CHAPTER 48 CLARISSE’S POV Nagising na lang ako na walang dahilan, bahagya akong uminggos sa pag kakahiga at dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Una kaagad sumalubong sa akin ang katahimikan ng silid, pumapasok rin sa loob ng kwarto ang sinag ng araw na alam kong late na. Sandali, anong oras na ba? Kusot-mata na bumangon at umupo ako sa malambot na kama, doon ko lang napagtanto na ako na lang pala ang mag isa sa silid. Lumingon ako sa wall clock at pasado alas nuwebe pa lang ng umaga, nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kwarto at hindi ko nakita ang anumang presinsiya ni Travis sa loob. Sinapo ko na lang ang aking mukha sabay pakawala ng malalim na buntong-hininga na tinanghali na ako ng gising. Inayos ko na lang ang medyo magulo kong buhok at binaba ko na ang aking paa

