27 CLARISSE’S POV Napa hawak na lang ako ng mahigpit sa bag ko na ngayon puno ng talim ang pinukulan na titig sa akin ni Betina. Ano na naman ba ang problema ng babaeng ito? Kumalma ka lang Clarisse. Diba, kukunin mo ang notebook mo na naiwan sa Cafeteria? Iyon lang ang iyong gagawin at huwag mo ng pansinin pa ang Betina na iyan. Tama, ganun nga. Iiwasan mo na lang siya para sa ganun, tahimik at payapa ang lahat. Pag papasunod ko na lang sa isipan ko, dahil wala naman akong panahon para sa isang kagaya niya. Iniling ko na lang ang aking ulo at sa kahit anong mangyayari, pinutol ko na ang eye contact naming dalawa pero naroon pa rin ang nakaka matay na pag titig nito sa akin. Hinakbang ko na ang paa ko, padaan sa gilid niya para maka alis na subalit bago pa ako tuluyang maka lampa

