Chapter 11 - My punishment

1264 Words
Nakakaasiwa namang sumayaw na may nagbabantay sa’yo. Maging ang galaw ng kamay mo pinag-aaralan nito batay sa mga sulyap. Kaya nang tumalikod si Tyron para sagutin ang telepono kaagad siyang nagmadali na lumabas ng hall at hindi man lang liningon ang tawag ng kaibigan. Nagmadali niyang linisan ang party doon at bumalik sa cottage. Nasasakal siya sa mga nagyayari sa kanya ngayong gabi. Kinaumagahan isang nakangising kaibigan ang kanyang namulatan. Tilang aliw na aliw ito at napakaganda ng gising. “Bakit? “Sabihin na lang natin na maganda ang gising ko! Ikaw ba maganda din ang gising mo? “Ewan ko sa’yo! “Magbihis ka na riyan at mag-breakfast na tayo!”Baka hinihintay ka na doon ng prince charming mo!” pabirong sabi. Napabuntong hininga siya at nagdadabog na nag-ayos. “Baka iiwasan ka na niya ngayon, sinabihan ko na iyon kagabi na hindi na siya maghahabol sayo dahil ikakasal ka na!” Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin. “Sinabi mo iyon sa kanya? “With you respect friend sinabi ko lang kung ano ang sinabi mo sa akin! Dahil nakita ko kagabi kung paano ka niya sana hahabulin, kaya hayun sa sinabi ko napatigil ko siya at saka nagpakalasing na lang! Marami na yata ang nakakain dahil nadaanan na nila yung iba na nasa tabing dagat na naglalangoy. May kunti pang mga kasamahan na narorooon at kumakain nang kanilang madatnan. Nakasandok na sila ng pagkain nang pumasok si Tyron na nakapajama pa at tilang bagong gising lang ng lalaki. Kitang kita na may hang-over pa ito dahil magulo ang buhok at hindi pa yata nakaligo. “Nandito pala kayo Mariz?” ang kaibigan niya ang kanyang kinausap samantala dinaanan lang niya si Kathlene na hawak ang kanyang pinggan. “Kain tayo Sir!” “Go on and I will get mine!” at kaagad itong tumalikod. “Nakita mo effective ang ginawa ko di ba!” bulong ni Mariz dito. “Thank you sa effort mo ha! Pero sisiguraduhin mo na hindi ako pag-iinitan ni Sir Tyron simula ngayon!” “Iyan ang hindi ko mapaipapanalig sa’yo, friend!” Pagkatapos kumain ni Tyron kaagad din itong tumalikod at hindi na nagpaalam pa. Si Kathlene naman at napasunod ang tingin sa papaalis na lalaki. May kunting kirot siyang nararamdaman sa ngayon. Naglalakad siya sa dalampasigan nang makasalubong niya si Tyron na nag-jogging at walang damit pang-itaas. Napapalunok siya sa bulto nitong abs at ang ganda ng katawan nito at halatang laki sa ehersisyo. Para makaiwas pumunta siya sa tubig para ilubog ang kanyang mga paa at doon lumakad habang dinadama ang hampas ng alon. “You better dress appropriately kung gusto mo lumangoy!” seryosong boses nito at tumigil sa tapat niya. Kitang kita niya kung paano gumalaw ang adams apple nito habang nakatingin sa labi ng dalaga. “Hindi ako lumalangoy sa dagat, Sir!” ‘D_mn lady! Ilang ulit ko ba sasabihin na itawag mo ako sa pangalan ko!” at akmang lalapit ito kaya kaagad siyang tumakbo para makalayo dito. Alam niya ang susunod na gawin ni Tyron kaya kailangan niyang makaiwas dito. Napakaraming empleyadong naglalangoy sa mapalitan kaya nakakahiya kung halikan siya ng lalaki dito mismo sa dalampasigan. “Wait young lady!” sigaw nito habang humahabol. “Kahit gaano katulin ka tumakbo mahuhuli din kita kaya you better stop, Kath! Hindi mo naisin ang gagawin ko sa’yo!” “Ano ba? Hindi mo ba ako titigilan ha? Gulong gulo na ako! Please don’t do this to me, please!” at napa-squat habang hawak ang ulo nito ng dalawang kamay. Isang kamay ng lalaki ang nakalahad at inalalayan siyang makatayo. Isang reaksyon sa mukha nito ang kanyang nasusulyapan. Looking at her with tenderness and cares. “Sorry, Kath! Maybe I’m so harsh with you! But promise hindi ganoon ang nais ko ipaparating. I just want to show how I cared you lalo na sa mga malalapit kung empleyedo!” naumid siya sa sinabi Napapatango na lamang siya. “Sorry din po!” pero lalo siyang nasasaktan sa mga sinasabi sa kanya. “Po? “Kath ano ba?” parang hindi may-ari ng kompanya kung umasta ito sa kanyang harapan. “Sige na nga, ok na! Pwede iwan mo na ako at tapusin mo na ang ginagawa mo kanina!” “I’ll wait you on the big house sa dulo! Wear a swimming attire at maglalangoy tayo! Napapailing siya sa paanyaya nito. “Hindi ako lumalangoy sa dagat kasi!” “In swimming pool!” Go on ang get dress! > Kanina pa ako nakatanaw buhat dito sa big house ng resort pero wala pa rin ang anino ni Kathlene. Nakailang stick na ako ng sigarilyo habang naghihintay sa kanya. Minsan lang ako nagka-interes sa isang babae pero parang hahantong pa ako sa dahas na pamamaraan para makuha ng husto ang atensyon nito. Umuwi nga ako dito sa Pilipinas para umiwas kay Cheska dahil sa tingin ko nasasakal na ako pero heto ako ngayon umiba ang landas na tinatahak ko. Wala sa plano ko ang lahat na nangyayari buhat nang makalapag ako dito sa Pilipinas. Matagal ding panahon na iniwan ko ang bansang ito para mahasa ng husto ang aking sarili at mapaghandaan ang aking pagbabalik para mamahala ng sarili kung negosyo. But this d_mn woman capture my attention after road scene na muntikan ko siyang nabangga. Ipinahanap ko pa siya sa aking driver after the said encounter but hindi ko na natunton. Hanggang sa hindi ko inaasahan na sa Delmundo Garments Company ko man lang siya makikita muli at isa sa mga empleyado ng kompanya. Hindi man maganda ang una naming pagkikita pero pilit kung itinuwid ang lahat pero sobrang pihikan at walang pakialam talaga ang dalaga. Kung gaano ako kalupit sa mga babae sa Italy dito tilang hindi oobra ang makamandag kung kagwapohan. It almost 15 years simula nang ipinadala ako ni Tito Tony doon at hindi ko inisip na bumalik ng Pilipinas kahit ilang beses na ako nitong hinimok. Marami akong plano sa aking pagbabalik na ito na kailangan mabigyan ko ng katuparan. “What the heck young lady!” Kung ikaw ba naman makakakita ng Dyosa na paparating hindi ka ba magmumura. Hindi ko alam bakit sa pagtama pa lang ng mata naming may kakaiba talaga akong nararamdaman sa empleyadang ito. Kakaiba talaga siya sa mga babae na nakasalamuha ko sa kompanya ko sa maikling panahon. “Sorry natagalan ako!” si Kathlene na suot ang maikling short at sleeveless shirt. “I hated those person na hindi mahalaga ang oras, every minute is counted in business! “Bakit business mo ba ang paglalangoy dito?” wala pakundangang sagot na napatigil bigla. “Ang ibig ko sabihin Ms. Cruz mahalaga ang bawat oras kaya sa paghihintay ay nag-aaksaya lang ako sa wala! Next time be on time!” mababa ang aking tinig saka humakbang papunta sa gilid ng pool. Nalingunan ko pa siya na nakatayo lang at naestatwa at hindi gumagalaw para sumunod. “Let’s swim!” sigaw ko dito pero hindi pa rin siya natinag. Parang nag-aalinlangan na lumapit sa gilid ng swimming pool. Malamlam ang kanyang mata at litaw ang biloy sa kanyang kabilang pisngi habang nakaismid. “Maglangoy ka na lang Sir, dito lang ako babantayan kita!” ang lumabas sa bibig nito. Naiinis pa rin ako sa tuwing tawagin niya akong Sir dahil ilang beses ko na ito ipinaalala sa kanya ang pangalan ko ang kanynag gagamitin. Balisa siya sa kanyang kinatatayuan nang makita niya akong papalapit dito. “I always challenge to do my punishment every time you disobey!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD