CLARISE’S POV Malalim na ang gabi, pasado alas dyes pasado na kami ni Travis na umalis sa Birthday Party ng kaibigan niyang si Reynard. Mag katabi na kami ngayon ni Travis na naka-upo sa driver seat ng sasakyan, walang imik at hindi nag kikibuan dala na siguro ng pagod at puyat. Bahagya ko na lang sinilip si Travis sa tabi ko, napaka seryoso na naka tuon lamang ang atensyon niya sa pag mamaneho. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag mamasid sa paligid, hindi pa rin maalis sa aking isipan ang huling katagang binitawan ni Damian kanina na hindi maalis sa isipan ko. “Habang maaga pa, umalis kana kung ayaw mo lang umiyak sa bandang huli.” “Kong ako sa’yo, sumunod kana lang sa akin,” Iyan ang huling katagang binitawan niya bago siya nag lakad paalis na mag bigay pangamba sa aking di

