[Three]
I told myself to hope. In fact, from the day I realized that I have been falling in love with my very own befriend, my heart started to hope. And I know deep within me that I will continue hoping. Hanggat patuloy na tumitibok ang puso ko sa kanya, patuloy akong aasa kahit wala naman talagang kasiguraduhang sa dulo may ako at siya.
It's been two weeks since the scene in my room happened. I thought he was going to ask me if I like him, gladly, he didn't, at the same time, I was so disappointed. Dahil akala ko may sasabihin pa siya matapos no'n. But after it, we only keep staring each other, before he focuses himself in proofreading my paper.
Maybe I misjudge his gestures last time. Dahil sa pagkagusto ko sa kanya mismo ay nakalimutan kong gano'n naman na pala siya dati. He's touchy, and clingy as a friend. Nag-overthink lang ako last time.
It's a shame that I was thinking that there might be a meaning of his gestures last time, but then I know deep within me that those are just friendly gestures. Masyado ko lang talagang pinapaasa ang sarili ko.
"Marie!"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng boses na umalingaw-ngaw sa bahay namin. Hindi ko na kailangang hagilapin pa kung kaninong boses iyon, I know it's Jared.
Gabi na ngayon at nandito pa rin siya sa bahay namin. Nag-iinuman kasi sila kasama ng iba kong pinsang lalaki. Birthday kasi ng kapatid kong si kuya Miko kaya nagkayayaan sila. Ayaw ni kuya ng handaan, kaya ang request niya ay isang inuman.
Lumapit si Jared sa akin at saka naupo katabi ko sa mahabang sofa. Napatingin naman sa gawi namin sina Macy Jane at ate Karyl. Nakataas pa ang kilay ni Macy Jane, habang si Ate Karyl ay nanunuyang nakangiti sa akin nang umakbay bigla si Jared sa akin.
Hinila niya pa ang balikat ko palapit sa kanya at pinatong ang ulo ko sa balikat niya, pagkatapos ay marahan niyang ibinaba sa baywang ko ang kamay niyang iniakbay sa akin.
I stilled. My heart started to race again.
"Masyado kang nanggugulat, Kuya Jared. Take it slowly," that's Macy Jane talking.
Hindi ko na matingnan nang maayos ang palabas sa TV dahil abala ang sarili ko sa pagpapakalma sa puso ko.
I took a sigh. This is just a friendly, gesture.
Hinayaan ko na lang ang sarili ko na humilig sa kanya. It's comfortable naman kasi. Ang bango niya pa. But my heart is really in chaos!
"Asus! Akala ko kung saan na nagpunta si Jared. Nandito lang pala. Hindi rin nakatiis!"
Is that Kuya Francois?
May narinig akong mga yabag mula sa hagdanan kaya napabaling ang gawi ko rito.
Oh. The boys are now taking their way downstairs. Bitbit pa nila ang mga beer na hindi nila naubos. Sinundan ko sila ng tingin. Akala ko lalabas sila ng bahay but they stopped here in the sala.
"Dito na lang kami, ha?" that's Kuya Miko.
Ngumiti ako sa kanya. "No problem, Kuya," sabi ko habang halos akap pa rin ako ni Jared.
Meanwhile, my cousin Francois sneaks some glances at us. Nakita ko pa siyang napangisi.
"Marie, shot!" sabay abot ni Juros sa akin ng baso. Aabutin ko na sana pero may kamay na umabot dito at siyang tumungga nito.
I glared Jared. "That's mine."
He fired me with the same glare, tapos binalingan niya si Juros. "Let's not include the girls, Juros. Baka malasing." Sabay balik ng baso.
Juros barks a laughter. "Tsk. Kaya nga umiinom para malasing. Marie is so stress in school, she needs to relax. Minsan lang naman." Nilagyan niyang muli ang baso at inabot muli sa akin.
Nagmadali naman akong tumayo para abutin ito and when I was about to sit again ay hinila na lang bigla ni Jared ang baywang ko paupo sabay pulupot ng isang braso niya sa akin. Muntik pang matapon ang laman ng baso dahil sa ginawa niya.
Pilit niyang inagaw ang baso mula sa akin, but I was fast to drink the beer bago niya pa ito maagaw sa akin.
Binalik ko ang baso.
"Ang tigas ng ulo mo," sabi niya.
Inirapan ko na lang siya at muling inihilig ang ulo ko sa balikat niya. Hindi naman siya nagsalitang muli at hinayaan ako, habang ang isang braso niya ay nanatiling nakaakap sa akin.
Deep inside my heart is rejoicing with this intimate gesture. I know, for him, this might be just a simple and friendly gesture, but for me, it's more than just a gesture. Alam kong mali, pero gusto kong hayaan ang sarili kong maging makasarili na kahit sa ganitong paraan man lang ay maangkin ko siya.
"Tingnan niyo ang mag-bestfriend na ito, sobrang dikit sa isa't-isa, para talagang hilaw na mag jowa!"
Everyone laughed at Juros' statement, maliban sa akin. I only glared at Juros. Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam na may gusto ako kay Jared maliban sa ugok na iyan, kaya alam kong talagang inaasar niya ako ngayon.
"Can I drink more beers?"
Halos gusto kong pumikit sa sensyasyong nadarama ko. Nawala ang atensyon ko kay Juros dahil sa isang malambing at masuyong bulong ni Jared sa akin. I can feel his warm breath against my ears.
Nakakatukso... Nakakapanghina.
"Of course, you can," sagot ko.
"She won't stop you, Jared. Hindi ka naman jowa ng pinsan ko para pigilan niya. Pero sa mga susunod na linggo o baka buwan, may pagbabawalan na iyan? What's the name of her suitor again, Karyl?"
Fuck!
Gusko kong tumayo ay sapakin si Juros sa sinabi niya. Someone was really trying to hit me but he's not courting me! f**k him! Pa-issue!
"That's not true," sabi ko na siyang nalunod lamang dahil sa sinagot ni Ate Karyl. Ngumiti pa ito sa akin na parang nang-aasar pagkatapos ay sa katabi kong hindi ko na alam ang itsura sa ngayon.
"Ah. Iyon ba? Rafael ata ang pangalan no'n. Ang gwapo ng lalaking iyon. Nadala ni Marie iyon dito noong nakaraan. Nakita pa nga ni Tito Nelson no'ng minsang napadayo siya rito."
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Jared sa akin. "Rafael?" tanong niya gamit ang isang baritono at buong boses na siyang nagpatindig sa balahibo kong nakahimlay kanina.
Kinabahan ako.
"Nakita ko rin iyon. Yes, his name is Rafael. Hindi ba nakwento ng kapatid ko iyon, Jared?" of course, that's Kuya Miko!
Inalis ko ang pagkakaunan sa balikat ni Jared, pero hindi ko nagawang makalayo sa kanya dahil akap niya ang baywang ko.
"She never told me about that guy. Who is that?!" si Jared na bakas sa tono ang pagkabanas.
"Suitor nga! Paulit-ulit? Bagay nga sila, eh. Diba Francois? Nakita mo rin iyon last time!" si Juros.
Pinukol ko siya ng masamang tingin pero pasimple siyang ngumisi sa akin.
Sinungaling. Francois never met Rafael! At lalong hindi nakita ni Juros iyon! Nalaman niya lang ang tungkol dito because I told him someone is hitting me, and it's my group mate in one of my majors!
"It's not t-true..." Halos manginig ang boses ko lalo na nang matagpuan ko ang mga mata ni Jared na matamang nakatitig sa akin.
Sa sobrang lapit ng mga mukha naming dalawa ay naramdaman ko na ang mainit niyang hininga.
"Why didn't you tell me about him?"
Halos mamilog ang mata ko sa gulat at kaba.
"You were busy with your online job-"
"So he's indeed courting you." It's a statement.
Umiling ako, pero may sinabi siyang muli. "H'wag mong sagutin." Na siyang ikinagulat ko.
"What?!" gulantang kong tanong pero mahina lang.
Hindi namin alintana na may iba pang tao ang nandito at nanunuod lamang sa amin. I was too busy with his eyes that I couldn't afford to take my eyes off him. I don't care if people are watching us.
I saw how Jared's jaw clenched.
"Don't what-what me, Marie Castanieda. You can't just say yes and be in relationship with someone you just met," he said firmly, as if he's sure with his statement.
"We're classmates since first year, Jared."
Hindi ko alam pero nabanggit ko na lang ito bigla. Mas sumiklab ang apoy na nasa mata niya at ang bagang ay mas tumiim. His eyes became dark.
"Gusto mo rin ba siya?"
Napakurap-kurap ako. Hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa ginagawa niya. Hindi ako makapagsalita at umiling-iling na lamang bilang sagot.
I know my brother and my cousins are watching us, but why can't I hear any words from them? Wala bang tutulong sa akin dito?!
Isang ngising matagumpay naman ang ginawad ni Jared sa akin sabay baba ng tingin sa aking labi.
"Case close. Stop seeing that Rafael."
Dahil sa takot ko na baka magalit siya ay tumango ako.
"Good girl," he said softly.
Nang inalis na niya ang tingin niya sa akin ay saka ko pa lang naramdaman ang tao sa paligid ko. Kasabay ng pag-ingay ng paligid ko ay ang pagtambol muli ng puso ko.
Why is he like that?
To be continued...