Nang matapos na akong magbihis ay lumabas agad ako ng kwarto at nakabihis na rin si Kaito, sa labas na banyo siya naligo.
Wala kaming kibuan ng tinungo namin ang parking area na nasa basement, tila naiilang siyang kusapin ako at ako naman naiinis sa kanya!
Hindi na ako naghintay na pagbuksan niya pa ako ng pinto sa halip ay kusa na akong pumasok at padabog ko pang isinara ang pintuan ng kotse!
Habang nasa byahe ay naisipan kong magsalita. "Can I ask a favor?" sabi ko sa mahinang boses sapat na para marinig niya.
"Yes, what is it?"tipid niyang tanong.
"Can you help me find a house or apartment for me and Michelle? maybe i bothered you and I want everything to be ready before Michelle come." sabi ko na ikinatahimik niya saglit!
"No! You stay with me!"
"Nag-usap na tayo hindi ba? Akala ko okay na sa iyo na hahanap ako ng sarili kong tirahan, bakit ngayon ayaw mo na?" naiiyak kong tanong dahil sa totoo lang naiinis na talaga ako sa kaniya.
"Bea please, don't leave me alone.''
" Don't leave me alone ka diyan pero kagabi iniwan mo naman akong mag isa sa condo at kong saan-saan ka yata nagsusuot na pag-uwi mo mau kagat na ng hihad iyang dibdib mo!"
"What?"
" What whatin mo iyang mukha mo!" Ganon na lang 'yon? Parang wala lang?" sagot ko na ikinatahimik naman niya at nag buntong hininga!
Buong umaga kaming halos walang imikan kahit sa trabaho, nagtataka nga si Hermie kong bakit kahit sa pagkain ay hindi ako sumbay kay Kaito. May lunch meeting siya at isasama sana niya ako pero nagpaiwan ako at niyaya ko nalang si Hermie na kumain sa farstfood katabi ng store ni Kaito.
"Day may problema ba kayo ni sir?" kuryusong tanong ni bakla habang kumakain kami.
"Wala, bakit mo naitanong?"
"E kasi halata, hindi ka sumama sa kaniya na mag lunch sa labas at mula pag dating ninyo sa opisina parang iniiwasan mo siya." Dagdag ni Hermie kaya tumamik ako saglit
"Ahmmm... Herm, wala bang girlfriend si Kaito dito maliban sa ex niyang mukhang pinaglihi sa harina?'
"Nagseselos ka kay sir?"
" Hindi! Nagtatanong lang eh selos agad." sagot ko at uminom ng tubig at kunyari nabilaukan. Umiling iling siya at mukhang nag-isip saglit.
" Walang girlfriend si sir pero may babaeng habol ng habol sa kaniya maliban sa ex niya." Sagot nito kaya napatigil ako sa pagkain ko at tumingin sa kaniya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
" Sino?"
"Yong asawa ng dati niyang kaibigan na namatay na, 'yong kasosyo dito sa negosyo, napabalitang may gusto raw sa kaniya ang babeng 'yon!"
"Nagagawi 'yon dito?"
" Oo pero minsan lang, mukhang pera ang babaeng 'yon at halata na mang pera lang ang habol niya kay sir." Sabi ni Hermie kaya napaisip ako.
''Baka 'yon ang pinuntahan niya kagabi at baka nilalandi talaga siya ng babaeng 'yon," bulong ko sa isip at pinagpatuloy na lang ang pag akin.
Nang makabalik na kami sa surplus store ay nakangiting bumati ang guard sa entrance palang.
"Swertiha nimo day oy, ibog gyud kaayo nimu si sir Kaito ba!" (Ang swerti mo day dahil gustong-gudto ka ni sir Kaito) sabi niya at tuwang tuwa pa. Ngumiti ako pero hindi ko alam bakit niya sinabi 'yon.
Nakatingin din sa 'kin halos lahat ng mga tauhan ni Kaito pagkapasok ko pa lang ng store at kitang-kita mo ang ngiti sa kani-kaniyang mga labi.
Nang paakyat na ako sa hagdanan may nakasalubong akong isang staff at may inabot sa 'kin na isang piraso ng white rose, nakangiti siya at dahil medyo nagulat ako tinanggap ko iyon ng walang tanong tanong.
Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan may nag abot ulit sa akin ng isa pang white rose hanggang nakarating ako sa taas ay isa pa ulit. At doon ko na naisipang magtanong, "saan galing to?" ngunit wala rin akong narinig na sagot kaya dumeretso na ako sa opisina.
Huli ko na napansin na mag isa nalang pala ako, wala na si Hermie. "Kasabay ko lang iyon kanina ah bakit nawala bigla? Ang weird!" bulong ko sa isip at pinihit na ang siradora ng pinto ng opisina.
Pagkapasok ko nagulat ako dahil ang dilim, wala akong makita sa loob ng opisina kaya kinapa ko ang switch ng ilaw para lumiwanag.
Pagbukas ko ng ilaw ay tumabad sa 'kin ang mga balloons na nakalutang banda sa table ko at sa taas ng office table ko ay may nakapatong na bouquet of white roses katabi ng maliit na teddy bear. Dinampot ko para tingnan ng...
"You like it?" boses ni Kaito mula sa likuran ko.
"Bakit, anong mayron? Bakit may pa flowers at balloon ka pa?" tanong ko na pilit ikinukubli ang saya at kilig na nararamdaman ko, syempre hindi dapat ganoon ka daling bumigay.
"You're mad at me and I think you feel upset. Gusto ko lang makabawi."
''Hindi ba girlfriend mo na ako?''
"Yes, why something wrong about it?"
"Something wrong? Itatanong mo pa talaga sa akin 'yan? Saan ka ba natulog kagabi? Sinong kasama mo? At bakit may... may pa-sa, este kiss mark iyang dibdib mo?" taas kilay kong tanong.
Tumawa siya bigla at napakamot sa ulo na lalo kong kinainis kaya ibinalik ko sa kaniya ang hawak-hawak kong bouquet at tumalikod, pero hindi paman ako naka-isang hakbang ay nahawi na niya ang aking baywang kayat napadikit tuloy ako sa kaniya at amoy na amoy ko ang pabango niya at ang hininga niya na nakakaadik ang amoy.
"Are you jealous honey?" tanong niya sabay hawak ng dalawang kamay ko ay nilagay sa baywang niya kaya magkayakap na kami ngayon.
"Jealous mo ang mukha mo!" taas kilay kong sagot sa kaniya.
"Look, I know mali ako because I didn't let you know... Last night, mom' called and asked for the inventory of the newly arrived stock.
She hurried to me to go to the office, para tingnan ang reports, because I left my u.s.b here so all the files are here. Hindi na ako nagpaalam dahil akala ko tulog ka na." Paliwanag niya at hinaplos ang ulo ko at hinalikan ako sa fore head.
" Eh bakit hindi ka umuwi? At ano 'yan? tanong ko ulit sabay binuksan ko ang botones ng longsleve niya at tinuro 'yong pasa na parang kiss mark.
"While I was looking for the USB because I couldn’t see it had fallen under the table, crammed into the edge of the boxes of yesterday’s arrival stock of bond papers. I grabbed it and correctly dropped the pentel pen and it fell vertically on the side of the box and I lost my balance I drowned."
"Are you sure?"
"Yes honey, and why i didn't go home because i had to finish the report because Mommy needed for the stocks she had to ship today. I felt drowsy about two o'clock in the morning so I fell asleep here." Dag dag niyang paliwanag at hinalikan ako sa labi kaya hindi na ako nakaimik!
Nakonsensiya tuloy ako, pinag isipan ko pa siya ng masama.
"Thank you honey." Bulong niya sa tenga ko.
"Salamat saan?"
''For being jealous, it just mean that you love me too." Sabi niya at binuhat ako kaya napatili tuloy ako!
"Kaito ano ba! Ibaba mo nga ako, makita tayo ng mga tao mo ang sagwa!" saway ko sa kaniya.
"So what? I don't care!" nakangisi niyang sabi at dinala ako sa isang silid na hindi ko alam mayroon pala dito. Sa likod ng table kong saan siya nakapwesto dito sa office ay mayroong isang kwarto at my code siyang pinindot sa wall kaya bumukas ito.
"May kwarto pala dito?" mangha kong tanong ng nakapasok na kami sa loob dahil nakita ko ang magagarang kagamitan na para akong nasa isang kaharian. Sa kabas para lang itong dingding.
"This is my secret place here in the office, no one knows it except me and now us. Dito ako natulog kagabi."
"Tumango ako habang tinutingnan ang paligid. May lampshade na naka patong sa maliliit na lamesa. Sa magkabilang side ng bed, Kingsize ang kama at color brown ang bed cover at pati ang unan ay combination ng white and brown.
Lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa kwarto pero ng inikot ko ang silid ay nakita kong may bintana ito at natakpan lang ng chocolate color na kurtina.
"Pahingahan lang ito honey, at hindi bahay, my condo is my home, our home." bulong niya sabay halik sa 'kin mula sa likod kaya ang gilid ng tenga ko ang nahalikan niya na dahilan para magsitayuan lahat ng balahibo ko.
"La-langga ano ba!" protesta ko sa kaniya pero lalo niya lang siya naging agresebo dahil niyakap niya ako mula sa likuran at hinalikan pababa sa batok ko.