Nagmadali akong lumabas at sinundan ko si Kaito. Inayos ko ang table table at naglagay na ako ng dalawang baso at plato kaya ng matapos niya e recieve ang order ay tila nagulat pa siya ng makita ako sa kusina.
"Langga' gutom na ako kain na tayo!" sabi ko habang nakangiti kayat napangiti nalang din siya at umiling iling.
''Hmmmmm, naisahan mo ako don' ha," sabi niya sabay hawak sa baywang ko at hinalikan ang ilalim ng aking tenga bagay na nagpakilabot na naman sakin, kaya agad kong dinampot ang sandwich na nasa box pa at sinubo sa kanya.
"Ikain mo nalang yan ok, gutom lang yan pag hindi nawala kahit busog kana ipaligo mo!" natatawa kong sabi kaya nakitawa nalang din siya bago naupo na pero hindi ko inaasahan ang ggawin niya dahil hinatak niya ako paupo pero sa lap niya! Kaya kumain kaming nakakandong ako sa kanya dahil kahit gusto kong tumayo hindi naman ako makatayo, hawak hawak ba naman ako, nakapulopot ang braso niya sa tiyan ko, at sa haba ng kamay niya wala man lang puwang ang katawan ko sa braso niya.
Pagkatapos kumain ay may tumawag sa kanya sa cellphone, kaya nagmadali na akong maligo at tamang paglabas ko sa banyo ay nagulat ako na nasa labas na siya ng banyo at nakatapis nalang ng tuwalya.
Napalunok ako ng laway dahil sa bumungad sakin, 8 pandesal at mabalahibong dibdib. Sarap lantakan parang tumatalon na naman ang bahay bata ko at gustong makita ang bandila na canada.
"Pa-padaan po...'' nauutal kong sambit habang iniiwas ang mga mata ko sa kanyang paningin dahil nakakatunaw para akong butter na nagmenelt sa init ng hotcake o baka naman hotcake ko ang umiinit!
"Hay naku ano bang kahalayan ang iniisip ko, asan na yong Bea na pakipot grrrrr! malalaglag panty ko sa lalaking to' Kaloka!" Kausap ko saking sarili.
Mabilis akong lumusot sa gilid niya dahil baka anu na naman ang gawin niya mamaya niyan bumigay agad ako wala na talaga ang dalagang pilipina!
Mabilis akong nagbihis at sa sala na ako nag mkae up ng light lang, naupo ako sa sofa ng matapos mag ayos at nag antay sa kanya ng napagpasyahan kong tawagan ang bunso namin para kamustahin sila mama at ang dalawa kong anak.
"Hello... kinsa ni? " (sino sila).
sagot ng kapatid ko dahil hindi naman niya alam pa itong bago kong number!
"Bunso, ang ate 'to, kamusta na kayo d'yan?" deretso kong sagot!
"Ate buti napatawag ka, asan ka ngayon? Hinahnap ka nila mama sa Butuan kasama ni kuya Bruce! " turan ni bunso kaya natigilan ako saglit! Talaga palang hindi tumugil ang walang kwentng tao na 'yon hindi ako napunta dito da cebu ng wala sa uras kong hindi niya ako ginulo sa trabaho.
"Bunso pakisabi kay mama na 'wag na nila akong hnapin at wala na ako d'yaan nasa cebu na ako nagtatrabho! At pakisabi kay mama siya na muna bahala sa dalawang pamangkin mo at papadala nalang ako pag nagsahod na." habilin ko sa bunso kong kapatid. Siya lang kasi ang may contact sa'kin at alam kong mapagkakatiwalaan kong hindi niya ako ipagkalulo kay Bruce!
"Ate 'yon po ang problema dahil kinuha ni kuya Bruce ang dalawa mong anak, iyak nga ng iyak si Ara at Calvin dahil ayaw sumama sa kanya kasi sabi nila aantayin nila ang pag uwi mo dito, pero pinilit talaga ni kuya eh, wala namang magawa si mama kasi papa naman daw nila 'yon! naiiyak na sumbong ng kapatid ko kaya napaiyak na rin ako, paano ko makakausap ang mga anak ko ngayon at paano ko mapapadalhan ng pera kong ando'n sila sa papa nila.
"Ate parating na si mama nasa gate na, kakausapin mo ba?" turan ng kapatid ko.
"Tsa'ka nalang bunso, may trabaho pa ako, tatawag nalang ako ulit, update mo ako ha, mag iingat kayo. Bye!" Pagputol ko ng tawag dahil ayaw ko munang makausap si mama at sigurdong magtatalo lang kami dahil sigurado pababalikin lang ako noon kay Bruce!
" Are you okay?" boses na nagpabalik sakin sa wisyo! Nasa pinto na ng kwarto si Kaito at hindi din maipinta ang mukha, tila kanina pa nakikinig sa usapan namin ng kapatid ko.
"Do i need to say yes or its okay to say I'm not?" sagot ko sa tanong niya n umiiyak kaya napalapit siya sa'kin at niyakap ako. Humagolgol naman ako ng iyak sa dibdib niya ng mapansin kong nakabihis na pala siya!
"Oh' im sorry," napaatras ako ng makita ko na nabasa' ng luha ko ang blue longsleve niya. Akma kong pupunasan 'yon ng panyo na hawak ko, ng pinigilan niya ang kamay ko at hinawakan ako sa baba gamit ng isa pa niyang kamay.
"Just tell me what can I do para mabawasan ang lungkot mo!" sabi niya sa malungkot na boses.
" Manatili ka lang sa tabi ko sapat na sa'kin yon," sagot ko sa kanya at muling yumakap.
Buti nalang at nandito si Kaito para palakasin ang loob ko, sa isip ko lang. Pero hnggang kaylan kaya? at totoo kaya lahat ng kabaitang pinapkaita niya sa akin? paano kong dumating ang araw na masaktan na naman ako gayong unti unti na akong nahuhulog sa kanya!
Mga tanong sa isip ko na na pumipigil sakin magtiwala at magmahal ulit.
Sasabayan ko nalang muna ang agos, maninibago pa ba ako dito, ganon naman talaga dapat diba, kong anong musika yon ang sayaw mo.