Kinabukasan, nagising akong walang katabi! Mag isa ako sa kama at walang bakas ni Kaito na dito natulog sa kwarto!
Dahan dahan akong nag inat at bumangon na. Dumeretso muna ako sa banyo para mag toothbrush at naghilamos bago lumabas ng kwarto.
Wala din si Kaito sa labas! Tiningnan ko ang banyo sa labas pero wala din siya. Malinis din ang sofa at walang bakas na dito siya natulog!
"Nasaan siya? saan siya natulog?" salita kong mag isa habang napaupo ako sa sofa.
Tiningnan ko ang uras sa cellphone ko na bitbit ko palabas ng kwarto.
6:30 na, pero maaga pa to dapat tulog pa siya ganitong uras dahil nakasanayan kong medyo tinatanghali naman siya ng gising simula andito ako.
Pumunta nalang ako sa kusina at nag init ng tubig para magkape.
'Bakit ko ba siya iisipin eh matanda na 'yon, may isip na 'yon at marunong nang mag isip!' sa isip ko habang nagkakape!
Naisipan kong magluto ng almusal at baka sakaling umuwi na si Kaito ay may makain kami. 'Naman! siya parin ng dahilan? ay hindi ako lang pala! gutom na ako! natatawa kong turan sa sarili ko!
Binuksan ko ang ref pero walang ka laman-lamang gulay! frozen meat, itlog, toasted bread at tuna lang ang laman tapos tiningnan ko ang built in cabinet sa taas ng lababo puro naman canned goods at cup noodles!
Bumalik ako sa ref, kinuha ko ang slice tuna, buti nalang may itlog at toasted bread, tapos may ibang seasonings akong nakuha sa taas nag cabinet, kaya e mamarinate ko nalang ito tapos balutin sa itlog at toasted bread bago e prito.
Kumuha na rin ako ng cup noodles iluluto ko din at lalagyan ng nilagang itlog! May konti pa siyang bigas kaya nagsaing na muna ako habang minamarinate ang isda.
Nang maluto na ang sinaing ko ay sinimulan ko ng lutuin ang tuna. Hiniwa ko ng manipis at nilagay sa itlog na may timpla ng paminta at asin. Yun lang ang nadito eh, pagkatapos binudburan ko ng dinikdik na toasted bread at pinrito na!
Isinalang ko naman sa kabilang stove ang noodles. Nakalaga na pala ako ng itlog, ipinatong ko sa taas ng kanin na niluto ko kanina pero binalot ko muna ng plastic para kong sakaling bulok oh mabasag di madamay ang kanin!
*Ayan nagka idea pa kayo!*
Matapos ng maluto ang noodles at malapit ko na rin matapos lutuin ang 'marinated tuna in toasted bread' ko ay binalatan ko na ang boiled egg at hinati sa apat ang bawat isa at ipinatong sa taas ng noodles na nasa bowl na.
7:30 na at nagugutom na ang mga alaga ko sa tiyan kaya 'bahala ka sa buhay mo Kaito! kakain akong mag isa!' Sa isip ko habang nagsasandok ng kanin ng biglang may nag doorbell!
"Ay kaning lamig!" sigaw ko sa gulat kasi nga nagmumuni-muni ako, eh kanina pa sarili ko lang ang kausap ko!
Nilapag ko na muna sa mesa ang sinandok kong kanin bago dali-daling pinuntahan ang pintuan para buksan.
Hindi na ako nagulat ng makita ko kong sino ang taong nasa labas! Eh sino pa ba kundi ang may ari nitong bahay na tinutuluyan ko!
Hindi ako nakakibo agad ng makita ko siya, kong anu ang suot niya kagabi ay ganon parin ngayon. Naka white t-shirt lang siya at naka short ng hanngang tuhod yung parang jersey short.
"I'm sorry, umalis akong hindi nakapagsabi sayo. Ang sarap na kasi ng tulog mo kaya hindi na kita dinisturbo!" walang emosyong sabi niya.
"Saan ka nanggaling sa babae mo? bago pa lang tayo aalis ka na ng walang paalam tapos pag uwi mo ganyan lang ang sasabihin mo!" sabi ko sabay tulak sa kanya kaya napaatras siya!
Pero....
Sa isip ko lang yon!
Ang totoo di na ako umimik, pakiramdam ko kasi wala naman akong karapatang magtanong oh' wala akong maisip na itanong!
"Kakain na sana ako eh, hindi ko naman kasi alam kong nasaaan ka kaya nagluto nalang ako ng pwedi ko kainin." Halika kain tayo yaya ko sa kanya at sumunod nalang din naman siya sa mesa.
Kumuha ako ng isa pang pares ng plato, kutsara at tinidor dahil iisa lang ang nasa mesa.
"Wow' amazing! you cooked this?" sabi niya na parang nanlaki ang mata sa nakitang pagkain.
"Oo naman! yan lang, kasi wala naman akong ibang pweding lutuin." sagot ko sabay upo na rin at nagsandok ng kanin at sinandukan ko rin siya.
"Sorry, hindi pala tayo nakapag grocery pa, later well do. sabi niya sabay subo ng marinated tuna.
" Mhmmmm.. delicious!!! You have a talent in cooking! and look at how you prepare it, you did it will, para akong nasa restaurant!" papuri pa niya kaya natuwa namn ako.
"Pwede tayong magtayo ng restaurant honey. Perfect!! dagdag pa niya.
"Huh! restaurant agad? yan pa nga lang nakain mo? sagot ko naman.
" You find ways na makaluto ng foods in a few ingredients at masarap ang luto mo, meaning you have a rare talent in cooking!" sabi niya na nagets ko naman agad kaya tumango nalang ako. Maka find ways eh noh' parang bngko!
"Salamat sa papa ko dahil hindi lang pag gigigitara ang itinuro niya sa akin, kundi pati na ang pagluluto! Mahilig kasi gumawa ng kakaibang dish ang papa ko, yung kahit simpleng luto lang dapat nagagawa niyang special. Ganon siya ka galing kaya nga sana, kong nakatapos ako ng pag aaral at hindi siya namatay ay Hrm ang pangarap naming kuhanin ko para magpapatayo daw kami ng restaurant ako mag mamanage." mahabang salaysay ko sa kanya kaya napatango naman siya.
Patapos na akong kumain at siya ay tila hindi pa nabusog. Tiningnan ko siya habang kumakain ng mapansin ko na parang ang laki ng eyebag's niya at parang nanghinhina!
Napaisip tuloy ako! Saan siya nanggaling at mukhang gutom na gutom!
Matapos kaming kumain ay ako na rin ang naligpit at naghugas ng pinagkainan namin! Nagpaalam siya na maliligo na rin daw kaya tumango nalang ako.
Binilisan ko nalang ang pagliligpit sa kusina para makapagpaligo na rin at baka tanghaliin pa kami mamaya ng pasok!
Matapos kong maghugas ay pumasok na rin ako sa kwarto at dumeretso sa built in cabinet ni Kaito kong saan andon din ang mga damit ko. Kukuha na ako ng maisuot ko ng bigla rin siyang lumabas na mula sa banyo at medyo napaatras ng nakita niya ako!
Napatingin din ako sa kanya ngunit mas nagulat ako sa hindi ko inaasahang makita! ang dibdib niya, 'May kissmark!!!
Ako na rin ang tila nahiya, kaya tumalikod ako at kinuha ko na ang tuwalyang nilapag ko kanina sa kama para gamitin at agad akong dumaan sa gilid niya para mkaapasok ng banyo!
Nakatayo lng siya na parang nabigla din at hindi alam kong anong gagawin!
Pagkapasok ko ng banyo ay hindi ko alam kong bakit bigla nalang tumulo ng mg luha ko!
"Bakit ako nasaktan sa nakita ko? Mahal ko naba siya? Bea' umayos ka! Wag ka ng magpapaluko sa mga lalaki! ginagamit ka lang niya, paglalaruan ka lang niya! Kausap ko sa sarili na parang si Vina Morales habang nakaharap sa salamin ng banyo!
Kumatok pa si Kaito sa pinto dahil siguro narinig niya ang hikbi ko!
"Bea, are you okay?" tanong niya pero imbis na sagutin ko siya ay pinaandar ko nalang ng shower at pasigaw na kumanta!
Natatawa ako ng marinig ko ng balitang mayron ka ng iba,
Halos Kahapon lang ng sinabi mo na tayo ay tapos na.. ???
Sinu ba yang nakuha mo at mukhang hindi ka kilala!
Ilan pa kayang mga babae ang paluluhain mo pa? ????
Pagkanta ko na alam kong hindi niya gaanong maririnig sa labas lalo na at nakaandar ang shower pero bahala siya! Dito ko ilalabas ng lahat ng hinanakit ko!
I wont ever again be the woman that I was,
the woman you once knew
I have become so much more
You think I’ve changed
I think I’ve grown.
by: paula louise my idol.
bow!
At napatula pa ako!