[Two]
***
I was so busy the whole week for my midterms. Kaliwa't-kanan na ang mga requirements ko at halos hindi ko na alam kung alin ang uunahin. Ang daming academic papers na dapat ipasa. Perks of being a social studies major.
"Uwi ka na?" tanong sa akin ni Princess. Nilingon ko naman siya saglit saka pinagpatuloy ang pagliligpit ko sa laptop ko sabay silid nito sa bag ko.
"Oo eh. I need to proofread my seminar paper for Geography pa kasi. Alam mo naman si sir Jed, super strict when it comes to research papers. Mabugahan pa ako ng apoy no'n," sabi ko sa pabirong tono.
Natawa naman ng bahagya si Princess, saka hinilig ang likod sa sandalan ng upuan. Nasa college library kasi kami ngayon dahil nagreresearch.
"Sinabi mo pa. Ako nga rin, eh, worried na masyado. Wala pa akong nahanap na topic for that seminar paper! Hindi ako makadecide if itutuloy ko ang globalization topic for New Zealand o 'yong issue sa Brazil about the Amazon." Bumuga pa siya nang marahas na hininga. Nilagay niya pa ang pisngi niya sa ibabaw ng kamay niyang itinuko sa lamesa. Halatang problemado siya.
"Just choose the simple topic. It won't matter, as long as it is informative," sabi ko.
"Ano ba topic mo?" tanong niya.
Sinusuot ko na ang backpack ko, pero umupo ulit ako sa upuan ko kanina.
"Trokosi practice sa Africa. 'Yong tungkol sa batang bride. Culture and religion related' yong topic, tapos madidiscuss ko rin ang about sa morality at rights ng mga babae roon. Alam mo kasi, parang s*x slave ang mga Trokosi. Ang weird, existing pala ang ganoong practice!" Umiling pa ako pagkatapos. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala tungkol sa mga nalaman ko tungkol dito.
Matapos kong makipag-usap kay Princess ay umuwi na kaagad ako sa bahay, but to my surprise I saw my cousins in our house kasama nila si Jared.
When Jared noticed my presence ay agad siyang lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko. Nagulat ako kasi dalawang taon siyang wala tapos hindi ko inakala na gagawin niya pa rin iyon sa akin.
"How's school?" tanong niya sa akin tapos balak pang kunin sa akin ang backpack ko, pero pinigilan ko.
"Ayos lang naman. Akyat muna ako, I still have a lot of paperworks to do. If you need something, just call manang Rosa." Tapos naglakad ako palagpas sa kanya.
Binati naman ako ni kuya Mykle nang mapadaan ako kaya ngumiti lang ako, at sinabi sa ilang pinsan ko na akyat muna ako. Nang nasa hagdanan na ako ay lumingon akong muli sa kanila, but to my horror I saw Jared staring at me intently. Nakakunot ang noo niya. Dahil sa kalabog ng dibdib ko ay agad akong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa pag-akyat ko.
Nang marating ko ang kwarto ko ay agad kong binaba ang bag ko, saka ako nagpalit ng damit. Nang matapos sa pagpapalit ay agad na kinuha ko sa bag ang laptop ko at binuhay.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ko sa sarili kong seminar paper nang may kumatok.
"Pasok, bukas iyan," sabi ko nang hindi binabalingan ng tingin ang pintuan.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara nito pagkatapos. Ilang sandali ay umuga ang kamang inuupuan ko.
"Need some help?"
Napahinto ako sa pagbabasa at agad na nag-angat ng tingin. I was so preoccupied in reading that I haven't notice it's Jared who entered my room!
Me, trying to calm my nerves, -since he's really inside in my room with me -just smiled at him.
" W-what are you doing here?" nauutal-utal kong tanong.
His gentle eyes bore in me, like he's memorizing every corners of my face. Napalunok naman ako.
"I'll help you with that. Ano ba iyan?" tanong niya.
"No need. Kaya ko naman ito. Proofreading na lang ginagawa ko, eh-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad niyang inagaw ang laptop mula sa akin.
"You're the one who wrote this, you're surely bias with this paper. Let me do the proofreading. Pahinga ka na lang," sabi niya na ngayon ay nakatoon na sa laptop ko.
Bumuntong-hininga na lang ako. Hindi rin naman magpapaawat ang isang ito kaya hindi na ako umapila pa. Tumayo na lang ako at umalis sa kama.
"Saan ka pupunta?" tanong niya. His eyes were telling me something I couldn't pinpoint.
Isinawalang bahala ko na lang ito saka itinuro ang pintuan ng kwarto ko. "I need to open the door. Baka magalit si Manang pagnalaman niyang-"
"Wala naman tayong gagawing masama rito." Kumunot pa ang noo niya sa akin.
I pouted.
"I know."
"We're sleeping together here naman noon. Alam nila manang iyon, Marie," sabi niya pa. Pinapaalala niya ata sa akin na mag bestfriend kami kaya ayos lang na hindi ako magbukas ng pintuan. Pero kung hindi ko ito gagawin ay sa tingin ko ay mauubusan ako ng hangin dahil lang ss kasama ko siya sa iisang silid.
"Bata pa tayo noon, Jared. You're 23 now, and I am 19. Sumunod na lang tayo nang hindi tayo masermonan."
Defeated, he nodded at me. Naglakad naman ako patungong pintuan ay binuksan ito. Tapos lumapit ako sa kanya nang tawagin niya ako dahil may tinatanong siya.
Inabala ko naman ang sarili ko sa pagpapaliwanag sa ibig kong sabihin sa isang paragraph. Nasamonitor lang ang buong antensyon ko no'n pero nang mag-angat ako ng tingin ay nagulat ako nang makita kong sa akin siya nakatitig.
Nag-iwas naman ako ng tingin. Agad kasing uminit ang pisngi ko dahil sa lapit ng mukha naming dalawa.
Ilang sandali ay binalik ko sa kanya ang tingin ko.
"Did you get my explanation?" tanong ko habang pilit na kinukunot ang noo nang maitago ang tunay kong nadarama. Hindi pwedeng mapansin niya na naapektohan ako sa lapit namin.
Hindi siya nagsalita kaya nag-iwas na lang ako ng tingin at binalak na tumayo mula sa pagkakaupo pero nahigit niya ako pabalik.
My heart was beating so loudly not because he stopped me from leaving but for the fact that he's now holding my hand! I know it's a mistake to feel something like this. I know loving your bestfriend is against the rules. Kung friends, friends lang dapat. But I am too greedy dahil hindi ako kontento rito, I want more.
Kinalas ko ang kamay ko sa kanya, but he won't let it go. Sumeryoso ang mukha niya, this time grumabe na talaga ang kaba ko dahil titig na titig na siya sa mukha ko like he's examining me!
Damn!
"You've change."
Napaawang ang labi ko. Napakurap pa ako dahil sa gulat sa nasambit niya.
I've change? In what aspect? Maliban sa nadarama ko para sa kanya ay wala ng nabago pa sa akin.
"Why do you always try to avoid me, Marie? Two years ago, hindi naman ganito. Pero ngayon, umiiwas ka. You can't even stand me staring at you."
Hindi ko na alam kung paano ko ipapilawanag ang nadarama ko. Sobrang kabado ako sa mga pinagsasabi niya. Nanlamig ang mga palad ko at unti-unting namuo ang mga butil ng pawis sa noo ko. I am so f*****g tense right now!
Alam na ba niya na may gusto ako sa kanya?
"H-hindi naman a-ako umiiwas!"
Fuck! Nauutal pa talaga ako.
"You can't fool me." Gusto kong tumakbo pero ang higpit ng hawak niya sa kamay ko like he doesn't want to let it go.
"Are you..."
I literally stopped myself from breathing as I wait for his next word. Natatakot ako na baka ito ang maging huli naming pag-uusap. Nagbaba ako ng tingin, pero gamit ang isang malaya niyang kamay ay inangat niya ang baba ko upang magtagpo ang mga mata naming dalawa. Pilit ko mang iiwas ang paningin ako ay pilit niya rin itong hinahabol.
"Are you mad at me? Dahil hindi ako nakarating no'ng birthday mo?"
Umiinit na ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadya. Dahil sa sobrang kaba ko ay talagang naiiyak ako. Akala ko malalaman na niya. s**t talaga!
"H-hindi. Ano kasi... You're not here for two years, hindi na ako sanay na ganito tayo. I mean, we're really close pero virtually iyon sa loob ng 2 years tapos..."
Hindi ko na kayang dugtungan pa ang mga kasinungalingan ko sa kanya.
"Was I too rush this time? Did my actions scare you?"
Nalilito akong napatitig sa kanya. Nakaawang ang mga labi ko.
"Ha?" naguguluhan kong tanong.
Hindi ko alam ko alam pero parang nakita ko saglit ang mga mata niyang napatitig sa mga labi ko. Pumungay pa ang mga mata niya.
Masyado akong maraming inaalala sa ngayon. Hindi ko alam kung alin ang uunahing pansinin. Ang puso ko bang naghuhurimintado sa kaba, ang kamay niya bang nakahawak sa kamay ko na siyang nabibigay init, o ang mga mata niyang halos lunurin na ako dahil sa mga bumabahang emosyong hindi ko naman alam kung ano.
To be continued...