ATASHA Tinupad nga ni daddy Adonis ang pangako niya na susunduin niya ako pagkatapos ng school ko. Palagi kong last subject si Sir Wade kaya nang dumungaw siya ay napangiti si Sir Wade at naki-seat-in dahil hindi pa tapos ang lecture. Sandali pang nagsalita si Sir Wade na tinatapos na lang ang kanyang lecture dahil mag-gagabi na rin. “And that’s all for today, class! Have a nice weekend everyone!” “Thank you, Sir Dela Vega!” sabay-sabay na pagbigkas ng mga kaklase ko, napansin ko naman si Rosenda na kaagad ng umalis siguro ay busy siya sa bar niya. Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan siya palayo. Gusto ko rin ng sarili kong negosyo at pinagkakaabalahan habang nag-aaral pero… ano namang ine-negosyo ko? Wala akong maisip at saka sobra-sobra ang ibinibigay sa akin na

