Nagising ako sa isang katok sa pinto. Pupungas pungas akong bumangon at dahil naalimpungatan ako ay napakunot ako ng ng noo dahil hindi ako pamilyar sa kinalagyan ko ngayon, napabulong ako ng mahina; "asan ako ngayon?"
Akala ko lang talaga nasa boardinghouse ako at si Michelle ang kumakatok. Huli na ng maalala kong nasa Cebu na pala ako at siyang pagbukas ko ng pinto bumungad si Sir Kaito sakin.
"Good morning Bea", sabay taas ng dalawang kamay na may hawak na tig dalawang paper bag. Kayat bigla akong napayakap saking sarili para pagtakpan ang aking dibdib dahil wala akong suot na b*a, hindi ako komportable matulog na may b*a kaya hinubad ko yon kagabi.
Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa hiya kayat sinara ko pabalik ang pinto, "Wait lang talaga sir huh' pasensya na po," sigaw ko sa loob na narinig naman niya siguro.
Dali dali kong sinuot ang b*a ko bago naalala ko ang panty ko nasa banyo baka maliligo si sir. Dali dali kong tinungo ang banyo at inabot ang panty ko na nakasabit sa gilid ng maliit na bintana. Sa kakamadali ko ay napatid ang aking paa at na block ako ng inidoro kaya natumba ako at tumama sa ulo ko ang natanggal na shower dahil nahawakan ko ng matumba ako kayat napasigaw ako. " Aguy katanga nimu day kasakit ato! "(ang tanga mo day napakasakit nito!).
Narinig yon ni sir Kaito kaya agad siyang tumakbo papasok!
"Bea what happened? Are you okay? Tanong niya sakin sa labas ng banyo.
" Yes sir Im okay,"sabay hilot ko saking ulo... "maybe".. dugtong ko at sinubukang tumayo ngunit napadaing ako sa sobrang sakit ng inilapat ko ang mga paa ko dahil ang sakit ng tuhod ko na tumama sa inidoro! At dahil siguro narinig ni sir Kaito na sumisigaw ako ay agad siyang pumasok!
"Anhong nhangyareh?" slang pa niyang pagkasabi na parang may 'H' yung salita niya kaya ang cute pakinggan. Napangiti tuloy ako kasi an cute talaga niya tingnan na nag aalala nabubulol pa.
"Napatid po ang paa ko sir kaya natumba ako tapos saktong tumama po sa inidoro ang ilalim ng tuhod ko yung ulo ko nahulugan niyan oh," sabay turo ko ng shower na parang batang nagsusumbong.
Walang anu ano na binuhat niya ako bigla at napatili pa ako sa gulat.
"Sir naman kakahiya na masyado ibaba niyo ho ako", sabi ko kahit na ang totoo ay gustong gusto ko ang ginawa niya para kaming bagong kasal dahil sa paraan ng pagbuhat sakin!
"Kilig ka naman girl! umayos ka nga ang landi mo kakahiya!" sabi ko sa isip ko lng.
Mag iingat ka kasi bakit kaba kasi nagmamadaling pumasok sa banyo? straight na ulit napagtatagalog niya.
" E ihing ihi na po ako eh! palusot.com ka girk
l sa isip ko.
Buti nlang may bulsa yong short niyang pinagamit sa akin at naitago ko agad ang panty na kinuha ko, isinilid ko sa bulsa, Kong hindi mas nakakahiya.
Kumuha siya ng icebag at dinampian ang ilalim ng tuhod ko na bahagya namaga.
Next time be careful sabi niya ng matapos niya ng malagyan ng yelo ang ilalim ng tuhod ko. Ang ulo ko ay ok narin naman.
Tumango na lamang ako at tumayo na siya para damputin sa sahig yung apat na paper bag na nabitawan niya kanina.
"Here," inabot niya sakin ang paper bag.
" Anu to sir pagtatakang tanong ko.
"konting bihisan mo, sagot niya sabay nakangiti.
"Nakapamili na kayo agad sir? hala kakahiya pero thank you talaga." pasasalamat ko sa kanya.
"Yes we need to go to the shop later so you have to change ok? I'll just get some things here then you can take a bath and i will take a bath outside. Sabi niya at dumeretso na siya sa closet niya sabay kuha ng pares ng damit na susuotin niya at tuluyan ng lumabas.
Binuksan ko ang isang paper bag at may Dalawang sando pambabae, dalawang t-shirt at dalawang blouse na mahaba ang sleve. Yung isa pang paper bag ay mga shorts na maong at yung iba gawa sa tela. Ang kahuli-hulihang paper bag na nabuksan ko kay isang dosenang panty na sakto lang sakin ang laki at 6 na pirasong bra. Kayat napasapo ako saking ulo. "Kakahiya ka girl", sabi ko pa.
Agad akong nagtungo sa banyo at di naman na masyadong masakit ang tuhod ko. Mabilis akong naligo at pumili ng masusuot ko dun sa dinalang mga damit ni sir. Pinili ko yung Blouse na red na mahaba manggas at black na pantalon na nabagay na man epares.
lumabas na ako sa kwarto ni sir Kaito at pagdating ko sa labas ay nasa mesa na siya at nagkakape.
Let's have breakfast before we go,"sabi niya sabay senyas na umupo na ako. May nakatimpla na ring kape para sakin at may nakahaing bacon at sunny side up na itlog at loaf bread.
"Sorry I forgot to buy a rice*"bhindi kasi ako nag laluch at dinner dito, usually sa store and this is my breakfast already, paliwanag niya..
"Ok lng po sir nakakabusog na rin naman to, saka thank you pala sa damit sir aga niyo yata nakapamili kakahiya.
"No its okay masanay kana sakin and pls Dont call me sir pag tayong dalawa lang okay?" hirit pa niya.
"Sir anu pong magiging trabaho ko?" tanong ko sa kanya.
"Malalaman mo mamaya,"sagot lang niya.
Nang makatapos na kaming kumain ay agad kong niligpit ang pinagkainan namin. a
At sabj niya mag ayos na daw ako ng sarili at aalis na kami. kaya kinuha ko ang bag ko sa kwarto naglagay lang ng light na make up at manipis na lipstik di na ako nag abala pang maglagay ng maraming kolorete sa mukha gaya ng nasa mall.
Pag labas ko ng kwarto nasa sofa na siya at tumitingin sa laptop. Ngunit napaangat siya ng tingin ng maramdang lumabas na ako.
"You look good, bagay sayo ang damit mo at yung hindi ka masyado naka make up. Actually bagay na man sayo kahit may make up pero mas gusto ko ang Bea na kaharap ko ngayon." Mahabang papuri niya na ikinapula yata ng pisngi ko.
Lets go.. yaya niya sakin.
Kaya umalis na kami