Alas syete na pasado at nakaupo lang ako sa harap ng computer sa table ko. Tinitingnan ko kasi yong mga reports na finorward ni bakla sakin kanina.
"Lara lets go," boses ni Kaito na nagpukaw sa atensyon ko.
"Uuwi na tayo? tanong ko sa kanya.
" No, pupunta pa tayo sa mall at mamimili ng gamit mo, di naman siguro pweding pabalik balik ang suot mo diba?" Nakangiti niyang sagot sakin.
In'off ko na ang monitor mg computer bago in'unplug ito at tumayo na din. Pababa kami ng evator ng tiningnan ko ang paligid at nakita ko na marami rami pang tao ang nandirito.
Nasa harap na kami ng exit at sinabihan ako ni Kaito na maghintay na lamang daw ako at kukunin niya lang ang kotse sa parking kaya tumayo ako sa tabi gilid ng exit malapit sa guard ng may nakita akong lumabas na mag ina. Nasa 30 mahigit na siguro ang edad ng babae at may akay-akay siyang batang lalaki na nasa higit dalawang taong gulang. Binuhat niya ito bago tinungo ana terminal.ng trycele na nasa harap ng store. Agad kong naalala nag mga anak ko kaya napatulo ang luha ko na napansin ng guard kaya dahil siguro sa kuryusidad ay napatanong siya sa salitang cebuano.
"Naunsa man ka day' ngano nihilak ka? Naa sad kay anak nga gibayaan sa inyo noh namiss nimu?"
(napano ka iha bakit umiiyak ka mayrong kabang anak na niwan sa inyo na namimiss mo?) tanong ng guard na nakatingin sakin bago sinundan ng tingin yong mag ina na lumabas.
"Pinahid ko ang luha ko at dipa nakasagot sa guard ng nakita ko ang sasakyan ni Kaito na papalapit na sakin kaya nagmadali akong maglakad para masalubong iyon at diko na inantay pagbuksan ako ng pinto ng kotse dahil ako na mismo ang kusang nagbukas at pumasok.
"Are you alright?" bungad sakin ni Kaito ng makaapsok na ako sa loob ng kotse dahil nakita niya sigurong namula ang aking mata.
"Yeah im fine sir don't mind me". wala sa isip na sabi ko.
"Bea!" from now on, pagka tatawagin mo pa akong sir my punishment kana sakin! Madiin pero nakangisi niyang sabi.
"Ay sorry naman at nakakalimot po eh dipa kasi ako sanay eh t'saka boss naman talaga kita eh para namang nakakawalang respito kong tatawagin kita sa pangalan mo." pagpapaliwanag ko sa kanya.
Hindi na siya sumagot pa sa halip ay tiningnan niya lang ako ng nakangiti.
"Nemen' ngingiti ngiti ka diyan naiihi ako sa kilig pag tinitingnan mo akong ganyan enebe" pagbulong ko sa sarili.
" My sinasabi ka baby?" mahinang tanong niya pero nanigas ako sa huling salita! baby? bakit naman niya ako tinawag na baby! My gosh! nagwawala na ang bahay bata ko gwapong lalaking to pinapakilig talaga ako. Buti nalang at nakarating na kami sa isang mall.
Habang papasok kami sa loob ng mall ay napansin kong may tinitingnan si Kaito mula sa kinroroonan namin, isang sexing babae na nsa loob ng isang botique kong hindi ako nagkakamali, at nainis naman ako kasama niya na ako kong saan saan pa nkatingin! Binilisan ko ang lakad para maunahan ko siya bahala siyang maghabol sakin!
"Bea wait ang bilis mo naman," wika niya na binilisan din ang lakad. Hindi ko siya pinansin na para bang hindi ko siya naririnig kaya dagli niyang hinawakan ang kamay ko at ayon napahinto ako dahil para akong nakuyente sa mga hawak na 'yon!
"Bakit?" mataray kong sambit na siya na mang ikinakunot ng noo niya.
"Wa-wala! itatanong ko lang sana kong gusto mong kumain muna tayo". Mahina niyang sabi habang tinitingnan ako dahil nagtataka siguro siya sa inasal ko at nahimasmasan na rin ako! nag eelosyon ba ako feeling ko girlfriend niya ako. "Ehhhhhhh! ang tanga mo self!" sabi ko sa sarili at habang tinampal ko ng mahina ang aking noo bagay na ikinatawa naman niya.
"Bakit ka natatawa anong nakakatawa sa itsura ko? nakataas kilay kong tanong.
"No, ang cute mo lang tingnan," sabi niya sabay kabig sakin palapit sa kany kaya lalo akong na tense dahil para akong bata na inakbayan niya.
"Kain muna tayo baby, nagugutom na ako, 10 pa naman magsasara itong mall at mag aalas otso palang." sabi niya habang naglalakad kami at nakaakbay siya sa'kin, buti sana kong akbay lang pero akbay yakap na kasi dikit na dikit. Kinikilig naman ako sarap sunggaban ng halik tong mokong na to eh sa isip ko na sabi kaya napangiti nalang ako.
Nang makapasok kami sa isang kainan dito sa loob ng mall ay humanap agad kami ng bakanting upuan, pinaghila pa ko ni Kaito ng upuan. Kakainis talaga tong lalaking to nabubusog ako ng hangin sa kilig eh.
Lumapit agad ang waiter at kinuha ang order namin kaya napaangat ang tingin ko sa waiter dahil may itsura din ang isang to, matangos ang ilong at may kaputian, mabalbon at makakapal ang pilik mata at kilay.
"May iba pa kayong order ma'am?" tanong ng waiter sakin dahil para akong natulala! Puro ba naman gwapo ang kaharap mo eh, mawawala ka talaga sa sarili at lilipad ang isip mo sa galaxy.
"Ikaw," pilya kong sagot kaya napangiti ang waiter na siya namang ikinaasim ng mukha ni Kaito!
"I'm just kidding," bawi ko na natawa ng bahagya.
" Hehe naku maam baka magalit sakin si sir huh ang laki pa naman ng boyfriend mo," pabiro ding sabi ng waiter habang pakamot- kamot sa ulo at nakatingin samin ni Kaito.
"Cge na yon lang ang order namin pakibilisan lang at nahugutom na yata itong Boy-friend ko!" diniinan ko talaga ang pagkasabi ng boyfriend kaya napangiti din tong mokong na to. Anu ba talaga ang isyo nito? tanong ko sa isip dahil para din siyang nagseselos sa waiter.
Dumating na ang order namin at buti nalang ibang waiter na ang naghatid ng order kaya wala nag isyu isyo at kumain na kami. Hanggang sa nakatapos na kaming kumain ng may lumapit na isang babae sa amin, yung babae kanina na tinitingnan ni Kaito!
"Hi honey mukhang may date ka yata?" bati niya kay Kaito sabay tingin sakin na nakataas ang kilay.
Bigla naman umasim ang mukha ko at uminit ang pakiramdam ko para akong hindi makahinga pagtingin ko sa babae na nakangiti at ang sexy niya kumpara sakin. Nakasuot kasi ng backless na damit at open sa dibdib tapos naka skirt ng halos labas kaluluwa!
"Hi alexa," tipid na bati rin ni Kaito!
Alexa, so siya ang ex nj Kaito dahil narinig ko kay Hermie kanina ang pangalan niya. Kaya naman pala, sa isip ko habnag palipat lipat ng tingin sa kanila ni Kaito at nagulat ako sa susunod na eksena.
Hinawakan ni kaito ang isa kong kamay na nasa taas ng mesa sabay sabing; "Meet Bea, my girlfriend!" napataas naman ng kilay ang babae na nakatingin sakin.
"Talaga itong ipinalit mo sakin? mukhang sales lady sa palengke!" nakakapang insultong sabi ng babae sakin na nakataas pa ang kilay.
"Oh really? mukha kong palenkera? eh ikaw ano ka? mukha kng pokpok na hindi nabenta!" nakangiti kong sabi na ikinangitngit ng mukha niya!
"How dare you!" sigaw niya na nakataas ng mga palad sa ere at akma akong sasampalin ngunit hinawakan ni Kaito ang braso niya para pigilan.
''Alexa please wag ka gumawa ng eksena dito, matagal na tayong wala at ikaw ang nang iwan so maybe its not my fault if i found someone better than you!" madiing pagkasabi ni Kaito kaya hinablot ni Alexa ang kanyang braso sa pagkakahawak ni Kaito at tumalikod na at padabog na umalis!
"I'm sorry baby, sabi ni Kaito ng umalis na yung babae kayat nginitian ko nalang siya para di na humaba ang diskusyon. Lumabas na rin kami sa restaurant at pumunta na sa department store ng mall.