa dinami dami ng empleyado diyan na lapitan ako pa ang subukan nitong asarin!” sabay tapon ng dalang bag sa loob ng cottage na naka-assign sa kanila ni Mariz.
“Baka type ka lang ni Bossing!”
“Wala akong panahon sa sinasabi mo! Pwede ba tulungan mo naman ako para makakaiwas kay Sir Tyron palagi!” at pabagsak na napahiga sa simpleng kamang tulugan nila.
“Iyan ang hindi ko kayang gawin dahil baka ako ang mawalan ng trabaho sa gusto mo mung mangyari eh!
Binigyan sila nang panahon na makapag-ikot sa buong resort kaya malaya ang lahat na makapasyal.
“So, what’s your plan, maliligo na ba tayo?” si Mariz na nakangiti habang pinag-arrange ang gamit.
Isang buntong hininga ang kanyang isinagot rito. Pagkakakita pa lang niya ng tubig dagat kanina pagdating pa lang ng kanilang sinasakyan nakaramdam na siya ng kakaibang takot dito. After a long years hindi pa niya naranasang maligo ulit sa dagat. Minsan dinala siya ng kanyang Mama sa probinsya ng kanyang Lola pero pagtayo pa lang niya sa dalampasigan nanginginig na siya sa takot. Siguro dala ito ng trauma ng kanyang pagkalunod noon.
“Huwag mo sabihin na ipagpaliban mo ang nag-aanyayang tubig dagat sa lugar na ito!
“Kayo na lang ang lumangoy, dito lang ako sa cottage! Wala ako sa mode ngayon na lumusong sa tubig!” buo ang loob na pagkasabi.
“Are you sure? Bakit hindi mo subukan man lang!
“Saka na pag handa na ako, Mariz!
Naiwan siya sa cottage habang nakatanaw sa kawalan. Napakaganda ang sikat ng araw at makikita niya ang ibang empleyado nagtampisaw na sa dagat. Napakalinis naman talaga ng lugar na ito na kahit sinuman hindi mahihindian.
Nakikita niya ang ibang mga bata na naglalaro sa dalampasigan at naglalaro sa buhangin. Tilang nagpaalala sa kanya sa nakaraan niya kay Mitoy.
“Saan na kaya siya ngayon! Naalala pa kaya niya ako?” habang kinakausap ang sarili.
Napakislot siya nang may dumungaw sa kanya sa bintana.
“Magkukulong ka lang ba diyan? Nandoon na ang lahat sa tabing dagat!” si Sir Tyron nito at nakasuot na ang swimming trunk.
Kitang kita ang napakagandang hubog ng katawan nito at litaw ang kakisigan sa suot. Napahiya siya at yumuko dahil hindi niya kayang makipagtitigan dito.
“Mamaya na ako Sir mauna na lang po kayo!” ang walang kabuhay buhay na sagot.
“Dress up and I’ll wait!” utos nito. “I won’t leave here until you done!”
Salubong ang kilay at masama niyang tinititigan ito. “Hindi nga ako lalangoy!” malakas ang boses na sagot.
“Bakit sinabi ko bang lalangoy ka? What I want is just take time to bond with them! In the first place isang kompanya tayo at minsan kailangan din nating makihalubilo sa mga kasamahan natin! That’s why I pursue this activity!”
Hindi na siya sumagot pa pero nagpaalam na lang para magbihis saglit. Alam niyang masyadong makulit ang boss nito at ipipilit talaga ang nais. Ilang beses na niya itong naranasan.
Akala niya nauna na si Sir Tyron nito pero laking gulat niya ang nang pagdungaw niya para isara ang kanilang cottage nadoon ang lalaki nakatayo sa may pintuan.
Tyron’s eyes directly go unto her outfit. Mula ulo hanggang paa ang tingin nito at tilang pinag-aaralan pa nito. Isang kulay asul na swimsuit terno shorts cross set ang suot nito at ipinatungan nito ng cover up.
“Akala ko ba hindi ka lalangoy, why you wear this one?” napakamot sa ulo habang nakatitig sa kanyang nakabukas na cover up at kitang kita ang suot nito.
“Nag-ready lang po Sir baka magbago ang isip ko!”
“Go back inside, magpalit ka na lang ng ibang damit doon! So, daring ang intimidating sa mata!” at inalalayan siya nito bumalik sa loob. Halos napapangiti siya sa inasta ni boss nito. Paano naman naging daring ang ganoon na ang iba nga diyan halos lalabas na ang puwetan sa suot nila.
“Reserve your outfit maybe tonight para sa night swimming but not this time, Kathlene!” seryoso ang mukha.
Isang sexy summer jumpshort ang isinuot nito. Mabuti nga lang at may ilang piraso siyang naidala na maaring gagamitin. Siguro nagustuhan din ng lalaki ang suot niya dahil matipid na itong nakangiti at kaagad siyang inalalayan sa bisig.
Sa umpukan sila nang mga kasamahan nila dumayo. May naka set-up na doon na mga upuan sa tabing dagat sa ilalim ng malapad na tent. Nakipag-usap si Tyron sa head ng HR department kaya malaya si Kathlene na makaalis sa tabi ng binatang boss nito na hindi nito napansin.
Sa di kalayuan sila Mariz at Ronald na naglalangoy. Kinawayan niya ang dalawa na kaagad namang sumenyas na lumapit siya doon.
“Kath, lalangoy ka rin ba?” si Richard na linapitan siya nito. Naka-short ang lalaki at wala nang damit pang-itaas, sigurado lalangoy din ang mokong na ito.
“Nakita mo naman ang suot ko, tingin mo lalangoy ba ito?” sagot sa tanong ng lalaki.
“Kaya nga!” at napahagikhik. “Halika pasyal na lang tayo sa bandang roon!” yaya sa kanya ni Richard. Kampante siya pag ang lalaking ito ang kanyang naging kasama. Kahit minsan hindi nito pinag-take advantage ang closeness nilang dalawa. Pagkatapos nilang magpa-alam sa dalawang lumalangoy, Malaya nilang binaybay ang tabing dagat habang naglalakad sa buhangin na naka-paa. Si Richard ang may dala ng kanilang tsinelas. Habang ginagawa nila ito hindi maipagkaila na may mga bagay na pilit bumabalik sa kanyang alaala sa nakaraan. It was Mitoy again…bakit ba kasi ang eksenang ito ay tilang naganap din noon sa tabing dagat. Napabuntong hininga siya habang nakatanaw sa kawalan.
“Alam mo, nagtataka talaga ako bakit hindi ka tumatanggap ng suitors na halos ang lahat ng qualities nasa iyo na!” si Richard na ngayon lang ito nag-start ng usapang seryoso.
“I have my own standard and timeline, kaya habang hindi ko pa naabot ang dreams ko na iyon, malabong magaganap iyon!”
“But I can feel how Sir Tyron deeply interested with you! Nakikita namin iyan nitong nakaraan!” ang lumabas sa bibig ng kaibigan.
Napaupo siya sa buhangin at sumunod na rin si Richard sa kanya. Kahit siya napapansin na rin niya kung paano siya pagbigyan atensyon ni Tyron pero siya mismo ang naglagay ng barrier na hindi niya kayang buwagin sa madaliang paraan lamang.
Matagal silang nakaupo doon at hindi man lang napansin ang mataas na sikat ng araw na nagdadala ng init sa balat. Nalibang din sila doon sa kwentuhan kaya hindi nila napansin ang oras.
Nakabalik sila sa umpukan ng mga kasamahan ngunit magtanghali na. Ang iba ay nasa tent na at kumukuha na nag pagkain doon sa buffet table.
“Hoy, bruha saan ba kayo pumunta, kanina ka pa hinahanap ni Sir Tyron!” salubong ni Mariz sa kanilang dalawa.
Napaikot ang kanyang paningin sa paligid para hanapin ang anino ng lalaki pero hindi niya ito nakita. Kaya napasabay na rin sila sa mga kasamahan para makakain na rin. Nasa kalagitnaan na sila ng pagsubo nang masilayan nila ang paparating na si Architect Tyron at tilang hindi maganda a ng timpla ng mukha nito. Hindi ito lumapit sa table na kinauupuan nilang apat pero napasulyap ito sa banda nila.
“Galit yata, Kath!” bulong ng kaibigan.
“Kumain ka na lang para matanggal ang gutom mo dahil lumilipad ang imahinasyon ng isipan mo!” sagot sabay subo ng pagkain.
“Baka kailangan mo ng tulong, sabihan mo lang ako!” si Richard na rin na inaasar pa siya.
Naudlot ang usapan nang lumapit sa kanila si Tyron.
“Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap!” ang salitang sumalubong sa kanya. Tama ba na ganito ang itanong niya dito.
“Naglakad lakad lang kami sa tabing dagat Sir!” si Richard ang sumagot. Masama ang tingin nito sa katabing nagsalita. “Finish your food and follow me!” ang nag-uutos nitong boses.
Napatakip si Mariz sa bibig nito para pigilan ang reaksyon. “Ano ba ang nagyayari sa oras na ito, bakit mo ginayuma ang boss natin!” pabirong sabi dito. At napapangiti na rin ang dalawang lalaki.
Nakasunod ang mata ni Mariz nang pagkatapos alalayan nito si Kathlene at hilahin palayo sa umpukan ng mga tauhan.
“Ako lang dapat ang kasama mo sa three days of staying here! No one else!” ang lumabas na salita sa labi nito. Nasa tapat na sila ngayon ng cottage na nakalaan para sa kanila ni Mariz.
“Sir.. but!
“That’s my rule! At hindi ko hinihingi ang opinion mo with this dahil ako ang masusunod!
“Bakit ba kasi! Hindi pwedeng ganito…
Halos napapalunok siya nang saklitin siya nito sa beywang at biglang inilapit. Isang dangkal na lang ang agawat ng mukha nila.
“Follow what I say and behave para walang problema!” napapapikit siya ng kanyang mata sa maaring kasunod na gawin nito.