Chapter 44 CLARISSE’S POV Pasado alas dos ng hapon, nang matapos ang simpleng event na naganap kasama ang mga bata at, nilibot kami ni Sister Rose sa buong facilidad at paligid. Pinakilala rin sa amin ni Sister bawat bata na naroon at kahit na rin ang mga kasamahan niya sa Orphanage na tumulong para maging matagumpay ang event sa araw na iyon. Sa ilang oras naming pananatili doon ni Travis sa Orphanage, nag enjoy talaga ako nang lubusan lalong-lalo na rin makipag laro at kwentuhan sa mga bata. Naikwento rin sa akin ni Sister ang bawat kwento ng batang naroon sa Orphanage, ilan sa kanila wala ng mga magulang, naglayas, wala nang mapuntahan at iniwan ng kanilang mga magulang. Nang marinig ko ang bawat kwento ng batang naroon ni Sister Rose, hindi ko maiwasan na malungkot dahil ilan sa k

