The Call

1221 Words
Pumasok na kami sa trabaho at second day ko ngayon kasama ang owner na official boyfriend ko na kaya nakaka pressure lalo na't may pagka strikto si Kaito pagdating sa trabaho base sa napansin ko kahapon. Pero siguro na man 'di na man niya ako ibibilang sa mga impleyado niya. Pagdating sa store ay nakatingin samin ang halos marami sa mga tauhan na naninibago siguro na may bagong kasama si Kaito. Pagpasok namin sa office ay naroon na din si Hermie at may binubutingting na sa kanyang computer. "Good morning lovely couple'.. mhmmmm ang ganda ng ngiti ah," sabi niya kay Kaito at bumaling sa akin kaya napayuko naman ako. "Good morning Hermie," tipid kong bati sa kanya sabay umupo na rin sa upuan sa harap ng table ko at pinaandar ko na ang computer ko. Kumimbot na rin siya pabalik sa table niya. "Shana all my lovelife," hirit pa nito kaya nagtinginan nalang kami ni Kaito at nagngitian. Lumipas ang maghapon na busy kami pareho ni Kaito sa kanya kanya naming trabaho. Hindi na kami nananghalian sa labas kagaya ng kahapon. Nagpadeliver nalang siya ng food sa opisina at sumabay kaming nananghalian sa kay Hermie at sa isa pang staff. Pagkatapos ng tanghalian ay balik trabaho agad siya dahil ilang araw din siya na wala gawa ng pag punta niya sa Butuan. Kaya dami daw niya kailangan e review! Alas 8 ng gabi ng niyaya niya na akong umuwi. Kasalukuyan na akong naglilinis ng mga kalat saking table noon dahil tinapos ko din lahat ng mga paper works na kailangan kong tapusin. Napagdisisyunan niyang mag order nalang din ng food at sa bahay na daw kami mag dinner. Habang kumakin kami ay nagring ang cp ko, si Michelle yong tumatawag, diko muna sinagot at hinayaan ko nalang muna, tatawagan ko nalang siya matapos akong kumain. After namin maghapunan ni Kaito ay tumayo ako para iligpit ang pinagkainan namin pero laking gulat ko ng hinawakan niya ako sa baywang at pinaupo sa upuan. "Just stay here, i will do the dishes," sabi niya na tila isang boss na nag uutos sa tauhan kaya di na pweding suwayin! " Sabi mo eh," sagot ko nalang at dinampot ang cp ko. Tatawagan ko nalang si Mich. "Hello day' buti naman at tumawag ka! akala ko dika na madisturbo diyan eh, nakailang tawag kaya ako!" Pagtatampo niyang sagot matapos ang isang ring lang! " Pasensiya' kumakain po' ako ng tumawag ka!" sagot ko naman kaya di na siya nagdrama'. "Nagresign na pala ako kanina day, pero 3days pa bago ako pweding tumigil kasi maghahanap daw muna sila ng kapalit ko. Nawala ka nga lang daw bigla tapos susunod naman ako! Pero ok na yong sayo ipinaliwanag ko na kay supervisor, buti na rin daw at umalis ka kasi baka manggulo lang daw yong ex mo makagawa pa ng eskandalo!" mahabang turan mi Michelle. "Ok' sege sasabihin ko kay Kaito na sa sabado pwede kana ikuha ng ticket para next week." sabi ko naman. " Wow ha' Kaito nalang talaga, close na kayo? t'saka saan kaba nakatira ngayon? may matitirhan ba ako diyan?'' pangungulit naman niya. "Problemahin nalang natin yan pag nandito kana okay? sege na day' may gagawin pa ako, tawagan mo nalang ako pag my ibang update, bye!" pagputol ko ng usapan para di na magtatatanong! "Hoy wait...." Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil ene off ko na ang cp! Sa kulit kasi noon alam ko na di ako titigilan non'. Ng ibinaba ko na ang cellphone ay lumapit din naman si Kaito sakin. "So' how's your friend?" tanong niya. "Next week pa siya makakapunta dito, may duty pa 'yon until thursday eh, pinakiusapan kasi ng supervisor na bigyan ng 3 days para maghanap ng kapalit niya, tapos uuwi pa yon sa kanila. Pwede mo na ikuha ng ticket yon pang sundy o monday na." mahabang paliwanag ko sa kanya at tumango tango lang naman siya. "Ahmmmmm, Langga, ok lang ba na maghanap kami ni Michelle ng boarding house pag andito na siya?" tanong ko bilang pagpapaalam na rin sa kanya. Girlfriend palang kasi niya ako at parang ang pangit na magkasama kami sa iisang bubong tapos iisang kwarto lang ang tulugan namin! Kumunot ang noo niya, pero saglit lng 'yon dahil ngumiti naman siya pagkatapos! "Ok, I understand! but now' while you're here dapat sulitin natin!' pilyo niyang turan na nagpakaba naman sakin! " Anu! ano bang pinagsabi mo? tigilan mo ako ha, yang mga tingin na 'yan hindi ko gusto!" sabi ko habang akma ng tatayo. " Bakit? ano bang sinasabi mo? ang sabi ko lang nman sulitin natin ang mga uras na magkasama tayo! bakit, may iba pa ba?" nakangisi niyang tanong. " Ah' huh? eh... wa-la ....naman noh!" nauutal kong sagot kaya napatawa siya. "Pwede naman kong may iba ka pang ibig sabihin honey.. pagbibigyan kita," sabi niya sabay lapit sakin kaya napaiktad ako dahil nakiliti ako sa pagbulong niya sa tenga ko! nagsitayuan yata ng lahat nag balahibo ko! Napakagat labi ako dahil sa tense na nararamdman ko! "You look so hot when you bite your lips honey," sabi niya sabay halik sa mga labi ko at hindi na ako nakapalag dahil na corner na niya ako. Napasandal ang likod ko sa table at nakulong ako sa mga braso niya na pinantukod niya magkabilaan. Mapusok ang naging paghalik niyang iyon, para siyang baliw na baliw sa mga labi ko na halos ayaw na niyang bitawan. Napaungol na man ako na gumagnti na rin sa kanya na tila nadadala na rin ako sa bugso ng aking damdamin, hanggang sa isang tawag ang nagpatigil sa amin! Nang una ay ayaw pa niyang tingnan ang kanyang telepono, ngunit dahil sa nakailang ring na ito ay bahagya ko siya naiutalak lalo na ng nararamdaman kong gumagapang na sa kong saan saan ang mga kamay niya! "Lang-ga... ba-ka importante!" sabi ko ng bahagyang naghiwalay ang aming mga labi. Agad niyang tiningnan ng kanyang Cellphone at biglang nagbago ang kanyang itsura ng makita ang numero na tumatawag. Ang kanina pilyong ngiti ay napalitan ng seryusong anyo! Napansin ko na parang tawag galing sa ibang bansa 'yon pero hindi nka rehestro ang numero dahil walang pangalan, pero mukhang kilala niya ang numero basi sa expression ng mukha niya. Napabitiw sa pagkakahawak sa baywang ko ang isa niyang kamay at bahagyang napaatras kaya kinuha ko ang pagkakataon para kumalas na rin at nagsenyas na rin akong papasok na s kwarto. Tumango din siya. Pagkatalikod ko narinig ko pa ang mahina niyang pagsagot sa cellphone at nilingon pa ako bago pumaroon sa sofa. Na curious ako sa tumawag sa kanya at sa kakaibang reaksyon niya pero ayaw ko rin namang magmukhang tsismosa kaya hindi na ako nag abalang makinig o mangusyuso kaya tuluyan na akong pumasok sa kwarto at naghalf bath na. Nakahanda na ako para matulog pero hindi pa rin pumapasok si Kaito sa kwarto kaya bahagya kong binuksan ang pinto at at sinilip siya, nakita kong may kausap parin siya pero ngayon ay nasa laptop na nag v-video call sila. Nakatalikod ang laptop mula sa kinaroroonan ko at nakaharap siya sa pwesto ko kaya hindi ko makita ang kausap niya. Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan kaya isinara ko nalang ulit ng pinto at nahiga na, hanggang sa nakatulog na ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD