"Babe, bakit kailangan na dito pa tayo magdinner sa hotel na 'to? Talagang pinasarado mo ang lahat para lang na hindi tayo makita ng mga tao. Hindi ba ang sabi mo sa akin ay hindi mo na ako itatago?!" nakakunot-noong tanong ni Elize sa kanyang kasintahan na si Dylan.
Kanina pa ni Elize napapansin na hindi ito mapakali at panay tingin niya sa paligid. Hinayaan niya nalang ito dahil baka nagmamasid lang ito sa mga tao na maaring makakita sa kanipa. Hindi na naman ito bago kay Elize since she know na naman na isang sikat na modelo ang kanyang boyfriend.
"Hey,are you okay?!" tanong ulit ni Elize sa kanya.
"Y-yeah i'm fine Elize. Kumain na tayo," sagot lang ni Dylan.
"Paano tayo kakain eh hindi pa nga tayo nakapag-order?!" Tumawa si Elize. "Alam mo ba na may suprise ako sa'yo ngayon? I have something to tell you," masayang balita ni Elize sa kanya.
Wala manlang makita si Elize na ekspresyon sa mukha ni Dylan. Seryoso lang ito at hindi makatingin sa kanya ng deretso. Hindi rin alam ni Elize kung bakit biglang naging cold sa kanya ang binata. Ramdam iyon ni Elize pero nag-aadjust lang siya kay Dylan, dahil sobrang mahal niya ito. She can't live without him at baka ikamatay pa niya kapag malaman nitong may ibang babae ang kanyang boyfriend. Yes, may iniisip ni Elize na may ibang babae si Dylan dahil biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya.
"Let me in!" Isang malakas na sigaw ng babae ang kanilang narinig habang nakaupo sa harap ng mesa.
Napatayo kaagad si Dylan na tila ba kinakabahan.
"We're so sorry Ma'am but this place is already rented. Hindi kayo maaring makapasok!" ani ng isang security guard sa babae.
"Really? I'm his wife kaya papasukin niyo ako!" matapang na sagot naman ng babaeng iyon sabay bangga sa isang security.
Nilapitan niya sina Dylan at Elize. Napakunot ang noo ni Elize habang nakatingin sa babaeng padabog na lumalakad papalapit sa kanila. Si Dylan naman ay napahilamos ng kamay sa kanyang mukha.
"Ito pala ang sinasabi mong emergency sa Company?!" Sinampal nito si Dylan ng malakas.
"How dare you to slap my man?!" galit na saway ni Elize sa kanya.
"How dare you too to flirt with my husband?!" Sinampal din siya ng babae.
"Your man?!" Tila hindi makapaniwala si Elize sa kanyang narinig mula sa babaeng iyon. "Dylan, what she's talking about?! Do you know her?!" galit na tanong ni Elize kay Dylan.
Umiwas si Dylan ng tingin Kay Elize.
Sumabat naman ang babaeng iyon. "Bakit ikaw? Sino kaba?!" ani ng babae.
"I'm his fiancee!" saad ni Elize.
Biglang tumawa ang babae ng napaka lakas. Itinaas nito ang kanyang kanang kamay at pinakita ang singsing na suot niya. "I'm his wife! Ang lalaking nilalandi mo ay may asawa na at huwag kang umasa na papakasalan ka niya dahil his already married with me!" ani ng babae. "I am Mrs. Barbara Segura Abawi, his wife!" Malakas na sigaw ng babae sa tenga ni Elize.