43 CLARISSE’S POV Napa-ingos na lang ako sa pag kakahiga sa malambot na kama, inaantok na minulat ko ang aking mga mata. Bahagya akong napa-pikit ng mata na masilaw ako ng liwanag na nagmula sa araw. Sandali, anong oras na ba? Kinapa ko ang kaliwang bahagi ng kama at wala na ako roon na mahawakan, doon ko napagtanto na ako na lang ang nag iisa naka-higa sa kama kaya kinuha ko na ang cellphone at napag alaman na pasado alas syete na pala ng umaga. Dahan-dahan na akong umupo, hindi alintana ang medyo magulo kong buhok bahagya at hindi saayos na itsura. Napa tigil na lamang ako na maramdaman kong hindi pala ako nag iisa sa kwarto na iyon, kundi may kasama ako. Nakita ko na lamang si Travis, naka tayo sa harapan ng wardrobe at pumipili ng kasuotan. Bagong ligo lamang siya dahil medyo ba

