Chapter 8

1365 Words

ATASHA Nang makarating kami sa Mall ay kaagad akong hinila ni mommy sa napaka-sosyal na boutique shop. Napakaganda doon at puro mamahalin ang mga damit. Napatingin ako sa isang black mini tube cocktail dress at tinignan ang price tag. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita ko kung magkano iyon; nagkakahalaga lang naman ng twenty five thousand pesos. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang hihimatayin ako sa mahal ng damit na iyon. Napalingon naman ako kay mommy na excited habang nagsusukat ng mga mamahaling damit. Ito talaga ang gusto niya, sosyal na mga gamit at damit at walang pakialam kung magkano ang damit na ngayon ay suot-suot at nakangiti habang nakatingin sa malaking salamin. “Do you like this, Princess?” napalingon ako sa nagsalita at pagtingin ko ay si Daddy Adonis.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD