A kiss

1225 Words
Nasa department store na kami at kasalukuyan akong namimili ng mga damit na kailanga ko at itong si Kaito na man parang nanay ko na pinapabalik ang mga damit na ayaw niya kesyo masyado daw bulgar, masikip, maiksi etc. Natatawa nga ang sales lady na nag assist sa amin. "Ma'am, ang cute po ng boyfriend nyo" papuri ng sales lady ng hindi na talaga makatiis. "Hindi ko boyfriend yan kuya ko!" pabulong kong sagot sa sales lady at nakita ko namang parang ayaw maniwala kaya tinawanan ko nalang. Natapos na kaming mamili at nagpasya ng umuwi sa condo niya. Habang nasa daan ay napagpasyahan kong paandarin ang cp ko at gamitin na ang bagong sim na nabili ko kanina sa mall. Nang gumana na ay agad kong pina regester yong free call and txt ng sim at tinawagan si Michelle. " Hello.... " sagot sa kabilang linya. "Mich si Bea to," at hindi ko pa nadugtungan ang sasabihin ko nagdaldal na! "Hoy talipandas kang babae ka! masyado mo akong pinag alala! 'Asan ka na bang parte ng earth? T'saka hinahanap ka ng ex mo dito pabalik-balik ipapablotter na sana kita kasi akala ko kinidnap kana pinacheck ko pa ang cctv sa exit ng mall kaya't nakita kitang sumakay ng taxi. Hahanapin ko pa sana ngayon ang taxi na sinakyan mo bruha ka mag kakawrinkles ang bahay bata ko sayo mababaog ako! nasan kaba kasi?" Mahabang pagdadakdak ni Mich na ikitawa ko naman pati si Kaito natatawa na rin kasi sinadya kong e loud speak ang cp ng nagdaldal na si Michelle. " Sorry ha, masyado kasing mabilis ang pangyayari day, tuloy di na ako nakapagpaalam sayo. Hindi ko na rin magamit agad ang cp ko dahil alam ito ni Bruce kaya ako nag disisyong pumunta agad ng cebu at sumama kay Kaito dahil alam ko hindi ako titigilan ng hudlom na 'yon!" paliwanag ko na lalo niyang ikinagulat! " Ha? sumama ka sa Hilaw na hapon canadian ba 'yon? anu di nakapagpigil at nangigil? kaya pala di ka man lang nagtxt bruha ka dahil nasa mga bisig ka na ng gwapong kapon na yon' pinag alala talaga mo ako!" dagdag pa niya at parang nahiya ako ky Kaito dahil dinig na dinig niya ang pagdadaldal ni Mich. Pero nakangisi lang yong isa kaya nakampati akong ok lang sa kanya ang pinagssaabi ng baliw kong kaibigan. "Sorry na ipapaliwanag ko ok tumahimik ka muna kasi di ako makasingit sa armalite mong bibig haba yata ng magazine niyan," natatawa kong sabi kaya tumahimik na man siya at 'yon na pinaliwanag ko kong paano ako napasama kay Kaito dito. At sinabi ko rin sa kanya na pwede siyang magtrabaho sa office ni Kaito at tuwang tuwa naman ang bruha, mag reresign na daw siya bukas at uuwi muna siya sa kanila para magpaalam sa mga magulang niya. Syempre hindi naman daw siya pipigilan ng mga iyon pero mas mabuti na yong makapag paalam siya. Nabawas bawasan na ang pag aalala ko dahil natawagan ko na si Mich siya na daw bahala magpaliwanag sa supervisor namin sabagay dalawang linggo nalang din matatapos ng kontrata ko doon, sigurado naman ako dretso atm ang sahud ko, may makukuha pa ako doon at dala ko naman ang atm ko pag nagkalaman na ito ipapadala ko agad sa mga anak ko. Nakarating na kami sa Condo ni Kaito at gaya ng kagabi ngiting ngiti ang guard sa amin. At binati na pati ako tinanguan ko lang din. Ng makapasok na kami s unit ni Kaito ay nakaramdam na naman ako ng hiya dahil sa kwarto na naman ako matutulog at siya dito sa labas kaya napagpasyahan ko siyng kausapin. "Ahmmmm Kai, can I talk to you?" panimula ko. Umupo siya sa sofa katabi ko kaya medyo napalapit siya sakin at naamoy ko ang panbango niya na nagdulot na naman ng kakaibang emosyon sakin. Pero pilit ko munang pinakalma ang sarili ko. Hindi siya nagsalita at alam kong nag aantay lang siya na magsalita ako! "Kasi, parang hindi yata maganda na dito ako manatili sa condo mo, at t'saka pag nakarating na si Michelle dito eh alangan kaming dalawa pa ang mikitira sayo. Tapos dito kapa sa sala, wala ka ng privacy nakakahiya din kaya naisipan kong maghanap ng matitirhan sana.." Mahaba kong turan at bumuga muna siya ng hangin bago nagsalita na kita kong parang nalulungkot siya. "You can stay here for your safety at ok lang nman s akin na dito sa sala, I can manage don't worry". sabi niya sa mahinang boses. Napaisip na man ako, paano ako magiging safety kong ganito ka gwapo at ka bango ng nakikita kon sa loob ng bahay araw- araw baka di pa ako makpagpigil ako pang gumapang dito, napangiti ako sa kahalayan ng isip ko at napansin niya yon! "Why? may nakakatawa ba sa sinabi ko?" kunot noo niyang tanong "Wala naman, natutuwa lang ako sa kabaitan mo, hindi mo naman kailangan mag alala ng husto sakin eh di mo naman ako kaano-ano at 'di kaba nag aalala na baka nakawan lang kita dahil hindi mo pa naman ako ganon' ka kilala?" saad ko sa kanya! Tiningnan niya ako ng makahulugan at nagtama ang mga mat namin bagay na parang nagpakulo ng dugo ko at tila nagpaliyab ng pagkatao ko at may kong anu-anong bumubulong sa isip ko na lumapit sa kanya at namalayan ko nalang ang sarili ko na napakalapit na ng mukha namin kaya naamoy ko na ang hininga niya at wala man lang akong ginawa kundi pinikit ko ang aking mata ng bahagyang lumapat ang mga labi niya sa noo ko! Napadilat agad ako ng mata! Nakaka disappoint 'yon, na 'yon eh matitikman ko na sana ang mga labing nakakapantasya naman talaga, kahalayan ng isip ko kaya napahawak nalang ako sa mukha ko dahil nakaramdam ako bigla ng hiya ng idinilat ko ang mata ko at nakita ko siyang tinitingnan ang reaksyon ko at para pang kinkantyawan niya ako! "Bw**it na 'to! sa isip ko, kaya kailangan talaga mkaaalis ako dito dahil baka ako pa mismo ang gagawa ng paraan para isuko ang bandila ng Pililinas ko sa dayuhang nilalang na ito! "I know how to respect woman kaya walang mangyayari sayo dito pangako!" salita ni Kaito na nagpabalik sa katinuan ko. Lumayo ako ng bahagya sa kanya bago nagsalita. "Alam ko naman po pe-pero hindi ako comfortable to see you sleeping outsid while i'm in your room." paliwanag ko. "So that's it? then we will sleep together in my room!" sagot niya na nagpalaki ng mata ko! aba at talaga naman palang may balak din itong isang to magsama ba naman kami sa isang kwarto at iisa lang ang kama doon' meygas ano bang iniisip niya! "No, its not good for a man and a woman na wala namang relasyon na matulog magkasama sa iisang kwarto! " sagot ko pero napatampal ako ng noo ko ng marealize ko anong pinagssaabi ko. At nagulat ako sa susunod na ginawa ni Kaito. Hinawakan niyang dalawang kamay ko at dinampian ako ng halik sa labi! Sa labi ha take note hindi na sa noo. Juice colored nanigas ako at di nakakilos! "Then, lets make it official! you're my property now! Girlfriend na kita at boyfriend mo na ako! So pwede na tayo matulog magkasama sa room? "Huh?" tanging nasambit ko dahil sa gulat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD