First day with Him

1310 Words
20 mins mula sa condo ni sir Kaito ay nakarating na kami sa kanyang K&M Japan Surplus Store. Malaki ang gusali at may dalawang palapag. At sa labas kitang kita ang mga naka display na mga bikes at wheelchair na malamang mga second hand. May dalawang guard sa entrance, taga check sa mga pumapasok at sa exit ay isa na taga check sa lumalabas. Pagpasok mo sa store ay makikita mo na agad ang napakaraming display na mga gamit sa bahay, my mga sofa, kama at sa kabilang side malalaking refrigerator at washing machine at kong ano anung mga appliances. Nakatingin samin ang mga tauhan ni sir Kaito ng pumasok kami at halos silang lahat ay bumabati kay sir Kaito. Dere dretso kaming umakyat sa taas sa second floor at hindi niya ako iniwan talagang sabay kami sa pag akyat sa skelator. Pagdting sa taas ay sinalubong kami ng isang bakla na iba ang uniform sa mga taong nandoon malamang mas mataas ang posisyon niya. "Good morning sir' buti nakabalik kana! and who's this angel you brought here?" bati ng bakla sabay tanong kay sir Kaito at umikot pa sakin na tila ba tinatantiya ang taas ko. " She's Bea Marie ang papalit sayo!" sagot ni sir Kaito na nagpanganga sakin at ganon din sa bakla! " Anu sir...... pakiulit ng sinabi mo papalitan nyo ako?" madiin na pagtatanong ng bakla na tila di makapaniwala sa narinig! " Yes' Papalitan ka ni Bea cause starting today she will be our new manager here dahil ikaw na ang magiging Supervisor!"Paliwanag ni sir Kaito na nakangiti at siya ding ikinatuwa ng baklang kaharap niya. " Ay!!!! bongga, akala ko naman matatanggal ako! nag iisip na tuloy ako kong ano bang naging kasalanan ko kasi ang bait ko naman at ang sipag s trabaho. Magiging supervisor na pala ako? Ayyyy talaga sir thank you, thank you... Patalon talon pang reaksyon ng bakla sa sobrang tuwa. "Ay ' Bea Marie salamat sayo dahil ma popromote na pala ako!" Hila ng bakla sakin at niyakap pa ako. "Hermie! awat ni sir Kaito sa kanya at hinila pa siya sa pagkakayakap sakin, ako naman walang kibo dahil hindi ko lubos maisip na gagawin akong Manager ni sir Kaito. " Ay sarry sir,..." pacute na peace sign ni Bakla na Hermie pala ang pangalan. " Ngayon Bea alam mo na kong sino ang kasama mo sa trabaho! masanay kana sa lalaking yan at makulit yan!" sabi pa ni sir Kaito sakin na sinuklian ko lang ng ngiti. " Oy sir babae ako hah katawan ko lang lalaki.....Bea, yon nalang itatawag ko sayo huh' girlfriend kaba ni sir?" Deretsahang tanong ng bakla kahit kaharap pa si sir Kaito. "Yes' sagot agad ni sir Kaito kaya di na ako nakapagsalita! Tiningnan ko siya at kinindatan niya lang ako na parang sinasabi niya na sumabay nalang ako sa mga sasabihin niya. " Talaga? wow sa wakas nakahanap ka rin ng Jowa sir sa tagal niyo ng wala ni Alexa ngayon kapa nagkahanap ulit." dagdag pa ng bakla n parang nakasanayan na niya sigurong makipagkulitan kay sir Kaito. Di' na ako nag react dahil di ko rin alam bakit ako pinakilalang girlfriend ni sir. "Mamaya ko na siya tanungin pag nakauwi na kami" sa isip ko. Dumeretso na kami sa opisina ng building nasa isang sulok lang dito sa second floor. Maliit lang ang opisina, may anim na table sa loob at sa bandang gilid ang table ni sir Kaito dahil doon siya dumeretso sabay lapag ng mga gamit niya. May tatlong tao na rin sa loob ng opisina at pinakilala sila ni sir Kaito sakin, yung isa buntis yun pala ang supervisor at mag reresign na dahil kabuwanan na at first baby daw niya kaya napagkasunduan na daw nila ng asawa niya na titigil na muna siya sa trabaho. Ang dalawa pang nandon ay ang secretary at ang auditor. For hire din sila ngayon para sa isa pang office staff dahil medyo lumalaki na daw ang kumpanya kaya madami ng office work dahil dumadami na rin ang tao kaya naisip ko agad si Michelle dahil kahit ganon yon kakalog mas may pinag aralan pa sakin yon nkapagtapos yon ng information technology kaso mas naenjoy niya sa mall pero nagbabalak din yon maghanap ng ibang trabaho kaya sasabihin ko mamaya ky sir Kaito. Alas dose na ng tanghali ng matapos kami ni Hermie sa pag aayos sa mga table namin dahil pinalipat ni sir Kaito ang table ng manager sa tabi niya kasi dating sa supervisor yon at ngayon na nag resign ang supervisor kaya si bakla na dapat ang nasa pwesto non'. Biniro pa ako ni Hermie na ayaw daw talaga mahiwalay ni sir sakin kasi kahit sa table magkakatabi kami. Tinuro na rin ni Hermie sakin ang ibang trabaho niya pero mamaya pa niya e eendorse ang mga papers na dapat nasa akin na at mga files na nasa pangangalaga ko dapat. First time ko sa ganitong trabaho pero confident akong kaya ko at isa pa mabait naman ang mga kasamahan ko kaya di ako mahihirapan. Buti nalang kahit paano ay marunong n ako gumamit ng computer kaya di na ako mapapahiya. Kasalukuyan kong inaayos ang mga papeles sa taas ng table ko ng bumalik si sir Kaito nagpaalam kasi siya kanina na may pupuntahan daw. "Bea lets go," sabi niya habang nakatayo sa harapan ko. "Sir bakit po," tanong ko naman dahil diko alam kong saan kami pupunta. "Lunch time na, kakain na tayo." sabi niya at tumalikod na kaya hindi na ako nakahindi, suminyas nalang ako kay bakla na aalis muna bago tuluyng sumunod kay sir. Pagdating namin sa skelator ay hinintay pa niya ako para magkasabay kami kaya naiilang man ako ay di nalang ako nagpahalata. Pumunta kami sa isang restaurant na malapit sa kanyang Store at habang naghihintay ng order ay don' ko kinuha ang pagkakataong kausapin siya tungol sa bakanting posisyon sa opisina. "Sir,''sabi ko bilang pag umpisa. " We already talk about it, pag tayong dalawa lang don't call me sir okay? " sabi niya kaya napakagat labi nalang ako at nakita ko siyang nakatingin sa mga labi ko. "And please, don't bite your lips when i'm in front of you cause its make me feel hot!" sabi niya na nakangiti kayat napayuko ako at napakagat labi ulit, nakasanayan ko na kasi yun pag na tetense ako. " Oh' I already told you, next time you do that i will kiss you!" at doon ako natigilan, kinabahan ako na parang naeexcite, "kagatin ko nalang kaya ulit ang lips ko para mkatikim ako ng kiss niya" bulong ko sa sarili ko at napangiti kaya nakita ko siyang ngumiti nalang din. " Anyway, may sasabihin ka ba?" pagbalik niya sa usapan. "Oo sana eh" sagot ko na nag aalangan. " Go ahead". sabi lang niya.. " Kasi po yong kaibigan kong si Michelle naalala nyo yung kasa kasama ko sa mall IT graduate po yun baka pweding siya nalang gawin niyong office staff". dretsahang sabi ko. " Oh' really? then ask here kong willing siya." sabi niya saktong dumating ang order naming pagkain. Umuo nalang ako at inisip ko na mamayang gabi ko nalang tawagan si Mich pag nakauwi na kami. Pagkatapos naming nananghalian ay bumalik na kami sa store. At pagdating namin ay tinawag niya si Hermie para e guide ako sa iba pang magiging trabaho ko. Bandang alas 4 ng hapon ng pinakilala din niya ako sa mga empleyado na nasa baba bilang bagong manager. Kaninang umaga kasi naipakilala na niya ako sa mga empleyado sa taas. Hangang sa natapos ang araw namin na di natapos ang trabaho ko dami pa kasi namin kailangan ayusing mga files ni Hermie kayat ipagpabukas nalang daw kasi hangang alas 5 lang naman ang duty niya. Ako di pa nakauwi 7pm na dahil 9pm na nagsasara ang store at nandito parin si Kaito kaya ito nag aantay din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD