Chapter 10 - A Kiss

1371 Words
Alam ni Kathlene na hindi dapat ganito ang mangyayari lalo’t bago pa lang ang bagong may-ari ng kompanya nila. Hindi niya alam kung tama ba ang atensyon na ipinakikita ni Tyron o pinaglalaruan lang siya dahil sa napabalita siyang sobrang pihikan sa mga lalaki. Sa eksenang naganap kanina sa loob ng cottage hindi siya gaanong nakapagsalita sa pagbuhat sa kanya ni Tyron. Hindi pangkaraniwang gawain iyon ng isang boss sa kanyang empleyado. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makakaiwas rito habang maaga. Isa lang ang nais niya ngayon ang makita ang kanyang nawawalang ama sa matagal na panahon. Ipinatatawag ang lahat ng empleyado sa function hall ng resort para sa lecture and games as part of the team building. Namamadali na nagbibihis si Mariz at she keep reminding Kathlene na magmadali mag-ayos para makapunta sila kaagad sa venue. “Bakit ngayon lang kayo? Sobrang tagal naman ninyo magbihis dalawa!” si Arlene ang sumalubong sa kanila. Sa kabilang department ito pero lagi din nila kasama pag may gimmick silang pupuntahan. “At ano naman ang big deal doon, bakit hindi ba matutuloy kung wala kami?” pabirong sabi ng kaibigan. Isang boses ng Emcee ang nagpatigil sa kanilang usapan dahil hudyat na magsisimula na. “Everyone be settled and our Stress Management topic will start and it will follow with games suited for this night activity!” sabi ng host. Umiikot ang mata ni Kathlene kung saan sila pwedeng makaupo na bakanteng table at mabuti nga lang nakareserve si Richard doon sa dulo at kasama pa nito si Ronald. Kaagad siya hinila ni Mariz para makakaupo kaagad doon. “Ang tagal naman ninyong dalawa!” si Ronald ang unang nagsalita. “Babe pasensya na, ganito lang talaga kaming mga magaganda matagal mag-ayos!” pabirong sabi sabay upo sa tabi ng lalaki. Nagulat pa siya sa ginamit na endearment ng kaibigan. Mukhang may hindi siya nalalaman at inililihim yata nag kaibigan nito. Napaupo siya sa tabi ni Richard habang kinikindatan si Mariz. “Alam ko na ang mga ngiting iyan Kath, later I will tell you!” sagot din nito. “No need, I can already predict and tell using my eyes!” Nanahimik silang nang magsimula ang programa. Lalo na’t umakyat si Tyron doon at nagbigay ng mensahe nito. Sobrang pormal ang suot at maging ang mukha nito na napaka-seryoso habang nagsasalita. Nakakatakot at kung makikinig ka sa bawat bigkas niya ng mga salita mapapahanga ka talaga. Napapatitig lang siya dito at nakikinig habang nakatingin sa bawat bigkas at galaw ng kanyang bibig. Minsan nagkatama ang kanilang paningin dahil sa bandang sulok nila ito nakatingin. Hindi niya alam kung sa kanya ba talaga ipinaparating ang kindat nito pero para sa kanya may kakaiba itong sabihin. “Kathlene, kung talagang type ka ni Sir Tyron sigurado ikaw ang bida friend!” si Mariz na inaasar na naman siya nito. “Wala pa sa isip ko ang bagay na iyan, I have my own priority at wala siya doon! Mahirap magtiwala at saka may boyfriend na ako, hindi mo lang alam!” Napaintad siya nang kurutin siya ng kaibigan sa tagiliran. “Huwag ako ang lokohin mo dahil hindi ako naniniwala sa’yo! “So, sa ngayon maniwala ka na dahil soon he will marry me!” sagot sa kaibigan para tumigil na ito. Ang totoo pinanghahawakan pa rin niya ang kanyang nakaraan kay Mitoy. Umaasa siya na magkikita sila sa tamang panahon dahil pinanghahawakan pa rin niya ang pangako niya dito kahit gaano man katagal iyon. Nakita niya ang pagkabalisa sa mukha ng kaibigan. “Paano naman si Sir Tyron pag ganoon? Umiling siya dito at umismid. “Mariz mahirap magsalita pero hanggang sa makaya ko iiwasan ko dahil hindi ko gustong magtaksil sa taong mahal ko!” Parang napapaniwala niya si Mariz dahil napapatango na lamang ito at hindi na nagsalita pa ulit. Nagsisimula na ang group games kaya lahat ay inaanyayahan na sumali. Kaya nauna silang apat na pumagitna at sinundan ng iba pa. Gusto niya mag-enjoy ngayong gabi lang para makakalimot din saglit. Hinatak niya ang kamay ni Richard pagkatapos nang sabihin ng host na maghanap ng partner para sa games. Nagtatawanan at nagkakantiyawan ang lahat ng naroon dahil ang ipinabalitang may crush sa kompanya ay kanya kanyang hanap ng kanilang partner. Nang magsimula na ang laro ng paper games halos ang lahat ay maingay. “Hoy, Mariz huwag naman masyadong yakapin si Ronald!’ sigaw ni Arlene Kitang kita niya kung paano hapitin ni Ronals is Mariz sa beywang para ingatang hindi sila matatalo. Samantala si Richard naman sobrang ingat na ipinatong siya sa paa nito para makalambitin siya. Nang maliit na folds na lang ang natira kinatiyawan pa siya ni Mariz. “Magpabuhat ka na lang kay Richard para matalo mo kami!” sigaw nito dahil talagang sila na lang natira. Nagulat sila nang inagaw ni Tyron ang microphone at ito ang nagsalita. Kitang kita ang pamumula ng mukha nito at halatang galit. “You’re all winners! Go back to your own chairs!” inis nitong sabi. Umiigting ang panga nito habang sinulyapan si Kathlene pero umiwas din kaagad. “Congrats to us! Siguro kung hindi ikaw ang nakakalaban namin magtagisan talaga hanggang dulo! Kaya lang tingin ko galit si Sir Tyron…at napapangiti. “Nagseselos yata sa inyo ni Richard kanina!” Sinulyapan niya si Tyron na nakaupo sa isang table pero panay ang tungga nito ng alak na nakapatong doon. At hindi maipinta ang mukha nito pero dito sa banda nila napapasulyap. “Mis-interpretation lang iyon! “At saka it’s a part of a game at saka binibigyan ko lang ng pagkakataon si Richard na mayakap ako habang single pa ako!” pabirong sabi na napahalakhak na rin ang katabi. Napa-alam siya na pumunta mula sa comfort room dahil naiihi na siya. She was walking on the alley going to the back portion of the hall nang biglang may sumaklit sa kanya sa isang sulok. Kaagad siya nitong ipinasok sa isang maliit na silid. Inaaninag niya ang bulto ng katawan nito. “Huwag mo ako subukang asarin, Kathlene dahil masama akong magalit!” si Tyron ang nagsasalita habang isinandal siya sa pintuang nakasara. Lumapit ang mukha nito sa kanya at amoy na amoy niya ang alak sa bibig nito. Pinilit niyang itulak para ipahalata na hindi niya gusto ang nagyayari. “Iihi muna ako Sir!” salitang naputol dahil lumapat ang labi ng lalaki na nagpagulat sa kanya. Dampi iyon na nagpagimbal sa kanya pilit nagpaalala sa kanya sa nakaraan. This kiss was makes she remember her past. “Sorry but I will punish you with this!” at kikintalan siya nito ng mainit na halik. Damang dama niya ang lambot ng labi at napakasarap nitong humalik. Paulit ulit nitong inangkin ang labi ni Kathlene habang yakap yakap niya ang dalaga. Natulala at hindi nakagalaw sa nangyayari. Sino ba naman ang hindi mabibigla sa kaganapang ito. “I hate you!” sabay tulak ng buong lakas at kaagad binuksan ang pintuan at tumakbo palayo doon. Hindi na nya nilingon pa dahil sa kaba at panginginig ng katawan. Hindi niya inaakala na halikan siya ng kanilang boss nang ganoon kalalim. Diretso siya sa CR at nagsara kaagad. Kung gaano siya katagal doon iyan ang hindi niya alam basta nararamdaman niya ang pagtulo ng kanyang luha. Pangarap niyang mahalikan sa tamang lugar at oras hind isa ganoong lang. She always dreamed for a fairy tale and she want a kiss from his dream prince. Pero ninakaw iyon ni Tyron ngayong gabi. Nagsasayawan na ang lahat nang siya’y makabalik sa loob ng hall. Kinawayan siya nila Mariz kaya kaagad siyang gumawi doon. “Hoy bruha saan ka ba pumunta na ang tagal mung makabalik?” sita pa nito. “We have a quick talk outside!” ang boses na nagsalita sa kanyang likuran. Isang nakapameywang na Tyron ang kanyang nalingunan at nakasunod sa kanya. ‘Ay Sir magkasama pala kayo, nagtataka lang kami na sobrang tagal niya makabalik! So, you gonna join with us Sir?” yaya pa ni Mariz dito. Sumenyas ito na sumayaw lang at umupo lang ang lalaki sa table malapit sa kanilang sinasayawan. “Behave, I’m watching with you!” bulong pa nito kay Kathlene bago tumalikod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD