Chapter 7

1288 Words
ATASHA Kinaumagahan ay nagising akong wala na sa tabi ko si Daddy Adonis na para bang panaginip lang ang lahat ng nagdaang gabi. Nag-ayos ako ng aking sarili. Naligo at nagbihis ng komportableng damit. Nag mini dress lang ako dahil mainit sa Mansyon ng araw na iyon. Tirik na tirik ang araw sa labas. Pagbaba ko ay nasa hapag kainan na si mommy at daddy Adonis, nginitian niya ako ngunit nahihiya ako kung kaya't napayuko ako. “Oh, Atasha, gising ka na pala, halika at saluhan mo na kaming mag breakfast.” pag-aaya ni mommy kung kaya't nilapitan ko na sila at naupo. “Nakatulog ka naman ba ng mahimbing, Atasha?” tanong sa akin ni mommy na nakataas pa ang kilay sa akin. “Uhm, O-opo mommy…” “Aba, dapat lang, buhay prinsesa ka na ngayon at hindi mo na kailangang magtrabaho pa. Dapat pinag-iisipan mo na rin kung anong balak mo sa buhay mo. Alalahanin mo, hindi ka pwedeng manatili sa poder ko habangbuhay.” “Cynthia, bakit ganyan ka naman magsalita sa anak mo?” “Eh kasi Hon, totoo lang ang sinasabi ko, alam mo naman…” saad ni mommy at hinawakan ang kamay ni Daddy Adonis. Napatingin ako doon at napatingin naman sa akin si Daddy Adonis. “Masaya akong nandito sa atin si Atasha, well, nagulat ako na may anak ka pala pero noong nalaman ko, bukal naman sa kalooban ko na tanggapin siya ng buong-buo.” saad niya pa habang nakatingin sa akin. Ang mga tingin na animo'y gusto niyang na naman akong angkinin. That powerful dominant glare. “Gusto ko lang naman magkaroon siya ng priorities sa buhay at plano, diba?” “Hm, sabagay, what do you want to do, Princess?” tanong sa akin ni Daddy Adonis. “Uhm, gusto ko po sanang ituloy ang pag-aaral ko ng foreign service.” saad ko dahil iyon naman talaga ang orihinal kong plano. Ang makapagtapos ng pag-aaral ngunit nang mamatay ang tunay kong ama ay tila nabaon ko na iyon sa limot. “Hindi ba’t parang sinasayang mo lang ang oras mo dyan, Anak? kaya nga kita pinahinto eh, pwede ka naman magbukas nalang ng negosyo.” saad ni mommy, palagi siyang ganyan, palagi niya akong dini-discourage mag-aral siguro dahil graduate siya ng political science ngunit hindi niya naman napakinabangan ang kursong tinapos niya dahil maaga siyang nabuntis sa akin at naging mabuting asawa nalang kay daddy noon. Ngunit hindi ko akalain na ang pagiging mabuti niya ay may hangganan din. Nagbago ang lahat dahil sa pagkawala ni daddy. Nalulong siya sa sugal, sa alak at lalaki at tila hindi ko na siya kilala. “Cynthia, kung iyon ang gusto ng anak mo, wag mo ng pakialaman.” sabat naman ni Daddy Adonis na talagang pumapanig sa akin at ipinagtatanggol ako. “After all, she deserves it.” dagdag pa nito na humagod ng tingin sa aking katawan. Napatingin ako kay mommy ngunit hindi niya napapansin ang mga ginagawa ni Daddy Adonis. Mga lihim na titig, mga lihim na pag-aasam ng uhaw na uhaw niyang laman para sa akin. “Hay naku, walang pera dyan sa nursing, nursing na yan! pinapahirapan mo lang sarili mo dyan, tss!” saad ni mommy. “Don’t listen to your mom, Atasha, kung gusto mo mag-aral, sige. Pag-aaralin kita.” “S-salamat po, Daddy Adonis.” halos mautal na sambit ko. “Tatawagan ko yung kakilala kong professor sa university. Isang exclusive school iyon, doon din ako nagtapos ng pag-aaral para makapag enro–” pinutol ko ang mga sasabihin niya. “Naku, kahit sa public school lang po, okay na po sa akin iyon, wag na po exclusive school.” saad ko dahil alam kong mahal ang tuition fee lalo na’t exclusive school. “Wag kang mag-alala Atasha, akong bahala sayo, okay?” saad niya na ngayon ay ngumiti, nangingislap ang kanyang mga mata sa tuwa. “Hay naku, bahala nga kayong dalawa basta Honey ah, yung pang salon ko huh saka pang shopping, alam mo naman…” “Sure Honey, anything for you. Sasamahan ko rin naman kayo ngayon, nakahanap ako ng free time eh,” saad naman ni daddy Adonis kay mommy. Kinilig naman si mommy na parang teenager. Yan talaga ang nakakapagpasaya sa kanya– shopping, salon at pera. Madalas kaming mapagkamalang magkapatid lang dahil maganda pa rin si mommy kahit may katandaan na. “You can tag along with me and your mom too, Atasha, bilhin mo lang kahit anong gusto mo, I’ll pay…” saad ni daddy Adonis na kinagat ang ibabang labi. Those eyes are full of lust for me. Kanina niya pa ako tinitignan ng ganon ngunit hindi ako makalaban. Gusto ko ang mga titig niya at kung paano mangusap sa akin ang kanyang mga mata. “Oh, narinig mo iyon?! kaya pagkatapos nitong breakfast natin ay magbihis ka na para makapag-shopping na tayo!” saad naman sa akin ni mommy at ngumiti. Hindi ko na alam talaga ang ugali nito ni mommy. Simula nang mamatay ang daddy ko ay nag-iba na siya. Minsan ay kaaway at minsan naman ay kasundo ko siya pero hindi pa rin basta-basta mawawala ng ganon nalang ang sakit na idinulot niya sa akin simula ng ibugaw niya ako at gawing hanapbuhay. Gaya ng sinabi ni mommy, nang matapos kaming mag-almusal ay nagbihis na ako. Ayoko sanang sumama dahil nahihiya ako kay Daddy Adonis ngunit wala rin naman akong gagawin dito sa bahay kung kaya’t sumama nalang ako. “Atasha! Bilisan mo nga, ang tagal-tagal mo!” sigaw ni mommy kung kaya’t napatakbo na ako papalapit sa kanya. “Sumakay ka na, bilis!” utos niya na kaagad ko namang sinunod at sumakay sa backseat. Sinara na kaagad ni mommy ang pinto ng kotse ngunit maya-maya ay nagulat ako nang biglang buksan iyon ni Daddy Adonis. Hinagod niya ako ng nakaka-akit na tingin at saka kinintalan ng halik. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, nagpanic ako at pilit na nagpumiglas dahil alam kong nasa labas lang si mommy at baka makita kami ngunit binitawan niya lang ang labi ko nang buksan ni mommy ang pinto ng kotse sa harap upang makapasok siya. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil akala ko ay mahuhuli kami ni mommy. Kinabahan talaga ako kay Daddy Adonis ngunit nginitian niya lang ako at sinara na ang pinto ng kotse sa backseat at saka siya lumipat sa driver's seat. Natataranta kong inilabas ang face powder at lipstick ko upang ayusin ang lipstick ko dahil alam kong nagulo iyon dahil nakita ko ang marka ng lipstick ko sa labi ni Daddy Adonis. Napatingin siya sa salamin sa harap at pinunasan ang bibig niya na nalagyan ng lipstick ko. Bright red pa naman ang lipstick ko at pagtingin ko sa salamin ng face powder ko ay kumalat nga iyon kung kaya’t kaagad kong inayos at binura ang mga lumampas na lipstick sa labi ko. Muli kong inayos ang lipstick ko at naglagay ulit ngunit sinaway ako bigla ni mommy. “Atasha! Seriously?! Bakit ganyan ang make up mo?! Palitan mo nga ‘yang lipstick mo! Pokpok ka ba?! Pulang-pula yang labi mo! Palitan mo yan! Hindi ka magtatrabaho sa club ngayon, mamamasyal lang tayo! Eksaherada ka!” Napansin ko naman na napa-kunot ang noo ni Daddy Adonis sa narinig niya kay mommy nang mapatingin ako sa maliit na salamin sa harap na para bang nagagalit siya sa inaasal ni mommy sa akin. Kaagad akong binigyan ni mommy ng wet wipes at pinahiram sa akin ang nude lipstick niya para iyon nalang ang ilagay ko sa labi ko. Kinuha ko nalang iyon at ginamit dahil ano bang silbi ng pakikipagtalo sa taong gusto palagi ay tama siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD