ADONIS Dinala ko si Atasha sa beach ng gumabi. Ayoko pa kasing umuwi dahil makikita ko lang doon si Cynthia. Hindi ko na talaga alam kung anong relasyon ang meron kami. Siya ang pinaka walang kwentang taong nakilala ko. Ni-hindi nga kami hinahanap ni Atasha. Chat, text o tawag man lang, wala. Wala siyang pakialam sa aming dalawa. “Daddy, anong nasa isip mo?” tanong sa akin ni Atasha. Nasa dalampasigan kami ngayon at nakayakap ako sa kanya mula sa likod habang nakaupo kami sa buhanginan at pinagmamasdan ang kalmadong dagat. “Marami. Eh ikaw? anong nasa isip mo?” ibinalik ko ang tanong ko sa kanya. “Hmm, iniisip ko kung paanong ang isang successful, mayaman, gwapo at gentleman na kagaya ni Daddy Adonis ay pinakasalan ang nanay ko ngunit may gusto siya sa akin ngayon.” saad niya

