Kanina pa siya nakapasok sa loob ng cottage pero ramdam pa rin niya ang panginginig ng kanyang mga tuhod. Muntikan na siya kaninang bumigay sa sobrang lapit ng mukha nilang dalawa ni Tyron. Halos amoy na amoy na niya ang hininga ng lalaki habang hawak hawak siya nito. Mabuti nga lang nagising siya sa katotohanan at kaagad siyang nakaiwas.
“Hanggang kailan ka makapagpigil Kathlene sa matipuno at super hunk mong boss!” sita sa sarili
Habol hininga si Mariz na pumasok sa kanilang tinutuluyang cottage na kahit siya ay nagulat na rin. Tilang may kinatatakutan ang mukha nito.
“Ano ang nagyari sa’yo?” salubong na tanong rito.
“Dios ko naman Kathlene hindi mo ba narinig dito ang lakas ng sigaw? May nalulunod sa kasamahan natin!”
Sa kanyang narinig bigla siyang nanginginig at hindi nakakilos. The accident happens on the past still fresh until now. Kahit na sobrang tagal na noong kamusmusan pa niya pero pilit pa ring bumabalik sa kanyang alaala ang pangyayari na kung saan nalunod siya.
“What happen to you? Bakit namumutla ka diyan?” si Mariz na kinabahan sa hitsura niya.
“I had remembered something! Kamusta na ang nalunod?” iwas tanong nito.
“Hinahanap pa hanggang ngayon ng mga rescuer! Pero kinakabahan ako, wala pa naman dito si Architect may pinuntahan saglit!
Iniwan niya si Mariz para lumabas at matanaw ang dalampasigan. Kitang kita nito ang paroo’t parito na mga tao na halos lahat ay tensyonado.
“Hayun..hayun nakita na nila si Precila!” habang tinuturo nito ang katawan na buhat ng mga lalaki galing sa tubig.
Nananalangin siya na sana buhay pa ito. It was a traumatic experience na pilit bumabalik.
“Lord, help Precila to survive!” dinig niya ang daing ng nakapikit pang kaibigan habang nananalangin.
She can’t longer stay sa ganitong eksena mas lalo lang nagpaalala sa kanya kaya napatakbo siya sa loob ng cottage at doon nagkulong. Napadapa siya sa tulugan at tinakpan ang kanyang dalawang tainga ng unan para wala siyang marinig na ingay buhat sa labas. Mas mabuting ganito para hindi siya lalong kabahan.
Kitang kita ni Mariz kung ano ang posisyon ni Kathlene sa kanyang pagpasok sa loob ng cottage. Napapakamot ito habang pinag-aaralan ang ginagawa nito.
“May sakit ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?” at linapitan ito na may pagtataka at pag-aalala.
“Ok lang ako, just leave me alone, I’ll be felt better later!” Pahinga lang ako saglit!
Hindi naman kasi niya nabanggit kay Mariz ang aksidenteng naganap sa kanya na nagbigay ng trauma hanggang s angayon. Pero sa kabila nito ipinagpapasalamatan nito ang kanyang shining armor na nagligtas sa kanya sa mga panahong iyon.
Mahimbing yata ang pagkatulog niya kaya hindi niya napansin ang mga nag-uusap sa labas. Kaagad siyang napabalikwas at napadungaw rito. It was Ronald and Mariz na naghaharutan sa labas.
“Oh, Kamusta ka na? Ok ka na ba?” lingon sa kanya ng mga ito.
“Hayan na pala si Sir Tyron bumalik na!” si Ronald ang itinuturo nito ang paparating.
“Kamusta na ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong nito sabay lapit at dinama ang kanyang leeg. Napakislot siya sa ikinilos ng lalaki.
“Ok lang ako Sir!” at umiwas dito. Napakamot sa ulo nito si Tyron at tilang naiinis ang mukha.
“I have a feeling na hindi maganda ang pakiramdam mo and you tried to hide it!” seryoso itong linapitan siya. Napakislot siya nang hawakan nito ang kanyang kamay at ipinisil. Kitang kita niya kung paano umarko ang kilay ni Mariz at nanunudyo.
“Sir maiwan muna namin kayo!” ang walang hiya niyang kaibigan tilang ipagkanulo pa siya nito.
“I knew there is something bothering you, hindi ka magkakaganyan pag wala!” lingon ni Tyron at hinila siya nito para maipasok sa loob ng cottage. “I can listen, if you try me!”
Napapailing na lamang siya rito. Wala siyang pinag kwentuhan ng kanyang nakaraan maliban sa kanyang Mommy na nakakaalam nito. Malihim siya pagdating sa mga bagay na ganito lalo na sa personl niyang buhay.
“Ok lang po ako promise! Kunting pahinga lang balik lakas na ako ngayon Sir!
“Starting now just call me Tyron at huwag yung Sir! I’m not too old enough para igalang mo nang ganyan!”
“But you still my boss!” mabilis na sagot.
“I’ll give you my permission to address me like that! Understood?
“Eh, kasi Sir..!
“Tyron! Susundin mo ba ako or I’ll teach you how to obey me!”
“Hindi kasi dapat eh!” You are still my boss!
“Da_mit Kath..Say my name..”Tyron…!” parang batang itinuturuan magsalita sa lagay nilang dalawa.
Hindi pa rin nakakasagot dito. Sinaklits siya nito sa beywang at biglang nilapit.
“Now, say it!” habang inilapit ang kanyang mukha dito.
“S..Sir..Tyron!” nagulat siya nang bumaba ang labi nito sa kanyang noo. Isang mainit na dampi ng halik sa kanyang labi ang iginawad nito. She was freeze.
“Next time hindi lang noo ang dadampian ng labi ko pag hindi mo kayang sumunod sa gusto kung mangyari. Just simple thing hindi mo kayang gawin..! Now, call me!”
Napipilitan siyang sundin ito. Hindi niya alam ang ikilos at gagawin sa ginawa ng kasama. Sino ba siya para pag-aabalahan nito.
“T..tyron!..oo na Tyron na nga! Happy ka na?” inis niyang turan dito.
“Every time na magkakamali ka alam mo na ang consequences na maaring mangyari sa’yo! Hope you understand!”
Napapatango siya rito at napalunok. Damang dama niya ang init ng labi nito sa kanyang noo. It was her first time na nahalika nng isang lalaki sa noo. Ganito pala ang pakiramdam na mahalikan halos pati binti at tuhod mo naginginig.
“Very behave ako sa mga girls basta masunurin lang but I hated most is sobrang makulit at hindi sumusunod sa utos!” pilit nitong itinaas ang kanyang panga para magkatama ang kanilang titig. Kahit anong iwas niya pero wala pa rin siyang maiiwasan. “Look at me straight from my eyes and say my name clearly, Kath!”
“Ty..Tyron!”mahina pero may lambing ang pagkasabi.
Nabigla siya ang umangat siya sa ere. “That was the best diction I want!”