Ang bilis ng pangyayari nang isang araw lang ay nasa mall ako, nakilala ko si Kaito, nabigyan ng award, natonton ako ni Bruce, nakarating akong Cebu at ngayon boyfriend ko na daw siya!
Hindi ako makatulog! Ala dos na ng madaling araw ay ito pa't gising na gising pa rin ako! Paano ba ako makakatulog kong ganito ka gwapo at kakisig ng katabi ko.
Oo' dito talaga natulog tong Hapon na to', pero 'di siya mukhang hapon mas mukha siyang canadian. Nakaharap siya sakin at inulunan ang isa niyang kamay! Ang gwapo talaga! Nagwawala ang bahay bata ko kapag nagkakalapit kami parang gusto ng mabahayan ulit! Kung anu ano nalang ang pumapasok sa isip ko. Rapen ko kaya 'tong isang to? natatawa kong isip habang nakatitig sa kanyang magandang mukha.
Siguro kaya ngiting ngiti ang guard nitong condo pag magkasama kami ay dahil parang katulong lang ako ni Kaito!
Charr.... ang ganda ko kaya, cute nga kami siguro tingnan kasi mas matangkad siya sakin' nakakacute tingnan ang ganong couple base on my eyes.
Habang tinitingnan ko siya ay diko napigilang hawakan ang mukha niya, ang lambot! Walang kagaspang gaspang, anu kayang magiging itsura ng anak namin pag nabuntis ako noh' "hoy! buntis agad!" saway ko sa malandi kong pag iisip! Kakasabi nga lang niya na kayo na at malay mo kong joke lang yon'. Bukas ko na siya tatanungin. Pero kakahiya 'yon diba kaya bahala na total di naman ako lugi dito, gwapo na mayaman pa.
Nasa kalaliman ako ng pag mumuni muni ng bigla siyang kumilos kaya agad kong ipinikit ang aking mata. Dumikit siya sakin and Gosh!!! " Hoy nasa impyerno na ba ako? " ang init sa pakiramdam kahit aircon itong kwarto! Kinabig niya ako at niyakap! Hindi ako makagalaw at lalo akong nanigas ng bumaba bahagya ang kamay niya sa pagkakayakap at nasa baywang ko na! Juice colored! Mabibinyagan na ba ang kapatagan na matagal ng tuyot? Kahalayan ng pag iisip ko!
Letcheng gwapo to! pinapainit ako tas' siya sarap ng tulog! sarap gahasain eh!
Kumalas ako sa pagyakap niya dahil ang hirap magkaharap kami kaya dahan dahan akong tumihaya ng higa at ganon na lamang ang gulat ko at muntik pa ako sumigaw dahil bigla siyang kumilos din at alam ko tulog siya pero kusang gumalaw ang mga kamay niya gising na gising niyakap ulit ako at dahil nakatihaya ako naipatong niya ang mga braso niya sa dibdin ko!
Torture na to promise!!! Ang sarap niya talaga sunggaban ng halik eh. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata dahil kong anu ano nalang ang iniisip ko hanggang sa nakatulog na nga ako!
Nagising ako sa halik ng isang maninipis na labi s noo ko!
"Good morning honey!" bulong niya sa tenga ko at walang anu anong hinila niya ako papalapit sa kanya at kinulong sa mga braso niya.
" Kaito anu ba?" lumayo ka nga! kunyaring pagtataboy ko sabay bahagyang tulak sa kanya pero ang totoo gustong gusto ko na siyang sakyan! ay este sabayan ng yakap pala!
"Can you please call me in other way, and not in my name!" sabi niya habang patuloy akong niyayakap at hinahalikan sa buhok!
"Anung ibig mong sabihin? bakit may iba ka pa bang pangalan?" tanong ko ng nakataas kilay sa kanya.
"No! but i don't like that you call me directly in my name honey!" sabi pa niya na nakangisi. Honey!!! dumidikit sa tenga ko ang words na yan! Ang sarap pakinggan.
"Ahmmmm anu bang gusto mo itawag ko sayo? " tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ko ang mapupungay niyang mata na tila gusto pa matulog pero ganun lang talaga ang mata niya parang palaging antok!
" Call me anything you want, yong galing sa puso!" sabi pa niya habang ang likot na ngayon ay pinaulon na ako sa braso niya at isiniksik pa ang ulo ko sa leeg niya!
" Ok... langga!" sabi ko na ikinangiti naman niya.
" Ok i like that, i know that word is bisaya means, love," sabi niya sabay niyakap ako ng mahigpit!
" Call me that anywhere ok? even were outside!" saad pa niya at tumango nalang ako.
Kaunti lang ang naging tulog ko, alas syete na ngayon at nakahiga pa rin kami! Kaya kumalas na ako sa kanya. "Magluluto muna ako ga' (short of langga) nagutom na ako eh. Nakakagutom ka naman kasi baka ikaw pa makain ko" pabiro ko sa kanya at pinilit kong makawala sa mga yakap niya, ang totoo kahit di ako mag almusal ok na ako sa yakap niya pero paano kasi feeling ko nasa loob ako ng pugon pag niyayakap niya sarap maghubad!
" Are you hungry honey?" pag uulit niya sa sinabi ko at tumango na man ako.
" Come here," sabi niya sabay hila sakin at napasubsob ako sa dibdib niya.
"Oh my Gosh ito bang ipapaalmusal niya sakin? hindi pa ako ready!! bulong ko sa sarili! at kinuha niya ang cellphone niya sa tabi ng lampshade. Bigla ako napa upo mula sa pagkakayakap sa dibdib niya at diretsong tumayo sabay atras!
"Anung gagawin mo? Hoy di porket gwapo ka at nakakagigil ay magagawa mo na lahat ng gusto mo sa babae ha! wag ako kong ayaw mong samain!" galit kong sabi sa kanya habang dinoduro siya!
Kumunot naman ang noo niya pero saglit lang dahil maya maya ngumisi siya na para bang nakakatawa ang mukha ko!
" Why honey? what do you think?" Ikaw ha, ang aga-aga kong anu- anong iniisip mo..." natatawa niya ng sabi.
Napatakip na man ako ng bibig, oa ko yata!
"Here oh' sabi mo gutom kana, ayaw na kitang mapagod kaya ito pumili ka ng gusto mong almusal at papadeliver nalang natin!" sabi niya sabay pakita sakin ng delivery app sa cp niya!
Napakagat labi akong nag peace sign sa kanya. "Sorry... akala ko kasi ano eh.. ikaw naman kasi dapat sinabi mo agad!" reaklamo ko pa at bumalik ng upo sa tabi niya.
" No' its not me, its you and your dirty mind!" sagot niya sakin na siya namang nagpahiya sakin! yumuko ako at pinagdasal kong lumubog na sa kinauupoan ko ng kinabig niya ako ulit at dahil hindi ako naka balanse ay napasobsob ako ngayon sa mukha niya at saktong nagkadikit ang aming mga labi!
Walang isa sa amin ang gumalaw, hanggang sa naramdaman ko nalang na napapikit na ako at kusang kumilos ang mga bibig ko para gantihan ang pagalaw ng sa kanya. Dahan dahan hanggang sa naging mapusok ang aming halikan at para ng puputok ang pantog ko dahil sa sensasyong dala ng mga halik niya. Natural na amoy ng hininga na ang sarap lasapin.
Ngayon ay nakahawak na ang isa niyang kamay sa pisngi ko at dahil nakayakap ang kalahati kong katawan na nakadagan sa kanya ay ramdam na ramdam ko ang mabilis na t***k ng kanyang puso kasabay ng sa akin.
Unti unti niyang ginagalaw ang kamay niya hangang sa nakarating ito sa batok ko na bahagya niyang pinipisil at ang isa niyang mga kamay ay nasa baywang ko nakayakap at ngayon pinipisil pisil na din niya.
Ilang minuto din nagtagal ang ganap na 'yon na maging ako ay nakahawak na rin sa dibdib niya at ang isa kong braso ay nakahawak sa mga pisngi niya. Nasa kasarapan kami ng halikang iyon ng biglang tumunog ang doorbell!
Napaangat ako ng ulo at nakita ko siyang nakakunot na ang noo na tila nabitin sa aming ginagawa!
"S**t!!! why ita so fast!!! reklamo niya at pilit akong niyakap pabalik!
"Langga tingnan mo muna baka ang order mo na yan!" utos ko naman sa kanya sabay hila sa kanya na bumangon na. Kayat bumangon na rin siya at tumayo.
" Stay here!! will continue it later," pilyo niyang sabi na dinampian pa ulit ng halik ang mga labi ko. Napatulala naman ako at biglang napatakbo palabas at sumunod sa kanya ng maalala kong sabi niyang e continue!
'Juice colored baka saan pa umabot kaya iiwasan ko na at baka di na rin ako makapagil maisuko ko ang bandera ng pilipinas sa canada!