Chapter 15 CLARISSE’S POV “Good afternoon, Mam Clarisse,” bati na lang sa akin ng katulong ng makababa na ako. “Hinihintay kana po ni Sir Travis sa dining, para maka kain ng tanghalian.” Ang tinig niya na lang ang mag bigay takot sa aking puso at humigpit ang pag kakahawak ko sa strap ng bag na naka sabit sa aking balikat. Ha? Nandito si Travis? Akala ko kanina pa siya umalis? “Sige ho.” Alangan ko na lang na sagot at, isang matamis na ngiti ang sinagot niya sa akin. Kina kilos ko naman ang sarili ko patungo sa dining area, habang tinatahak ko ang aking daan, palakas nang palakas na ang kalabog ng aking dibdib at hindi na maitago na naman ang takot sa aking puso lalo’t makikita ko si Travis muli. Bumalik na naman ang sariwang ala-ala na ginawa niya sa akin kagabi na nahuli niya ako

