>
Napapaatras ako sa isang sulok habang papalapit si Sir Tyron sa kinatatayuan ako.
“Sorry, Tyron!” mabilis kung binawi pero tilang nahuhuli na yata ako dahil bigla niya ako sinaklit sa beywang at siniil ng halik sa labi. Ang halik na nagpapaalala ng maaring mangyayari ito ulit kung hindi ako mag-iingat sa binibigkas ko.
“Kung paulit ulit mo itong gawin mas lalo ko itong magugustuhan. I love your lips that turn me on! So, please just call my name, Sweetie!” at kinintalan ako ng halik bago binitiwan.
Hila niya ako papunta sa gilid ng swimming pool pero napapakislot ako nang hinawakan niya ang beywang ko.
“Tyron bitiwan mo ako please nakikiliti ako sa kalikutan ng kamay mo! Tumigil ka!”
Tilang nasasayahan at naaliw pa yata sa reaksyon ko kaya ibinuhat niya ako at magkasabay kaming napabagsak sa tubig. Tumilamsik ang tubig dala ng dalawang katawan na bumagsak.
Nagpumiglas ako para makaalis sa matinding yakap niya kahit dito na kami sa tubig hindi pa rin niya ako binibitiwan. Pinatalikod niya ako at nasa pwestong likuran naman siya habang nakayakap ang kamay nito sa beywang ko paharap. Hindi ko alam ang aking gagawin at uminit bigla ang buo kung katawan kahit sobrang lamig ng tubig dito. Naramdaman ko ang pagkadikit ng balat namin at napapasandal na ako sa dibdib nito.
“Huwag mo ako dalhin sa malalim na bahagi, Tyron..natatakot ako!”
“I am here Sweetie at huwag kang mag-alala nandito lang ako hindi kita bibitiwan!
Nang nararamdaman ko ang pag-angat ng paa ko at hindi na nakapatong pa sa bottom flooring nagbigay ito ng alarma kaya nagpalambitin ako sa leeg nito.
“My God.huwag!”
“Sweetie ano ba huwag kang pumikit, maglalangoy lang tayo! Just enjoy this moment, okay!
Hindi ko alam kung ano ang epekto nito kay Tyron basta nakikita ko ang kislap sa mga mata nito at tilang nang-aakit sa akin. Nakasaklit na ang mga paa ko sa beywang niya habang ang dalawa kung kamay ay sa kanyang leeg nakayakap.
“Kung alam ko lang na sa ganitong paraan pala kita mayakap, e di sana ginawa ko na ito kaagad!” at bumaba ang labi nito at pinagsaluhan namin ang halik. Mapanghanap, sinispsip nito ang aking labi at tilang lollipop kung paulit ulit na gawin.
Nang bumaba ang kamay ng lalaki sa kanyang p_wetan at hinimas ito kaagad naman na ako naalarma. Mabilis ko siyang naitulak at nawalan ito ng panimbang at kapwa kami nagkahiwalay sa tubig. Kaagad akong lumangoy at sumampa sa gilid ng pool.
Nabitin ko yata ang mokong dahil kitang kita kung paano umarko ang kilay nito at umiba ang timpla ng kanyang mukha.
“Bakit hindi mo ba nagugustuhan akala ko ba okay lang para sayo ang ginagawa natin!” matapang nitong sabi. Naiinis ako bigla sa kanyang tinuran parang inapaparamdam niya na kayang kaya niya ako akitin sa mga halik at yakap nito.
Kaagad akong umahon at nagmadaling tumalikod dito. Hiyang hiya naman tuloy ako dahil kusa naman akong napapasunod nito sa mga nais niyang gawin.
“Hep! Saan ka pupunta young lady!” may seryoso ang tinig nito na tilang galit na may pagpipigil.
“Babalik na sa cottage namin at sorry Sir Tyron kung napanglimot ako saglit pero hindi ako ang babaeng kaya mong mapapasunod sa gusto mo! Sorry!” inis ako sa aking sarili sa mga nangyayari. Dinig ko pa ang malakas niyang boses na pinipigilan ako pero kailangan kung makalayo dito dahil hiyang hiya ako sa aking sarili. Hindi ako ganito sa mga lalaking nakasalamuha ko. Sobrang ilap ako lalo na sa mga alam kung may balak manligaw pa lang pero heto ako ngayon nagpaubaya ako mahalikan na wala man lang assurance.
“Umalis ka at I warn you..bukas wala ka nang trabaho!” galit na boses ng lalaki.
Galit ko siyang hinarap. “E di gawin mo!” at nagmartsang tinalikuran ito. Hindi naman yata tama na gaganito na lang. Kung hindi masusunod ang gusto nito magdedesisyo na lamang na hindi nag-iisip.
Alam ko na mahirap maghanap ng trabaho ngayon at dito kami umaasang mag-ina pero hindi ko naman kayanin na paglalaruan lang ako ni Tyron. Paano ka maniniwala na in the first place you don’t even know his background lalo na ang personal life nito.
Nakapameywang si Mariz na sumalubong sa akin.
“Hoy bruha bakit hindi ka man lang nagpasabi kung saan ko pumunta! Kung hindi ka pa nakita ni Richard saka ko pa nalaman sa kanya!” nagatataka ang mukha nito sa pagkalapit ko. May luha pa ang mga mata ko habang papasok sa cottage namin.
“Anong nangyari sa’yo, umiyak ka ba?”
Napapasigok tuloy ako kanina ko pa ito pinipigilan. “Sir Tyron fired me!
“What? Maniniwala ako sa’yo?
“Nagkasagutan kami at sinuway ko siya!”
“Bakit hindi ka ba humingi ng sorry or kinausap siya para rito.
Umiling na lamang ako. Paano ko maikwento dito ang totoong dahilan ng desisyon ng lalaki. Nakakahiya naman na banggitin ko pa sa kanya.
“Gusto mo kakausapin ko si Sir Tyron para sa’yo! Hindi naman yata tama ang ginawa niya!
“Hayaan mo na, mabuti na rin iyon para maiiwasan ko na siya ng tuluyan. Wala akong tiwala sa sarili ko pag lalo pang tumatagal baka mahulog na ako sa boss natin!
Napapangiti si Mariz sa aking tinuran. “Si pikutin mo na lang kaya!” pabirong sabi.
Pangatlong araw na ngayon at halos lahat na mga empleyado ay abala na sa ka-kaswimming dahil kinahapunan naka-schedule na ang kanilang pag-uwi.
“Kathlene hinahanap ka ni Sir Tyron sa amin, bakit ba kasi nagkukulong ka dito sa loob ng cottage kahit pagkain mo nagpapahatid ka pa sa akin! Natatakot ka bang makita niya?
“Umiiwas lang ako sa gulo Mar, mahirap na magkasalubong ang landas namin diyan sa dalampasigan at masisigawan pa niya, mabuti na nga ‘yong nag-iingat. “At saka nagliligpit na ako ng gamit ko ng mas maaga para mabilisan lang mamaya!”
“Ewan ko sa’yo!
Narinig kung may kausap si Mariz sa labas kaya napapadungaw ako.
“Kath halika pasyal muna tayo!” si Richard pala ang nasa labas.
“Kayo na lang, isama mo sila Mariz at Ronald!
“Apat nga tayo ang aalis kaya mag-ayos ka na!” utos ng kaibigan.
Sa isang bilihan sila ng mga souvenirs pumunta. Kaya tuloy napapabili na rin siya ng pasalubong sa kanyang ina. Tatlong araw din siyang hindi napapatawag dito.
“Ako na ang magdadala ng mga pinamili ko Kath!” presenta ni Richard habang inaalalayan niya ako sa siko. Mabait ito sa akin pero wala talaga akong nararamdaman para sa kanya kaya hindi na nagpumilit pa na maipahayag ang kanyang damdamin.
Isang nakapameywang at wala sa modo na boss namin ang nakatayo sa tabi ng bangka. Nagkasalubong ang kilay habang nakatingin sa aming apat na papasok sa loob ng resort.
“Kathlene May Cruz saan ka galing?” parang bata kung tanungin ako nito.
“Sir Tyron namasyal lang po kami at bumili ng pasalubong!” si Mariz ang sumagot.
“Hindi ikaw kinakausap ko, si Kath!” inis ang tinig at nakatingin pa sa kamay ni Richard na nakahawak sa aking siko. “Mauna na kayo, we will talk first Kathlene!