CHAPTER 1. SHE HATE'S HER DAD

1069 Words
"Miss, hindi po talaga gumagana ang ATM card niyo. Ginawa na po namin ang lahat pero denied talaga," sabi ng kahera sa akin. "What?! Hindi pwedeng ma-denied ang ATM ko, ginamit ko pa iyan kahapon okay naman. Baka sira 'yung machine niyo icheck niyo!" pasigaw kong sabi sa babae. Nakakainis kasi kanina pa ako naghihintay dito at nakatayo bitbit ang aking mga napiling damit na gusto kong bilhin. Nangangawit na ang aking mga paa sa kahihintay. "Wala po talaga Miss, wala na po kaming magagawa dito. Tsaka po masyado na po kayong nakaabala sa amin marami pa pong nakapila," sabi pa ng kahera sa akin. "So, kasalanan ko pa ngayon?!" Itinapon ko ang mga dala-dala kong damit sa sahig. "Ilang taon kana bang kahera dito?!" galit kong tanong sa kanya. "Three years na po and never pa po akong naka encounter ng katulad mong costumer Miss, hindi ko na po kasalanan at mas lalong hindi kasalanan ng machine namin kung bakit ayaw gumana ng ATM card niyo," mataray nitong sabi. Talagang sinasagad niya ako ha. Nilapitan ko siya at itulak paalis sa kanyang pwesto. Sinubukan kong e swipe ang aking ATM card pero denied ang lumalabas. Hindi ko lang isang beses sinubukan, maraming beses pero wala talaga. Napahawak nalang ako sa aking buhok. "s**t!" malakas kong mura sa harap ng maraming tao. Nakikita ko silang nagbulung-bulungan at iyong iba naman pinagtatawanan ako. "What's funny, huh?!" sabi ko sabay irap sa kanilang lahat. "Miss, pakiusap huwag niyo na po itong patagalin. Marami pa po ang naghihintay masayado niyo na pong inaabuso ang trabaho ko!" sabi ng babaeng kahera sa akin. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Poor!" Sabay lakad ko paalis. Lumabas ako ng Mall na kahit isang bagay ay wala akong dala dahil wala akong pambayad. Hinanap ko ang aking sasakyan na Lamborghini sa parking lot, syempre nakita ko kaagad. Sa kulay palang nitong makintab na kulay pula nakaagaw ang atensyon na. Ang papangit ng mga sasakyan dito e mga mura lang hindi kagaya sa akin bilyones ang winaldas kong pera para lang mabili ko ang sasakyan na matagal ko ng pinangarap. Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko at pinaharurot pauwi sa aming bahay. Pagdating ko sa bahay ay sinalubong kaagad ako ng mga yaya namin. "Magandang araw Senyorita!" bati sa akin ni Yaya Mining. "Where's Mom and Dad?!" mataray kong tanong. "Doon po sa may garden Senyorita," sabi ni yaya Mining. Hindi na ako sumagot at binilisan ang aking lakad papunta sa kinaroroonan ng mga magulang ko. Nauna kong nakita si Mommy na dinidiligan ang mga halaman niya. Kapag ganitong mga hapon palagi talaga itong ginagawa ni Mommy kumbaga daily routine na niya ito na nagdidilig sa ganitong oras. "Mom, what happened to my ATM card? Why isn't working? Don't tell me na may kinalaman kayo dito?!" sabi ko sabay pakita ng ATM ko sa kanya. "Elize, i'm really sorry hija. Masyado ng maraming pera ang nawaldas mo para lang sa luho mo!" sabi ni Mommy sa akin. "So hindi nga ako nagkakamali? My God, paano na ako mabuhay nito kung wala akong sariling pera?!" sabi ko sabay pabagsak na umupo sa may upuan. "Bakit Elize? Hindi ka naman ginugutuman kahit wala kang pera ah. Dapat lang iyan sa iyo para matuto kang magtipid! Masyado mo na kaming inaabuso ng Mommy mo, hindi mo ba alam dugo at pawis ang pinuhunan namin para lang makakita ng pera na pangtustos sa pag-aaral mo?!" galit na sabi sa akin ni Daddy. "Ano naman ngayon? Sanay na ako sa ganitong buhay na nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. And besides, mayaman naman tayo bakit ka namomroblema sa pera kung mauubos ko? Marami ang sale natin ngayon Dad. Sa katunayan nga number 1 tayo sa Pilipinan na may pinaka maraming sales!" sabi ko naman sa kanya. Mayroon kaming mga negosyo at kompanya and our company known as Virie Company Corporation. "And what kung marami tayong sale? Iwawaldas mo nalang ang pera na para sana sa future mo? Paano ka nalang kung mawala kami Elize? Makakatulong ba ang mga kaibigan mong iyan sa iyo? Pinapaaral ka namin sa maayos na paaralan pero mas ginusto mong sa bar manirahan! Anong klaseng bata ka? Hindi kana naawa sa amin ng Mommy mo?!" galit na galit nitong sabi. Tinakpan ko ang aking tenga, nakakabingi ang ingay ng bunganga ni Daddy. Daig niya pa si Mommy kung sumermon sa akin. "Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa iyo, anak!" dagdag pa nito. Hindi muna ako sumagot. Hinayaan ko lang siya na magsalita. Ang dami-dami niyang sinasabi which is wala naman akong pakialam sa mga pinagsasabi niya. Ang concern ko lang ay ang ATM card ko dahil hindi pweding mapahiya ako sa mga kaibigan ko. "Ginawa namin ang lahat para sa iyo Elize tapos ito ang igaganti mo sa amin? Puros perwisyo at never mo kaming binigyan ng peace of mind!" sigaw pa ni Daddy. Biglang uminit lalo ang ulo ko sa sinabi niya. Hindi ko na itatanggi, may sama ng loob ako sa mga magulang ko. "Oh! Really? Ginawa niyo ang lahat para sa akin? Kaya pala noong na boost na may kabit ka puro kahihiyan din ang at perwisyo ang binigay mo sa amin ni Mommy!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sagutin pa si Daddy. Napatigil si Dad. Nagtinginan silang dalawa ni Mommy dahil sa sinabi ko. “Huwag na huwag ming gagamitin ang pagkakamali ko para matakpan ang ginagawa mong kagagahan!” si Daddy. “So, pag ako ang nagkakamali bawal? Pero kapag ikaw, okay lang dahil palagi mong sinasabi na ikaw naman ang bumubuhay sa Pamilya. You hurt my Mom so much nang dahil sa ginawa mo at mas lalo mo akong sinaktan ng malaman ko na may anak kapa sa iba!” Sa tuwing maalala ko ang nakaraan na ginawa sa amin ni Daddy ay sobrang nanggagalaiti ako sa galit. “Enough, Elize kakausapin ko nalang ang Daddy mo!” sagot naman ni Mommy. “Mom, bakit ka ganyan? Bakit hinahayaan mo lang na may babae si Daddy? Wala ka na ba talagang respetong natitira sa sarili mo? He’s not worth it to you, he don’t deserved you! Palagi kalang niyang sinasaktan mentally,” sabi ko naman kay Mommy. "Tais-toi, Elize!" (Shut up, Elize!)) Napatiimbagang ako. "Pinagsisihan ko na kayo ang naging magulang ko!" sigaw ko sa kanila at patakbong umalis sa kanilang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD