Nang makababa na kami ng taxi ay pumasok kami sa isang condo nasa 8 palapag yata ito diko maaninag masyado kasi gabi.
Ngiting ngiti ang guwardiya kay sir Kaito at binalingan ako ng tingin bago nagsabing; "ang ganda ng girlfriend niyo sir." sabay yuko at hibdi na nag abala pang magsalita si sir Kaito sa halip ay nginitian nalang din niya ito.
Ako naman assuming na parang tuwang tuwa kasi tinawag na girlfriend ng gwapong lalaki na sinusundan ko ngayon.
Sumakay kami ng elevator hanggang nakarating kami sa ikaapat na palapag at nandoon ang unit niya.
Pag pasok namin sa unit niya pinaupo niya muna ako sa sofa at pumasok siya sa kwarto. Kaya nilibot ko muna ng mata ko ang paligid.
Katamtaman lang ang laki ng studio type na na unit siguro mga nasa 40sqm lang iyon. May maliit na kitchen na tanaw mula maliit na sala na my dalawang sofa isang pang tatluhan at isang pang isahan. Sa kusina tanging ref lang, microwave oven at iilang gamit pang kusina ang nakikita ko, my mesang pang apatang tao ang laki at apat ding upuan.
Bago ang kitchen may maliit din siyang bar sa gilid madaming alak at mga wine na di pamilyar sakin.
Kulay mint green ang loob ng bahay at maaliwalas sa mata. Kulang lang sa ayos dahil siguro mag isa lang siya at wala na mang nkatirang babae dito.
"Hey are you alright?" bungad sakin ni sir Kaito ng lumabas siya ng kwarto. Naka short nalang siya ng hanngang tuhod at naka t-shirt ng puti kaya kitang kita ang maputi at mabalahibo niyang binti at tumambad din ang braso niyang mamaskulo na may tattooy pa sa kanang bahagi diko makita lahat dahil natabunan ng manggas pero parang agila.
"I'm fine sir' thank you for helping me", sagot ko habang nakangiti kayat napangiti na rin siya.
"That's good! i want you to smile always.. anayway you can sleep in my room and i will sleep here in couch", sabi pa niya habang kumukuha ng tubig sa water despenser.
" No sir' dito nalang ako ikaw na sa kwarto mo, maliit itong sofa at hindi ka kakasya dito", sagot ko sa kanya pero mapilit parin siya Kaya ang ending pumasok nalang din ako sa kwarto niya. Pagkapasok ko sumunod siya hangang pinto bago itinuro ang short at tshirt na nakalatag sa kama.
"You can wear that one and tomorrow we will buy some things for you".
"Okay sir' thank you", sagot ko nalang para di na humaba ang usapan talaga na mang gusto ko magbihis eh ala una na at kanina pang umaga itong suot ko. Nanlalagkit na ako!
Buti nalang bukod sa cr na nakita ko sa labas ay mayroon din dito sa loob. Nagpunas muna ako bago hinubad ko ang panty ko para malabhan ko. Nakakita ako ng pwedi masampayan sa banyo malapit sa bintana at doon ko nilagay.
" Matutulog akong walang panty nito, di pa kasi sinamahan ng brief", bulong ko pa sa sarili habang natatawa at sinusoot ko ang short at t-shirt na pinahiram ni sir. Maluwag ang short at lampas tuhod ko may tali naman kaya pwede kong pasikipan ang baywang. Maluwag din ang t-shirt at mahaba sakin pero ok na rin dahil di mahahalatang wala akong panty!
Matapos kong magbihis ay tiningnan ko ang aking cellphone hindi ko pa ito na on mula ng pagsakay pa namin ng eroplano kanina mula Butuan. E-nopen ko at agad pumasok ang sunod sunod na message ni Michelle sakin, hinahanap ako. May nagtxt din na unknown number at yon muna ang binasa ko.
"Cath tinakasan mo pa talaga ako? Babalikan kita sa trabaho mo at kung kailangang araw arw ako bumalik gagawin ko!'' sabi sa txt!
Walang pangalan na nakalagay pero alam ko na mang si Bruce ito.
"E di' bumalik ka don' araw arawin mo pa okay lang!" salita kong mag isa.
Pinatay kong muli ang cp ko, bukas bibili ako ng bagong sim at doon na ako tatawag ky Mich, day off niya din bukas kaya nasa boardinghouse lang namin yon.
Nahiga na ako sa kama at nakatingin sa kesame na cream ang kulay. Iba ang kulay dito sa kwarto ni sir Kaio light gray ang wall at cream ang kesame. Nilibot ko ang aking mata sa paligid nasa ayos naman ang kwarto niya, may maliit na study table sa paanan ng kama, may isang couch, may dalawang lampshade sa magkabilang gilid at may malaking built in closet.
May bintana din itong kwarto at kumuha sa atensiyon ko ang pinto sa tabi ng bintana. Kaya bumangon ako at agad tinungo yon ng bunuksan ko ay namangha ako sa aking nakita.
Mga kumikinang na ilaw at tila kita ang buong syudad mula sa kinaroroonan ko. Isa itong maliit na veranda.
Ipinikit ko ang aking mga mata at nilanghap ang malamig at sariwang hangin. Nakaramdam naman ako ng lamig kaya pumasok nalang ulit ako sa loob at isinara na ang pinto.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto at sinilip si sir Kaito kong tulog na ba ngunit gising pa siya at parang may tinitingnan sa laptop niya kaya lumabas nalang ako at napaangat siya ng tingin.
"I just want to drink water sir", sabay turo ko sa lagayan ng baso at tumango naman siya at muling bumalik ang tingin sa laptop niya kaya kumuha nalang ako ng tubig at uminom.
"Are you hungry? there some cookies and chips inside that cabinet," sabay turo niya sa cabinet na nasa itaas na bahagi ng lababo.
"Ay hindi po sir nauuhaw lng po talaga ako, pero ok na ako ngayon". sagot ko sa kanya at tumalikod na sa kichen.
"Goosnight sir", sabi ko bago bumalik sa pinto at hawak hawak ko ang siradura.
"Ok goodmornight' take a rest and will fixed some things tommorow," sabi niya at tumango naman ako at tuluyan ng pumasok sa kwarto niya.
Nahiga na ako ngunit di ako makatulog kaya paikot ikot ako sa higaan hanggang sa napansin ko sa gilid ng higaan sa ulunan banda tabi ng lamshade ang larawan ni sir Kaito na may hawak na batang babae na siguroy nasa tatlong taong gulang pa lamang. Tiningnan kong mabuti ang larawan at napagtanto kong ito ang anak niya kasi magkaparehas sila ng mga mata at shape ng mukha.
"Ang gandang bata", nasambit ko habang tinitingnan ang larawan hanggang sa nakaramdam na rin ako ng antok, kayat mabilis kong binalik ang larawang iyon sa tabi ng lamshade at natulog na.