Chapter 16 CLARISSE'S POV Kanina pa malalim ang aking iniisip, tulala na naka pako na lang ang tingin sa labas ng bintana. Pinapanuod ko na lang ang nag tataasan na mga puno na aming madaanan na, nilamon na rin ng kadiliman ang paligid. Napa hawak na lang ako sa aking dibdib, bahagyang kumirot na biglang maalala ang pangyayari kanina. Pangyayari na makita ko si Luke na kasama si Betina. Pangyayari malala ko, kong paano niya ito halikan na mag pabigat pa lalo ng aking nararamdaman. Wala na ba talagang pag asa sa atin, Luke? Hindi mo na ba talaga ako mahal? Pilit ko man na hindi maapektuhan at masaktan sa mga nakita ko kanina pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko kaya na makita siyang masaya sa piling ng iba. Hindi ko matanggap na wala na talaga akong puwang sa puso niya. Uminit na

