ADONIS Noong umaga din na iyon na pumunta ako kay Siobeh ay nag-aayos naman ang mga tao ko sa Mansyon para sa gaganaping kasal namin ni Cynthia. Gusto ko pa sanang matulog ngunit wala ng oras. Nagdire-diretso akong nagbihis at tumindig sa harap ng altar. Napakaganda ni Cynthia ng mga oras na iyon habang nakasuot ng puting wedding gown. Bigla ko ring naisip sandali ang isang masayang pamilya kasama siya sa hinaharap ngunit lahat ng mga pangarap ko ay gumuho ulit at nang ipakilala niya sa akin si Atasha na anak niya. Para bang pinukpok ako ng babasaging bote sa ulo ng mga oras na iyon ngunit hindi ko pinahalata. Gumuho hindi dahil kay Atasha, gumuho dahil nagpakasal ako sa nanay niya ngunit hindi ko napigilan ang sarili ko. Hinanap ko siya at nakipagtalik ulit sa kanya upang malaman

